Seven

23 2 0
                                    


Seven: Why?

Hindi muna nagpakita si Yzza sa mga ka-orgmates nya matapos ang usapan nila ng ama nya.Ilang araw na syang hindi umaatend ng rehearsals at meetings. Ayaw nyang mag-quit pero wala din naman syang magawa, sarado na ang isip ng ama nya. Sa ngayon sila Melody at ang mga best friend nya pa lang ang nakakaalam tungkol sa pagququit nya.

"Be, di mo na ba talaga mapipilit si Tito Chris? Magququit ka na ba talaga?" tanong sa kanya ni Melody.

Ipaalala pa.

Bwisit na bwisit na sya kay Melody at sa mga kaibigan nya dahil paulit-ulit nila syang tinatanong. Ayaw na nga nyang maalala, pinapaalala pa nila.

"Alam mo Lodz, gusto ko ng irecord yung word na 'Oo, final na talaga' kasi paulit-ulit be eh. Alam mo yun?" sabay irap nya dito at tumingin sa librong binabasa nya.

"Taray mo talaga."

"I know."

"Maiwan na nga kita dyan. Hanapin ko si Ruby Anne."

"Ge lang." If I know, bored ka lang dito sa library dahil di ka makapag-ingay. Gusto nya sanang idagdag pero hindi na lang, aksaya lang daw sa laway.

Busyng-busy sa pagbabasa si Yzza dahil at last, wala ng dumaldaldal sa kanya when she heard a familiar voice.

"Pwede makiupo?" She gathered her every strength not to look up and meet his gaze. Sa ngayon, sya ang pinakaayaw nyang makita dahil malamang magtatanong lang ito kung bakit di sya naattend ng meetings. Ilang beses na rin sya nitong tinext pero hindi nya ito nirereplayan. Ayaw nya namang malaman pati nito na aalis na sya sa org.

Hindi sya kumibo at umaktong hindi ito narinig. Narinig naman nya ang paghila sa upuan kaharap nya, senyales na umupo ito sa tapat nya.

"Yzza." tawag nito sa kanya. Halos bulong lang iyon dahil nasa library sila pero sapat na para marinig nya.

"Oh?" sagot nya dito ng hindi tumitingin.Cold treatment lang.

"Hindi ka pala talaga kagandahan 'no?"

What the ? Agad nag-angat ng tingin si Yzza kay Chester. Taas-kilay nyang itong tinitigan. Ghad! How she missed that face.

"Finally! Tinignan mo na din ako. Gusto mo nilalait ka pa eh."

"Tss. Ano bang problema mo?"

"Ang taray mo naman! Tinanong kasi ni Kuya Dex kung bakit di ka na daw naattend. Akala namin napano ka na."

Magququit na kasi ako. Gusto nyang sabihin but she didn't.

"Eh kasi ano, busy eh." sagot na lang nya ng matigil na si Chester.

"Ah. May meeting mamaya ah! Umattend ka! Ok ?"

"Sige." Siguro nga. Kailangan ko ng sabihin na magququit na ako.

"Ok. Kita tayo mamaya. Bye!" sabay tayo nito at lumakad na palabas ng library.

Hay, bahala na mamaya.

***

"Melody, aattend kayo ng meeting?" tanong nya dito. Uwian na kasi at naglalabasan na ang mga kaklase nila.

"Oo. Bakit? Aattend ka?"

"Oo."

"Sige. Hintayin lang natin si Ruby Anne."

Lumabas na din naman agad si Ruby Anne at naglakad na agad sila sa papuntang org. room.

"Yzza, di ka na magququit di ba?" tanong sa kanya ni Ruby Anne.Nginitian nya na lang ito. Di nya kasi sinasabi sa mga ito na ngayon nya kakausapin ang president nila tungkol sa pagququit nya.

"Yzza!" Napalingon sya sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa kanya.

"Uy! Chester!" kaway naman nila Melody. Agad namang tumakbo palapit sa kanila si Chester. Tapos na din kasi ang klase nito at papunta na sa org. room.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Melody paglapit ni Chester.

"Sa org. room. Kayo?"

"Doon din! Tara sabay ka na samin." aya naman ni ruby anne.

Ganun nga ang nangyari. Naglakad sila ng sabay. Magkatabi si Ruby Anne at Melody habang si Chester naman at Yzza.

Nkarating din naman sila ng matiwasay sa org. room.

"Yzza!" sigaw ni Kuya Dex. Bakas sa mukha ng binata ang saya dahil nakita muli si Yzza. Ilang araw na din kasi nyang hinihintay na dumating ito sa meetings nila.

Agad lumapit si Yzza kay kuya Dex at sinalubong naman sya ng yakap nito.

"Kung magpapamiss ka wag naman yung sobra ha?" bulong sa kanya ni Kuya Dex.Ngiti lang ang tinugon nya sa binata saka kumalas sa yakap at pumasok sa loob.

Sorry Kuya Dex, Chester.

Pagpasok nya sa loob agad nyang hinanap ang kanilang presidente.

***

Kasalukuyan sila ngayong nakaupo sa gitna ng room. By committee as usual. Magkatabi sa unahan sila Yzza habang si Chester naman ay nasa likod nila.

"Ah! May sasabihin nga pala ako. May isa tayong member na magququit. Kinausap na nya ako kanina and I already agreed. Now, magpapaalam na sya sa inyo kasi this is the last time na aattend sya."

"Hala pres. ! Sino? Anong committee nya?" tanong ni Kuya Dex.

Ngumiti lang ang president nila kay kuya Dex.

Napatingin naman sila Ruby Anne kay Yzza. Nakayuko lang si Yzza kaya alam na nilang ito ang tinutukoy ng presidente.

"Sino kaya yun?" tanong ni Chester kay Yzza sabay kalabit dito dahilan upang mapatingin ito sa kanya.

"Kilala mo ba Yzza?"

Sasagot na sana si Yzza ng biglang magsalita ulit ang presidente nila.

"May I call Ms.Go to stand here in front and deliver your farewell speech."

Shock was written on everyone's face ng malaman nilang si Yzza ang magququit.

Yzza stand on her feet and walk up in front. Even her eyes were misted with tears, she still managed to hold it back.

"Hi everyone. I'm Yzza. Siguro yung iba kilala na ko. Ah, sorry kung aalis na ko. I don't want to go but I have my reasons. Sorry if I will leave this org. God knows how much I don't want to go but I have to." napayuko na lang si Yzza habang nagsasalita. Hindi nya masalubong ang tingin nila Kuya dex at Chester at ng iba pang member.

"Ano pang ginagawa mo dito? Bakit di ka pa naalis?" pagalit na tanong sa kanya ni Kuya Dex.

Maluha-luhang napatingin sya sa pwesto ni Kuya dex. Oo, aalis sya pero may dahilan!

Kuya Dex..

Nabanggit nya na lang habang tumatakbo paalis ng org. room.

Sorry.


***

Inactive for months. Sorry -__-V

Dream CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon