CHAPTER 19

197 9 0
                                    

-*-

JOHN KEIROH’S POV

“Seryoso ‘yon, Pzrae?” tanong ko na mas lalong nagpahigpit ng hawak ko sa kutsara.

Nakangisi niya lang akong tinanguan gamit ang kilay niya na mas lalong nagpahina ng bawat parte ng katawan ko.

“Hoy nakakahiya! Sabi mo 12 million na ang—ano ba tawag do’n? Basta fans mo! Makikita nila ako? Baka pagtawanan lang ako, oy! H’wag mo muna i-upload, patingin muna, ah?” sunod-sunod kong sabi.

Hinugot niya ang kaniyang titig mula sa cellphone niya at inarkuhan ako ng kilay. “Why would they mock at you? Ang galing mo kaya!” Umirap siya tapos pinatay ang cellphone niya at isinuksok iyon sa kaniyang bulsa.

Luminga-linga pa siya dahilan para bumalandra sa akin ang makinis niyang leeg. Inip na ata sa pag-iintay ng order namin... hindi pa nga niya ginagalaw ang kutsara’t pinggan niya sa harapan niya.

Kakatapos lang namin i-record iyong duet namin kaninang umaga. Sabi niya ililibre niya raw ako sa kahit saang gusto kong kainan... tapos naghanap agad ako ng lomian. Tagal ko nang ‘di nakakatikim ng lomi, e.

Mamaya, didiretso rin agad kami sa school niya na hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit kakaunti ang estudyante. Wala rin daw siyang klase kasi puro daw practice—ewan ko ba sa school ng mayayaman!

“Nakita na ng editors ko ‘yong video, kaka-email ko lang sa kanila. Dadaan pa ‘yon sa approval ng admins ko bago mai-post sa YouTube. Ipapapanood ko muna sa ‘yo bago ko ipapasa sa admins,” sabi niya habang inilalapag na ng crew ng lomian ang order namin.

Kaagad akong nangasim sa lomi. Naglalaway ako, tang-inavels! Hindi ko na nga naintindihan ang sinasabi niya kasi dahil sa lomi!

“Keiroh.” Tumikhim siya dahilan para mapatingala ako sa kaniya.

Seryoso ang mga mata niya kahit hindi ko masyadong maaninag dahil naka-sombrero siya. Baka raw may makakilala sa kaniya e.

“About what happened yesterday. I feel sorry.” Ibinaling niya ang atensyon niya sa lomi at sumandok.

Napatungo rin ako kasi hindi ko alam kung paano tutugon. Sa totoo lang, kanina pang umaga ko hindi alam kung paano siya kakausapin dahil sa nangyari kahapon.

Bakit ako pinapalayo ng kapatid ni Sir Zarious sa pamangkin niya?

Bakit ako sinampal?

Kilala naman ako ng babaeng ‘yon sa mukha pero... gano’n ga sadya kalaki ang galit niya sa akin at nasampal niya ako? Anong nagawa kong mali?

“Uh, I know talking about that will be kinda awkward but—”

“May n-nagawa ba ako, Ma’am?” Hindi ko maitago ang emosyon sa boses ko lalo na’t pumiyok pa ako.

Baka masesante pa ako. Kagabi ko pang pinoproblema e. Wala naman kasi akong kukuhanan ng pambili ng gamot ni inay.

“N-nothing,” tugon niya nang hindi ako tinitingnan.

May mali.

May mali, e.

“Ma’am, sabihin n’yo lang po kung meron. Dito ko na lang po kasi inaasa ang gamot ni nanay, e.”

PREIOUS PZRAE’S POV

“May n-nagawa ba ako, Ma’am?” I felt something pinched my heart, hearing him choke like that.

Ang drama niya; I should feel cringe! Pero bakit parang naaawa lang ako sa kaniya? What’s this?

Also, I hate him calling me “ma’am”! He’s three years older than me for Pete’s sake!

Heart 3: Swollen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon