CHAPTER 15

232 12 0
                                    

-*-

JOHN KEROH’S POV

Mga halakhak ng mga naghahabulang bata at pag-uusap ng mga matatandang nagchi-chismisan ang aking sinuong. Basa nang bahagya ang kalsada ng kulay lupang sanaw dahil sa ulan kagabi ngunit tuyot ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat

Sunod-sunod ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada na walang tigil ang pagbusina habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada.

Kaya ko ba?

Huminga ako nang malalim...

Paano ko siya haharapin? Paano ko siya haharapin ngayong hindi mawala sa utak ko ‘yong nakita namin kahapon? Paano ko siya kakausapin? Anong sasabihin ko?

Hindi ko alam. Kung paano kikilos sa harap niya, hindi ko alam. Kukuhanin ko lang naman ang mga gamit ko at magpapasalamat sa kaniya... iyon lang!

‘Yon lang dapat ang gawin ko... kailangan ‘yon lang.

Kahapon, matapos namin sila mahuli... hindi ako nagdalawang isip na pigilan si Ma’am Pzrae sa pag-atake doon sa lalaki. Napaka-miserable niya... iyong mukha niya, basang-basa. Para siyang bata na gustong kumawala mula sa pagkakabigkis ng braso ko sa braso niya.

Pero...

Pero nang mga oras na ‘yon... hindi ko rin alam kung bakit mas mabigat pa sa sakit na akala kong kukurot sa akin ang naramdaman ko.

Sinisimulan ko na, e. Tinatrabaho ko na siya, e... noong nakiusap siyang samahan ko siya—no’ng gabing ikinuwento niya lahat sa akin, akala ko ako ang kailangan niya. Hindi pala... hindi.

Hindi ko alam kung pailang buntong-hininga ang ginawa ko nang nakatayo na ako sa harap ng pinto ng apartment niya.

Ilang gabi rin pala ang itinagal ko rito... napakarami rin ng mga nangyari.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago ako nagkalakas ng loob na katukin ang pinto. Bahagyang tunog ang narinig nang malumanay na magtama ang kamao ko at ang pintong kahoy.

Tatlong katok... walang tumutugon.

Sunod na katok... wala pa rin.

Napamasahe ako sa baba ko.

“A-Angela...” anas ko. Wala pa ring tumutugon pero hindi ako sumuko. Kumatok muli ako at tumawag, “Angela, si Keiroh ‘to...”

Saka ko lang narinig ang mga kaluskos at pagbalikwas na parang nagmamadali ang nasa loob. Nang lumagitnit ang pinto sa pagbukas, marahas na tinambol ng puso ko ang aking dibdib. Parang kahit pagbukas ng pinto ay sobrang bagal. Ito na yata ang pinakamatagal na limang segundo ng buhay ko...

“O-oy!” bati niya habang hinahawi anv magulo niyang buhok at nagtatanggal ng muta sa mata. “A-ano, uh... p-pasok ka.”

Hindi ko alam pero pakiramdam ko napakabigat ng hangin sa paligid. Pareho kaming umaakto na parang nakalimutan na namin ang nangyari kahapon.

Kahapon na wala akong ibang magawa kundi titigan siya. Nakapukol ang sakit na hindi ko inakala sa puso ko habang nakapako sa ang mga mata namin sa isa’t isa. Gusto ko noong hubarin ang damit ko at isuot sa kaniya pero... pero lumamang ‘yong sakit.

Akala ko kahapon dissapointed lang ako. Tang-inavels kasi.

“Nakapagkape ka na? May kalihim pa rito.”

Oo lang ako nang oo sa mga alok niya. Parang lumulutang ang utak ko, hindi ako makapag-isip nang maayos. Nakaupo ako ngayon sa sofa na ilang gabi kong tinulugan... nasa loob ako ng masikip na apartment na ilang araw kong tinuluyan... at nasa harapan ko, nakaupo, ang babaeng ilang araw ko pa lang nakasama, napamahal na ako.

Heart 3: Swollen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon