Noong nakaraang araw lang panay ang papansin mo,
Ngunit ano ito ngayong nasasaksihan ko?
Noong nakaraang araw lang panay pa ang padala mo ng mensahe,
Ngunit ano ito ngayong mga nakikita kong mga imahe?
Noong nakaraang araw lang sinabi mo pang iginuhit mo ang larawan ko,
Ngunit ano ito ngayong ipinakikita mo, ako na ngayo'y nalilito.
Ano nga ba ang mga pinaggagagawa mo?
Talaga bang ginagago mo ko?
Noong nakaraang araw lang panay ang sunod mo na para kang aso,
Ngayo't makikita ko kasama mo ang isang bago na mukha namang pato!
Noong nakaraang araw lang halos mapuyat ako dahil sa kaingayan ng akin telepono
Dahil d'yan sa walang patid mong pagtawag sa aking numero.
Ngunit ano ito ngayong nakikita ko, na kayo ng bago mo na halos di mapaghiwalay kulang nala'y ipatapon sa biak na bato.
Noong nakaraang araw lang, ang lakas ng loob mong ikwento sa akin ang kagaguhan mo.
Naikwento mo rin kung paano ka nanloko.
Akala mo nama'y ikaw ay saksakan ng gwapo.
Sinabi mo pa na ikaw na ay nagbago.
Panay pa ang hirit mo ng mga salitang mababango.
Pero putangina mo wala kang maloloko dito.
Mabuti nalang at hindi ako nagpadala.
Dahil kung saka-sakali'y ako pa'y luluha.
Ngunit sana ang kagaya mo'y sakluban ng langit at lupa.
Nang sa gayon madama mo ang pighati't pagdurusa.
Bigla kang nawala na parang bula.
Sa tuwing kita'y masasalubong ay umiiwas ang iyong mga mata.
Bakit? Dahil ba sa kahiyaan sa iyong ginawa?
Teka, meron ka nga ba noon? Meron ka nga bang hiya?
Naisip ko, hindi ka ba nakokonsensya?
Sa pagpapaasa sa mga babaeng akala mo'y madali mong makukuha?
Malas mo lang at di ako kabilang sa kanila.
Hihintayin ko ang karma na tumama sayo..
At ako pa mismo ang unang tatawa pag karma na ang dumalo.
