-*-
JOHN KEIROH’S POV
Noon, sumisisid ako sa dilim para maging mahina...
Sa dilim ko lang nagagawang maging tapat sa sarili ko... sa dilim ko lang nagagawang umamin na ayoko na. Walang makakakita sa akin—ayokong may makasaksi.
Sa tuwing mawawalan ako ng gana sa lahat, init ng yakap ng dilim ang nagiging sandalan ko. Hahayaan ko ang sarili kong umiyak... nanamnamin ko lahat ng sakit.
Hindi ako komportable sa dilim kasi sa tuwing yayakapin ako nito, kusa na lamang akong naluluha. Hindi ako komportable sa dilim, pero sa tuwing kailangan ko maging mahina, dilim ang hinahanap ko.
Gumawa ng bahagyang ingay ang kutson ng malambot na kama ni Pzrae habang sinusuportahan nito ang bigat ko. Tanging liwanag lang ng buwan na tumagos sa bubog na sliding door papunta sa veranda ang nagbibigay sa akin ng liwanag para makita ko ang mukha ni Pzrae.
Bahagyang nakaawang ang natural na mapula at makintab niyang labi... napakapayapa ng kaniyang mukha habang natutulog at parang ali-aliwalas lang ng lahat sa kaniya.
Para siyang natutulog na anghel. Ibang-iba sa tunay niyang personalidad dahil hindi siya ganoon ka-santo, pero habang tahimik akong nakatitig sa mukha niyang hinahalikan ng liwanag ng buwan, hindi ko mapigilang mamangha.
Inabot ko ang mukha niya gamit ang kamay kong bahagyang nanginginig at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nasa pisngi niya.
Ang init ng balat niya—para akong kinukuryente... hindi kung dahil sa epekto ng alkohol sa kaniya o dahil nahihibang lang ako.
“Natatanga na ako,” bulong ko sa kawalan sa pagitan ng sarkastiko kong ngisi.
Tumayo ako mula sa kama... akala ko balak kong pumunta sa kuwarto ko pero kusa lamang akong dinala ng mga paa ko sa veranda ng kuwarto ni Pzrae.
Dumampi sa balat ko ang malamig na ihip ng hangin na bahagyang tinangay ang aking buhok. Hindi naman ganoon kalamig, e... tama lang.
Itinuon ko ang dalawa kong siko sa railings at inilibot ang mga mata ko sa tanawin.
Mula rito sa veranda ay nasasakihan ko ang pagsasayawan ng mga dahon sa iilang puno sa ‘di kalayuan. Rinig din ng bahagya ang bulong ng ugong ng kalsada at tanaw ang mga ilaw ng streetlights at sasakyan sa kalsada, pati ang liwanag sa bintana ng matatayog na gusali.
Matatayog...
Balang araw, gusto ko rin matayog.
Gusto kong mapasaya si inay sa pamamagitan ng mga maaabot ko. Gusto kong maging proud sa akin si tatay kahit simula pa lang, alam kong mahirap nang maipadama sa kaniya.
Baka kapag naging matayog ako... baka kapag may narating na ako... bumalik sa amin si tatay. Kasi, hindi na kami mahirap.
Iyon naman ‘yong dahilan niya, ‘di ba? Nagsawa lang naman siya sa mahirap na buhay namin kaya niya kami iniwan, ‘di ba? Kaya hindi na niya kami binalikan? Kaya siguro naghanap na siya ng iba?
Nasasaktan ako.
Bukod ‘yong sakit at bigat para sa sarili ko... kasi nangungulila ako. Bukod ‘yong sakit para kay Ciro kasi naaawa ako sa kaniya...
At bukod ‘yong sakit para kay Inay na kailanman hindi ipinakilala si tatay sa amin sa masamang paraan. Hindi ko alam kung paano nagagawang maging malakas ni Inay sa kabila ng lahat ng ‘yon... hindi ko alam kung paano niya nagagawang magtiis.
Alam kong gusto at kailangan niya ring umiyak.
Alam kong kailangan niya ring maging mahina...
Pero kahit kailan, hindi niya ipinakita sa amin na hindi na niya kaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221149423-288-k889704.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart 3: Swollen Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Preious Pzrae Velasquez, an eighteen-year-old brat woman with over 14 million subscribers on YouTube. She lives alone in her own mansion with an almost-perfect life, until a weirdo, promdi man named John Keiroh Monterde applied...