Eight: Daege and Mei Mei"Ms. Go? Are you ok?"
Yzza immediately return to reality when he feel a slight tap on her shoulder. Its their voice coach who is talking to her.
"Oh, sir. I'm fine." saka sya ngumiti ng tipid. Gumanti din ng ngiti ang ginoo at umupo sa tabi nya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah."
"Hindi naman po. May naalala lang."
"Pwede ko bang malaman hija kung bakit ka umiyak kanina?" napatingin si Yzza sa ginoo. Nakita siguro nito ang pag-iyak nya kanina. Matagal na nyang kakilala ito dahil ito ang voice coach nila ni Chester nung high school.
Ngumiti muna ng pilit si Yzza bago tumugon sa tanong ng huli. "May katangahan po kasi akong nagawa. At kanina ko lang po narealize kung gaano kasakit sa part ko yung nagawa ko."
"Ang ibig mo bang sabihin ay ang pagpayag mo na maging singer sa kasal ni Chester?" natigilan si Yzza. Tinignan muna nya ang ginoo saka dahan-dahang tumango.
Pinikit ni Yzza ng mariin ang kanyang mata dahil nagbabadya na namang tumulo ang mga luha nya.
"Kung alam ko lang po na ganto kasakit, di na sana ako pumayag. Masakit po sir, sobrang sakit."
"Noon pa man pansin ko na na may gusto ka kay Chester. Kahit nung nasa organisasyon ka pa nung high school, halata ko na yun. Kaya nga nagulat ako ng malaman na isa ka sa mga wedding singers nya. Napakasakit noon sa part mo. Knowing na after all this years, best friend lang ang turing nya sayo."
Best friend lang ang turing nya sayo.
The moment she heard those words, as if on cue, her tears stream down her cheeks. Di na rin nya napigilan ang mga hikbi nya kaya't agad syang kinabig palapit ng ginoo at inalo. Ramdam ng huli ang sakit na nararamdaman ni Yzza. Masakit din para sa kanya na makita iyon because Yzza is so dear to her. Anak na ang turing nya dito and the sight that she was in pain hurts him.
"Darating din ang araw na lahat ng sakit mawawala. Yun bang kapag naalala mo ang nangyari ngayon matatawa ka na lang. Darating din ang para sayo. Sa ngayon, you just have to accept the fact that Chester is not meant for you. He is meant for her. Only her."
Maagang natapos ang rehearsal nila Yzza. Pagod sya kaya't nagbihis na agad sya at nahiga sa kama nya. May sarili na syang bahay ngayon. Napagtapos na din nya ang mga kapatid nya. Si Thunder ay piloto na, si Storm ay sundalo at si Rain ay architect. Sila Sabrina at Lucy naman ay kapwa mga nurse na. Tapos na din si Yzza ng medicine. Sa katunayan, sya ay isa ng doktor sa isang pribadong ospital sa Cavite. Kasalukuyan lang syang naka-leave for 3 days para na nga sa kasal ni Chester. Wala na nga syang mahihiling pa dahil maayos na ang buhay nya. Si Chester na lang. Ang taong kukompleto sana ng buhay nya kaya lang ay laan na sa iba.
Nagbabadya na namang tumulo ang luha nya. Naalala na naman kasi nya ang sinabi ng voice coach nya sa kanya kanina.
Best friend lang ang turing nya sayo.
"Best friend ? Haha. Why can't we be more than best friends?" bulong ni Yzza habang nakatingin sa picture nila ni Chester sa kanyang bedside table. Kasabay ng pagtulo ng luha nya ay ang pagbabalik ng ala-ala kung paano nga ba sila naging matalik na magkaibigan.
***
Hi! Mambibitin ako. Mukha kasing walang nagbabasa (di jke lang. Alam ko namang meron)
Pag may nagvote dito at nagcomment ! Promise bibilisan ko ang update. Pampagana lang naman kailangan ko eh :3