Two

26 3 0
                                    

Two: His number

"OK , class dismiss. I'll see you all in Monday. Have a nice weekend everyone." pagpapaalam sa kanila ng teacher nila.

Friday na ngayon at gustong gusto na ni Yzza umuwi.

"Uy, Yzza ! Tara uwi !! Bilisan mo na dyan at baka makita tayo ni Lenie.Baka mag-aya na naman yung maglaro. Isip bata pa naman yun." pag-aaya sa kanya ni Mabel, best friend nya.

"Sige. Gusto ko na din matulog eh."

Ilang araw na rin kasing puyat si Yzza kakaisip sa crush nya. Oo, si Chester . Ang crush nyang ayaw magpatulog sa kanya.

Sana makita ko man lang si Chester ngayon. sa isip isip nya.

"Ay , sige. Tara ng lumabas."

Inayos na nya ang gamit nya at tumayo. Papalabas na sila ni Mabel ng classroom ng may biglang pumasan sa likod nya.

"ANNNOOO BBBAAA !!!!" sigaw nya sa gulat. Pinagkukurot nya ang kamay ng kung sino man na nakapulupot sa kanya.

"Aray naman Yzza. Sadista ka ah. Teka , ang aga nyo namang umuwi ni Mabel ! Tara , laro muna tayo ng Hide and Clap!" magiliw na aya sa kanila ni Lenie , bestfriend din nila.

"Mukha kang Hide and Clap!" bulyaw naman sa kanya ni Mabel. Agad namang bumaba si Lenie mula sa pagkakapasan kay Yzza.

"Tsk. Ang sama mo sakin !! Hmpft "

"Wag ka ngang mag-pout ! Kamukha mo na si Annabel !" pang-iinsulto ni Mabel. Lalong sumama ang mukha ni Lenie at hindi naman mapigilan ang pagtawa ni Yzza.

"Hay nako, tama na yan. Uuwi ako ng maaga dahil inaaantok na ako.Next time na lang Len."

"Sige na nga. Bye Yzza, bye Mabel panget."

sigaw ni Lenie sabay takbo

"Pa-epal talaga yan si Lenie !! Baliw eh. Pagamot na nga natin yan."

"Hahaha . Tara na nga, gusto ko na talagang matulog."

At naglakad na sila papuntang exit.

"Malamang sa exit alangan sa entrance .Bobo ka lang ?!" - Mabel

At nadapa po si Mabel at namatay.

" Uy , wala namang ganyanan !"- Mabel.

Joke lang . Keke , lame ang convo namin ni Mabel.

***

"Kaawa-awang Yzza. Di makakatulog dahil may meeting sila."

Nasa tapat sila ng bulletin board. Madadaanan kasi ito bago makarating sa exit gate ng school.

Sinamaan ng tingin ni Yzza si Mabel . May meeting kasi sila sa org. 5 pm pa ang start. 3 pm pa lang.

"Mauna ka na nga lang umuwi. Pesteng meeting yan ! Naudlot ang tulog ko !"

"Malay mo naman makita mo si Chester dun?"

Agad namang nagliwanag ang mukha ni Yzza , di nya kasi naisip yun.

"Oo nga 'nu ? Di ko naisip yan ah !!"

"Malandi ka talaga 'nu ? Letseng 'to ! Nagising agad yang kalandian sa katawan mo . Makaalis na nga. Bye" at umalis na nga si Mabel.

Maka-malandi naman 'to ! Mas malandi ka nga sakin eh. Tch.

Dream CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon