CHAPTER 50

146 7 0
                                    

-*-

JOHN KEIROH’S POV

Hindi ko maitanggi ang lubusang kabang sumisinto sa dibdib ko. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng hangin dito sa loob ng sasakyan.

Tatlo lang kami rito sa van—-si Sir Topaz, ako at ‘yong driver—-pero pakiramdam ko ay sobrang tensyonado ng bawat segundo.

Bakas sa mga mata ni Sir Topaz ang tensyon. Kahit naka-mask siya ay basang-basa ko ang sinasabi ng malikot niyang mga mata. Mabilis din ang pagmamaneho ng driver sa kahabaan ng SLEX habang ako ay hindi mapakali. Niyuyugyog ko ang hita ko sa kaba... kahit wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.

“Nalaman n-nilang nasa akin ka...” usal ni Sir Topaz dahilan para napalingon ako sa kaniya.

Nasa tabi ko lamang siya at kitang-kita ko ang magkakahalong emosyon sa mga mata niya.

“Delikado, Keiroh... delikado tayo...”

Napahinga ako nang malalim. Hindi ko na kaya maipit sa gulong wala na naman akong kaalam-alam. “Bakit ba ganito? B-bakit gano’n na lang ang galit sa inyo ng senador na ‘yon? Sino bang senador ‘yon?!”

Hindi ko na napigilan ang pagbaha ng mga tanong. Alam kong medyo bastos na ang paraan ko ng pagtatanong... pero hindi ko na kaya na manahimik.

Nilingon ako ni Sir Topaz. “May isang babaeng nagngangalang Jaden na nagmahal kay Zarious... pero si Ma’am Precious mo talaga ang mahal ng anak ko, e. Nabulag siguro ng pagmamahal si Jaden kaya nakagawa siya ng masama. Kahit anak siya ng senador, nakulong siya. At ngayong malaya na... naghihiganti ang ama niya. Masyadong isip bata ang senador na ‘yon...”

“Wala akong k-kinalaman d’yan! Bakit ninyo ako dinadamay?!” hindi ko mapigilang magtaas ng boses.

“I-I’m sorry,” nabasag ang boses ni Sir at hindi magawang makatingin sa akin nang direkta. “It’s just—-I thought you could help me. Akala ko makakabalik na a-ako sa pamilya ko through y-you...”

“Paanong through me?” Nagusot ang mukha ko. Ipinako ko ang paningin ko sa labas ng sasakyan...

Payapa. Parang walang panganib. Parang walang problema sa paligid. Tangina tahimik na daan sa gitna ng palayan ang mabilis naming tinatahak.

Sa paglipad ng mga minuto ay naging tahimik lang si Sir. Palingon-lingon siya sa paligid na parang may hinahanap.

Hindi ko alam kung nababaliw lang ba talaga siya o ano. Para naman kasing tinatakot niya lang ako kasi wala naman akong napapansin na sumusunod sa amin.

“WHAT THE HECK, MARIO?! DRIVE FUCKING FASTER! THEY’RE HERE!”

Halos mapalundag ako sa gulat nang sumigaw si Sir. Naghahabol siya ng hininga sa takot at tumutulo na ang pawis niya sa pagkataranta. Kahit umaandar ang sasakyan ay naglakad siya palipat sa tabi ng driver.

Kung hindi ko lang narinig ang isang helicopter ‘di kalayuan sa amin ay iisipin kong nababaliw na nga si Sir.

“Tanginavels.” Lumakas ang kalabog ng puso ko.

Pansin kong may nakalitaw na mahabang bagay sa pinto ng helicopter... pero malinaw pa ang mga mata ko. Hindi ‘yon baril.

Isang telescope... pero nakatutok sa sasakyan namin.

Nanigas ang buo kong katawan ko. Pakiramdam ko ay luluwa mula sa loob ng dibdib ko ang aking puso. Parang ngayon ko pa lang naintindihan ang kaba at takot na nararamdaman ni Sir.

Hindi ko sana iisiping hindi kami sinusundan no’ng helicopter, pero hindi kami tinatantanan.

Hindi ko mapakalma ang sarili ko. Mura nang mura si Sir sa unahan habang ako ay mas lalo lang lumalago ang kaba sa sistema ko. Magkabukod ‘yong takot ko sa helicopter at ‘yong takot ko na baka mabangga kami Kasi sobrang bilis namin.

“HURRY THE FUCK UP!”

Sinundan ng magkakasunod na putok ng baril sa labas ang malakas na boses ni Sir. Mula sa helicopter... tyinempuhan talagang walang ibang sasakyan sa kalsada kundi kami.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mata ko...

Dito na ata ako matatapos.

Dito na ata ako mamamatay.

Pinilit kong pigilan ang sarili kong umiyak... pero hindi maiwasang pumasok sa isipan kong kapag nawala ako... mahihirapan nang sobra sina Inay at Ciro.

Hindi tumigil ang pag-agos ng mga luha ko. Lalo lang dumadami kasabay ng pag-ulan ng mga bala.

Lalo pang lumala ang takot ko nang may isang bala na nakapasok sa sasakyan dahilan para mabutas ang bintana. Sa unahan ko... kitang-kita ko kung gaano kabilis ang at kung paano hatiin ng balang iyon ang hangin...

Kung tinamaan ako noon, baka namatay na ako.

Napaupo ako sa sahig ng van, sa pag-iisip na baka hindi nila ako makita pag ginawa ko iyon. Pero tineted ang bintana...

Isinandal ko ang sarili sa pinto ng sasakyan at niyapos ang sariling tuhod. Ang bigat-bigat ng mga hikbi ko... nangangatal ang buo kong katawan sa takot...

Para akong bata...

Ganitong-ganito ako noon sa tuwing uuwi si Itay nang sobrang lasing. Ganitong-ganito ako katakot... dati. Nang isang araw, magpaputok siya ng baril sa labas ng bahay dahil sa sobrang galit.

Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang may bala na pumasok sa direksyon ko at bumaon iyon sa foam ng kanina kong kinauupuan.

Natutop ko ang bibig ko sa takot. Ayoko pang mamatay. Hindi puwedeng mamatay ako nang ganito... kailangan pa ako ng ina at kapatid ko.

Gusto kong may makapitan... gusto kong pumunta sa unahan... gusto kong may makasama...

Pero sigurado akong ang pinupuntirya ng mga bala ay ang unahan. Dito lang tumatama kasi umaandar kami. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mariin ko na lang na ipinikit ang mata ko at nanalangin.

Ngayon ko lang napagtanto kung anong tunay na kahulugan ng sinasabi nilang “ayoko pa mamatay, marami pa akong pangarap.”

“Keiroh?! Naririnig mo ba ako, Keiroh?!”

Napatunghay ako mula sa pagkakaub-ob. “Opo!” sigaw ko mula sa kinauupuan ko.

Tahimik na... pero mabilis pa rin ang takbo namin. Wala nang umuulan na mga bala, pero rinig na rinig ko pa rin ang ingay ng helicopter.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Hindi na ako nagulat nang makita kong butas ang kanina kong kinauupuan dahil sa bala.

Matao.

Matao sa labas. Maraming sasakyan. Maraming gusali.

Kaya ba tumigil sila sa pagpapaputok?

“Keiroh...” Nakita ko si Sir Topaz na nag-aalalang tumingin sa akin at inalalayan ako sa pag-upo sa katabing upuan na hindi natamaan ng bala.

Basang-basa ang mukha ko, pero wala akong maipunas doon kundi ang sarili kong t-shirt.

Umupo siya sa isang upuan sa kabilang bahagi ng sasakyan. Tanging ang aisle ang pumapagitan sa amin.

“Keiroh...” Kinakabahan niyang hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko kung gaano kalamig ang mga palad niya at kitang-kita ko kung gaano nanginginig ang kaniyang mga mata. “D-dadaan tayong gasolinahan... hindi kami magpapagasolina, Keiroh. Doon ka n-namin ibaba. M-Mas ligta—-”

“Paano k-kayo?”

“Keiroh, ilang beses ko na itong pinagdaanan. Ilang beses ko nang hinarap ang kamatayan. Matanda na ako... kung mawawala ako sa mundo, ayos lang.” Tumulo ang luha sa mga mata niya.

Alam ko kung gaano pa niya kagusto mabuhay. Alam kong gusto pa niyang mayakap si Pzrae na kailanman ay hindi niya nakaharap nang malapitan.

“Susugal na lang din ako, Keiroh. Mamamatay akong lalaban para mabawi ang pamilya ko.” Humagulhol na siya. Damang-dama ko kung gaano napupunit ang puso niya sa tuwing sinasabi ang salitang mamamatay. “Isipin mo na lang na k-kapag nagtagumpay a-ako... m-makakabalik na sa p-piling ninyo s-si Roel.”

  
   
  

___________________________________
A vote is will always be appreciated...

Heart 3: Swollen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon