-*-
JOHN KEIROH’S POV
Simula nang iwan kami ni tatay, itinatak ko sa utak ko na hindi muna ako puwedeng magmahal ng kahit sinong babae... kailangan ko munang iparamdam kay Inay ang lahat ng pagkukulang ni Tatay.
Lalo na no’ng lumabas sa sinapupunan ni Inay si Ciro. Doon ko mas iniukit sa puso ko na kailangan ko munang maging ama at kuya para sa kapatid ko...
Pero nang pinasok ko itong Maynila na parang kagubatan sa sobrang delikado, napagtanto kong kailangan ko ring bigyan ng oras ang sarili ko. Binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong magmahal nang makilala ko si Angela—-na si Hanna pala—-pero hindi rin gumana.
Aaminin kong nasaktan ako nang makita kong kahalikan niyan si Arjo, e nililigawan ko siya nang mga panahon na ‘yon. Nagpakita na siya ng motibo at pag-asa, e. Siguro kaya rin ako nasaktan dahil sa mga pinakita niyan sa akin.
Pero... pero nang ikuwento niya sa akin lahat... mas nasaktan ako para sa kaniya. Oo, alam ko nang may namatay siyang anak... at hindi ko inakalang si Arjo ang ama no’n. Naaawa ako sa kaniya kasi araw-araw niya noong nakikita ang ama ng anak niya na nang-iwan sa kaniya tapos wala siyang ginawa kundi magpanggap na parang hindi niyan kilala si Arjo.
Bakit ang galing ng mga babaeng magpanggap na hindi sila nasasaktan, ‘no?
Pero no’ng araw na nahuli namin sila ni Arjo na naghahalikan, noon din pala siya nahuli ni Arjo na tinitingnan ni Angela... Hanna... ang mga dati nilang pictures sa cellphone ni Angela.
Hindi ko rin sila masisisi. Alam kong hindi nila ‘yon pareho ginusto at alam kong hanggang ngayon ay may malaking parte pa rin sila sa puso ng isa’t isa. Alam kong kahit may tumututol sa kanila, magiging masaya sila.
Nang malaman ko lahat at mapagtanto... doon ko nagawang tanggapin nang buo ‘yong sakit na binigay sa akin ni Angela. Oo, nasaktan ako. Hindi ko lang pinapansin... pero nasaktan ako.
Tapos ngayon... ito na naman, naa-attach na naman ako.
Ang masama pa nito, sa amo ko.
Hindi ko kasi magawang kalimutan ‘yong gabi na ‘yon. Nagkaroon na ako ng ibang karanasan pero hindi ko alam kung bakit iba ‘yon. Hindi ko alam kung bakit gano’n ‘yong pakiramdam...
Bawat paglapat ng labi niya sa katawan ko, nababaliw ko. Hindi ko alam. Alam kong hindi dapat pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Noong gabing ‘yon, paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko na hindi dapat... pero nang mahawakan na niya ako, hindi ko na nagawang kontrolin ang lahat.
Binigay niya ang pangangailangan kong matagal kong kinalimutan dahil sa pagtayong ama at kuya sa pamilya namin.
Nawala ako sa sarili ko noon... sobra... lalo na nang sabihin niya ‘yong mga salita na halos pumatay sa buong pagkatao ko.
“I love you...”
“I love you...”
“I love you...”
Nagwala ang bawat kalamnan ko noon. Alam kong hindi dapat... pero hindi ko makontrol. Sinabi ko sa sarili kong kailangan kong pigilan... kailangan kong itigil... pero hindi ko alam kung paano.
Ano bang masama kung mamahalin ko siya pabalik?
“Keiroh, ‘yong kakantahin mo, ah? Baka nakakalimutan na tayo,” biglaang pagsasalita ni Pzrae habang tahimik akong nagmamaneho.
Parang ginising ako ng mga salita niya mula sa pananaginip. Nagmamaneho ako, hindi dapat lumilipad ang utak ko.
“Nawala na nga sa isip ko.” Bahagya akong napatawa. “Ano bang kakantahin?” Bahagya ko siyang nilingon saka ibinalik ang titig ko sa daan.
BINABASA MO ANG
Heart 3: Swollen Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Preious Pzrae Velasquez, an eighteen-year-old brat woman with over 14 million subscribers on YouTube. She lives alone in her own mansion with an almost-perfect life, until a weirdo, promdi man named John Keiroh Monterde applied...