Eto ako ngayon, nakatulala, pinipilit ang luhang huwag bumaba
Sa sakit na nadarama, paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa?
Gabi-gabi aking iniisip
Hindi ko naman ginusto ang mga nangyariKada panonood at pakikinig ko ng mga tulang isinasalita
Tila bawat salita'y tumutugma
Kada kamalasang dumadating,
Iniisip ko'y tama lamang ito sa akin.Pa-ulit ulit. Pa-ulit ulit ang mga maling bagay na aking ginawa, pinauulit ulit sa aking utak
Kada bigkas ng letra sa tulang isanasalita'y puso ko'y parang sinaksak
Pilit kong itinatatak
Na tama lang, dapat lang mangyari sa akin itoPero mali, hindi na tama
Masyado ng masakit tadhana
Mali, maling maling mali, maling mali na isisi sa akin ang lahat
Ang mga bagay na ginawa ko para lang ako'y maging masaya
Na hindi ko naisip na makasasakit pala.