Five: I hate youMany days had past , bukas na ang performance day nila Yzza kaya naman may practice sila ngayon. Sakto namang papalabas na si Yzza ng tawagin sya ni Lhea, best friend din nya.
"Uy ! Bawal daw estudyante bukas sa gym. Di ka namin mapapanood :3"
"Oo nga eh. Teachers lang daw ang pwede sa gym tsaka performers. May klase daw kayo bukas eh"
"Wews ? Sinong magtuturo ?"
"Student teachers."
"Ay bongga ! Baka makita ko si sir Joshua nyan ! Ge bhe. OK lang pala kahit hindi ka namin mapanood bukas. Goodluck na lang sa inyo nila Melody."
"Wow. Ang supportive mo talaga." sabi ni Yzza in a sarcastic manner dahil talagang landi ang pinairal nitong kaibigan nya.
"Haha. Ganun talaga bhe. Hala sige layas ! Nang makita mo na ang dream crush mo. Ayiieeh!" sabay sundot pa nito sa tagiliran ng kaibigan.
"Praning!"
xxx
"Hi kuya Dex !" bati nya sa binata na nakasalubong nya papasok sa club room nila.
"Hello !"
"Andyan na po sila Ruby Anne?" nauna kasi kay Yzza ang dalawa sa pagpunta dito.
"Ah. Oo. Andun sa loob nababaliw na naman!" sagot ni kuya Dex na matatawa-tawa.
"Haha. Bakit kuya Dex, ano na namang trip nila?"
"Basta pumasok ka na lang para malaman mo." Sabay gulo ni kuya Dex sa buhok nya. Pumasok na din si Yzza sa room nila. Excited malaman ang trip ng mga kaklase ng biglang
"Deyymm!" sigaw ni Yzza. Pagpasok na pagpasok nya kasi ng pinto, agad may umapak sa paa nya! Take note sakto sa puting medyas nya !
"Ano ba yan Justine ! Parang ikaw naglalaba eh!" asik nya kay Justine habang pinapagpagan ang medyas nyang may bakat ng sapatos ni Justine. Pakshet naman oh! Yari ako kay mama nito eh.
"Wag ako sisihin mo isaw ! Ayang sila Ruby Anne pagsabihan mo! Nangaapak ng sapatos tapos sasabihin 'apakan mo yung unang makikita mo' eh sakto ! Ikaw nakita ko kaya ayan, ikaw naapakan ko. Ikaw kasi eh"
"Aba't ! Kasalanan ko pa ?"
"Medyo. Sige na isaw Maghanap ka na din ng biktima ! Ciao !" sabay takbo ni Justine palayo.
Gaganti din ako.
Dumiretso sya sa isang sulok ng room para ilagay ang gamit nya ng may makita syang lalaki na maglalagay din ng gamit dun. Uy sakto ! Makakaganti na din.
Hindi naman ito ang unang taong nakita nya bukod kay kuya Dex at Justine dahil nakasalubong nya din ang adviser ng club nila at president pero syempre, alangan namang apakan nya ito diba? Kaya malas nitong si kuya. Wahaha
"Hi--- Ugh! What the ?"
Oh My Papa Ghad !Lord kill me now please. Lupa ! Oh lupa ! Lamunin mo ko! Parang awa mo na!
Sakto kasing pagharap ni kuya, inapakan agad ni Yzza ang makintab nitong black shoes without even looking kung sino ang guy na unfortunately ay ang kanyang dream crush.
"Hala ka Dream -- este Chester ! Sorry T-T" sabay yuko nya pa dito. Takteng mga trip kasi yan eh.
"Naiwasan ko nga sila Ruby Anne sayo din pala ako babagsak." sabay ngiti nito sa kanya. Ngiting ngiti din naman ang ating talanding bida dahil double meaning sa kanya yun.
Sayo din pala ako babagsak
Sayo din pala ako babagsak
"Nilalagnat ka Yzza ? Bakit namumula ka ?" tanong sa kanya ni Chester.
"Huh ? Ah ano, mestisahin kasi ako. Namumula pag mainit." palusot nya dito.
"Hahahahaha !! Parang di ka naman mestisa!" sabay tawa ni Chester sa kanya. Ba't ba naman kasi yun yung naisip nyang palusot eh di naman sya gaanong kaputian. -___-
"Mean ka Chester ! Masamang espiritu lumayas sa katawan ng mahal k-- este sa katawan ng pakyow na 'to" sabay taas pa nya ng kamay.
"Siraulo ka Yzza ! Wag mo kong minumura ah!"
"Di kita minumura! Minamahal nga kita eh!" sigaw nya pabalik dito.
Ayy shet? Did I say it aloud ??
"Boom ! Mga pick-up line ni Yzza Go !! Applause !" sabay palakpak pa nito sa kanya.
OK na sana na di nya napansin yung pagkadulas ko, kaso pick-up line ? Packing tape ! Masakit ah.
"Haha. Gumanti ka na lang sa unang taong makita mo Sy." tumalikod na sa kanya si Yzza. Nasaktan kasi talaga sya. Kaya lang
"Chester Sy !!!"
Bigla kasi syang inapakan ni Chester sa paa. Take note ulit , sa kabilang medyas naman.
"Sabi mo kasi una kong makita di ba ? Eh ikaw una kong nakita eh ! ^-^ "
Sabay takbo nito palayo kay Yzza.
I hate you. I really hate you. Sinaktan mo na nga ako physically, sinaktan mo pa ako emotionally. Yung totoo ? Ano bang role mo sa buhay ko ? Manakit sakin ?
