One

45 4 0
                                    

One: First Met

"Oh my gosh!! Ang gwapo nung isang member ng singing committe oh."

"Oo nga! He's so cute. Balita ko SSC student yan eh."

"Wow ! As in taga-special science class sya? Astig !! Gwapo na, matalino pa."

Rinig ni Yzza ang pagbubulungan ng iba nyang org. mates. Tinititigan nila yung freshman na nakaupo sa dulo ng bleacher.

Oo, tinititigan nila dahil kasama sya.

Gwapo yung freshman. Maputi sya at chinito. New member lang ito dahil ngayon nya pa lang ito nakita. Sophomore na kasi sya. Second year. Katulad nya din itong singer. Lalapitan sana ng isang officer yung lalaki ng biglang may sumigaw ng

"Company call!!!"

Hudyat yun na pinapatawag lahat ng committee.

Singing, dancing, acting, handsplay at production committee.

Tinabi nya na ang gamit nya sa loob ng bag nya at agad tumakbo sa tapat ng stage kung saan nakaupo na ang iba pang members at officers.

"Whoo, Yzza .. Urong ka nga." sabi sa kanya ng kaklase na si Melody, member din ng org na kinabibilangan nya at isa ding singer.

Medyo hinihingal pa ito dala na siguro ng pagod sa pagtakbo.

"Uy, patabi din." sigaw ni Ruby Anne na kakadating lang. Kaklase nya din ito.

"OK, dahil tapos na ang ating 1st workshop, I want every committee to tell me what have you learn.One representative every committee ok? Chairmans, pick your representative. Babalikan ko kayo after 5 minutes." anunsyo ng kanilang presidente.

Agad silang nilapitan ng chairman nila, si Ruth.

Tinignan sila nito at tumitig kay Yzza.

"Yzza , dahil member ka na last year, ikaw na ang representative ok?"

Agad nyang narinig ang pag-buntong hininga ng iba nyang kasamahan, mga natutuwa dahil hindi sila ang napili.

Um-oo na lang sya bilang pag sang-ayon.

Wala din naman kasi syang magagawa.

Bumalik na ang kanilang presidente matapos ang limang minuto.

"Ok, representative ng singers, tayo na." sabi ng presidente nila.

Tumayo na sya kahit kinakabahan.

Magsasalita na sana sya ng magsalita muli ang presidente nila.

"Ayoko sayo. Old member ka di ba?!"

Tumango sya bilang sagot.

Ano bang problema nito ni Pres.? Ang arte ah. sa isip-isip nya.

"Umupo ka na. Lahat ng committee , new member ang representative ah." anunsyo ulit nito.

Nagkagulo na silang mga singer.

Kung sana kasi kanina nya pa sinabi na dapat new member edi sana di kami natataranta ngayon. Inis na sabi nya sa sarili.

Ayaw pa naman ng presidente nilang pinaghihintay.Ang aarte pa ng mga new, ayaw tumayo kesyo nahihiya daw sila.

Nabibwiset na sya pati na din ang ilang old members dahil

nakita nilang naiinis na ang presidente nila kaya mas lalo silang nagkagulo.

Mapapagalitan na sila ng bigla syang tumayo.

Yung gwapong new member. Bulong nya sa sarili.

"Ako po ang representative ng singers." buong loob na anunsyo nito.

"Magsimula ka na." pagbibigay hudyat ng presidente nila.

Andami nyang sinabi tungkol sa mga natutuhan nya. Ang daming namangha sa kanya.At marami syang pusong nabihag, kasama na ang puso ni Yzza.

"Very good , anong pangalan mo?" tanong ng presidente nila

"Chester po , pres."

"Very good Chester, very good." pagbibigay-puri ng presidente nila kay Chester.

Chester, chester. bulong nya sa sarili habang ngingiti-ngiti. Confirm, tinamaan sya kay Chester.

"Hoy Yzza ! Ok ka lang?" tanong sa kanya ni Ruby Anne. Nakatingin din sa kanya si Melody.

Tumingin lang sya sa mga kaklase at ngumiti.

Nagtinginan sina Melody at Ruby Anne sa isa't isa at nagkaintindihan sila.

"Hoy, wag mong sabihing may gusto ka dun kay Chester?!" pangkukwestyon sa kanya ni Melody .

Nginitian lang nya ang mga kaibigan at nakinig na sa presidente.

"Malandi ka !!" sabay na sabi sa kanya nila Melody sa tonong pabiro.Natawa na lang sya sa mga kaibigan.

***

First chapter done !! ^___^  I promise I'll try to update this as much as I update my other story , The Story of a ChaserPag nag aupdate kasi ako dun, 2-3 chapter ang inaaupdate ko. as in sabay-sabay yun. Mga 10 chapter lang naman ito eh so I guess matatapos ko ito agad.

xoxo

Author

Dream CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon