Four: We're Friends :)
After ng 30 minutes of continuos singing , binigyan sila ni kuya Dex ng 30 min. break. dahil tinawag ito ng kanilang presidente.
Kanya-kanya naman agad sila ng gawain. May kumakain, may nakikipag-kwentuhan, may nagbabasa at yung iba naka-headset kagaya ni Yzza at Ruby Anne. Si Chester naman, naka-upo lang sa sulok at nagbabasa ng libro. Nakaupo ito paharap kay Yzza kaya kitang-kita nya ang kgwapuhan nito este ang librong binabasa nya.
Quentins by Maive Binchy ? Romantic novel yan ah. takang tanong ni Yzza sa utak nya. Nabasa nya na kasi ang librong yan.Tungkol sa isang babaeng niloko ng isang lalaking akala nya ay 'the one'. Basta. Parang ganoon ang nangyari at kung pa'no ito naka-move on.
Nagbabasa pala sya ng mga ganong libro?
Feeling kasi ni Yzza medyo awkward kung mag-babasa ang isang lalaki ng romantic novel.
"Yzza tunaw na." sabi sa kanya ni Ruby Anne.
"Huh ?" takang tanong nya dito. Medyo di nya kasi nagets ang ibig sabihin nito.
Ibinaba ni Ruby Anne ang suot nyang headset sabay sabi ng malakas ng " ANG SABI KO TUNAW NA !" Pinagtinginan naman sila ng lahat kasama si Chester. Nginitian lang nila ang mga ito.
Nagets na ni Yzza ang ibig sabihin ni Ruby Anne , pero nagpanggap pa din syang hindi nya maintindihan ang ibig ipahiwatig nito.
"Tunaw na ang alin?" maang-maangan nya dito.
"Ay ? Bobo-bobohan ? Sabi ko tunaw na si -- asdfghkl !!" agad tinakpan ni Yzza ang bibig ni Ruby Anne dahil isisigaw nito ang pangalan ni Chester !
"Letse ka Calleja ! Wag mong ipagsigawang shunga ka ! Paslangin ko lahi mo eh!"
"Letse ka din Go ! Bobo-bobohan ka kasi eh !" pagtatalo nila sa mahinang boses. Nilapitan naman sila ni Kuya Dex na nakabalik na pala sa pwesto nila.
"Nag-aaway kayo?" tanong sa kanila ni Kuya Dex.
Hindi kuya Dex . Naglalambingan kami ! Grabe ! Nagmumurahan nga kami eh. bulong ni Yzza sa isip nya. Di naman talaga sila nag-aaway ni Ruby Anne , medyo nagsasagutan lang.
"Hindi po kuya." sagot ni Ruby Anne
"Ah. Akala ko nag-aaway na kayo. Oh well." kuya Dex sabay ngiti sa kanila ni Ruby Anne at as usual ang gaga ngiting aso na naman.
"Mas gwapo talaga si kuya Dex kesa dyan sa Chester mo." bulong ni Ruby Anne kay Yzza habang hinahagod ng tingin si kuya Dex na nakikipag-usap sa ibang member.
Napalingon naman si Yzza kay Ruby Anne at tumingin din kay kuya Dex.
"Oo nga 'nu ? Sa tingin ko si kuya Dex na ang bagong crush ko."
"Jongina Yzza ! Wag kang mang-aagaw !! " Ruby Anne habang nakatayo at sinisigawan sya. Nagulat ang lahat sa biglaang pagtayo ni Ruby Anne. Agad naman syang nilapitan ni kuya Dex.
"Oh ? Anong problema ? Magkaaway kayo?" tanong sa kanila ni kuya Dex.
Kuya Dex , hindi kami magkaaway, inaasar ko lang sya. Sa isip-isip ni Yzza . Wala naman kasi talaga syang gusto sa lalaking yan. Niloloko nya lang si Ruby Anne at kung magkakaroon man sya ng interes dito, sana dati pa dahil mas nauna nya itong nakilala kaysa kay Chester.
"Ay. Hindi po kuya Dex. Nagpa practice lang po kami para sa play namin sa English. Diba Yzza ?" baling sa kanya ni Ruby Anne
"Huh ? Ah .. Oo na lang po." sagot ni Yzza. English daw eh tagalog sinabi mo.