hinahanap kita sa lupon ng tao
sa nagsasayawang ilaw
sa malakas na tugtugin sa paligid
sa mga nagulong lamesa
sa mga upuang natumba
hanggang sa nasa likod na pala kitaang lapit
pareho pa tayo ng kulay ng damit
nakakahilo,
ramdam ko ang tibok sa dibdib ko
kakaibang pakiramdam ang mapalapit sa iyokinakabahan ba ako?
isang litrato naman diyan
paalala lang para sana sa gabing puno ng kasiyahan
at pantayan ang galak na nararamdaman
na ikaw ang may kagagawan
At hindi mo man lang nalalamanAng lapit lapit
braso mo sa braso kong halos nakadikit
mga daliri kong kay lapit sa kamay mong nasa gilid
at ulo kong nakatagilid para sayo mapalapit
wala nang pakialam sa paligid
sabay ngiti kahit nagsisimula nang kumabog ang aking dibdibngiti, para sa litratong magpapaalala
para sa gabing hindi dapat iaksaya
lalo pa't sa bilis ng oras
di ko namamalayan,
paalis ka na pala
at ang gabi'y natapos na