Six

16 2 0
                                    


Six: Goodbye

"Job well done guys!" sabay thumbs-up ni Mrs. dela Cruz kila Yzza, ang adviser ng org. nila.

"Thank you po!" they all shouted. Worth it lahat ng hirap nila dahil maganda ang naging performance nila.

"Ang galing natin!" sabay lapit ni kuya Dex sa kanila Ruby Anne.

"Haha." sabay lapit nila kay kuya Dex para sa isang group hug. (Sa totoo lang, si Ruby Anne lang talaga ang gustong lumapit, hinila lang nya sila Yzza at Melody)

"Ayy, Melody at Ruby Anne tawag kayo ni Ruth." sabi ni kuya Dex sabay hiwalay sa group hug nila.

"Bakit daw po?"

"Para ata doon sa notebook ng org. ?"

"Ah.Opo"

"Bakit hindi ka kasama Yzza ?" tanong ni kuya Dex kay Yzza.

"Ah k-kasi ----"

"Panget po kasi sya magsulat. Eh susulatan po namin ng committee bawat notebook kaya ayun, no no no si Yzza dun." mapang-asar na sagot ni Melody

"Grabe sa panget ah!"

"Di naman panget magsulat si Yzza ah!" pagtatanggol naman sa kanya ni Kuya Dex na dahilan ng pagkalukot ng mukha ni Ruby Anne

Selos na naman ito.

"Sure ka ba kuya Dex ? Nakita mo na syang magsulat di ba ? yung sa mga attendance ? Naku, magpatingin ka na sa mata." sabay tawa ng malakas ni Melody.

Konyatan ko 'tong baba na ito eh !

"Nakita ko na sulat nya 'no ! Patapusin nyo kasi ako. Yung sulat nya , sa sobrang ganda , tinalo pa ang sulat ng doktor XD !!" sabay peace sign sa kanya ni kuya Dex.

"I hate you all !" sabay walk-out ni Yzza. Tawa naman ng tawa ang tatlo.

"Yzza !" tawag naman sa kanya ni Chester.

"Oh? Maka-sigaw ? Taga-bundok lang?"

"Siraulo ka talaga!" sabay gulo nito sa nakapusod nyang buhok.

"Wag kang magulo. Minsan na nga lang maging maganda yung buhok ko ginugulo mo pa."

sabay ayos nya sa mga naglaglagang buhok sa tali nya.

"Hayaan mo na. Maganda ka naman eh." sabay kindat pa nito sa kanya. As usual , malandi ang ating bida kaya kinilig ng bongga.

Pulang-pula ang mukha nya dahil sa sinabi ni Chester. Hindi na sya nakasagot dito at agad pumasok sa backstage. Nakasalubong naman sya ni kuya Dex at bigla syang niyakap na lubos na kinabigla ni Yzza.

"K-kuya Dex..."

"Sorry na baby. Niloloko lang kita. Wag ka ng magalit please?" sabay layo nito ng konti sa kanya para tignan ang mukha nya. Mabuti na lang at hindi na  namumula ang mukha nya dahil malamang aasarin na naman sya ni Kuya Dex.

"Wala kuya Dex, ganyan ka naman eh." biro nito sa binata.

"Dali na baby, kahit ano gagawin ko makabawi lang promise!" sabay angat pa nito ng kanang kamay na wari'y nanunumpa.

"Joke lang kuya Dex ano ka ba! Niloloko lang kita ^_^"

"Ikaw talaga." sabay kiliti nito sa kanya.

"Hahahaha" tawa ni Yzza dahil ang lakas ng kiliti nya sa tagiliran at doon talaga sya nito pinuntirya.

"Landian pa more." agad naman silang napatigil sa nagsalita. Nasa tono nito ang pagbibiro pero halata mo din na may bahid ng selos.

"Hi Ate Michelle !" bati nya sa dalagang naka-tayo sa harap nila. Binaliwala nya na lang ang pagseselos sa boses nito.

Dream CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon