6

108 8 0
                                    


Chapter 6

Spoiling my baby




"Nissy? Can i ask you a favor please?" Ani ko sa mahinang boses.

"Of course! Oo naman...hindi ka pa rin ba makakapasok? Masakit pa rin ba?"

As of cue, the numbing pain in my right cheek once caused an inflict, causing me to hiss.

"I-i'm sorry, hindi pa din siguro."

"Okay. I'll inform our professors!"

"T-thank you nissy"

"Sure! Get well soon ash!" she said.

After saying my thanks once again ay binaba ko na ang tawag. Pinikit ko ng mariin ang mga mata and scoot over on the corner while muttering my soft curses while in a helpless, fetus position.

Iyon ang naabutan ng ate nang pumasok siya sa kwarto.

"Ash?" She called in a soft voice.

Naramdaman ko ang pag-uga ng kama. Seconds later, i felt a hand slowly combing a few strands of my hair.


"Aalis na ba tayo?" Lingon ko.

Nakita ko ang kaniyang ekspresyon na tila humihingi ng paumanhin.

"About that, i'm sorry. Hindi siguro ako makakasama sa'yo? Pasensya ka na. Tumawag kasi ang boss ko. Kailangang-kailangan daw ako doon sa trabaho. May ipe-present daw kami at nag-call daw ng leave yung ibang kasama namin."

Nanatili pa ding nakapikit ang mga mata ko. "Okay lang ate"

"Pasensya ka na talaga huh? Pero si mommy, sinabihan ko na siya. Siya na lang ang sasama sa'yo"

Napamulat ako ng mga mata. I looked at her questioningly. Tinanguan niya ako.

"Bihis ka na" bulong niya at inalalayan ako patayo.

Nang makatayo ay lumabas na siya para makapagbihis na ako. I was groaning and murmuring the whole time. Calling all the saints na kahit na mumunti lang ay bawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Nang tapos na ay kaagad din akong bumaba. Nakita ko ang ina na nasa sala at mukhang bihis na din. Wala na ang ate. Siguro umalis na din.


"My?" Tawag ko. "Alis na tayo?"

"Astrid. Sinabihan ako ng ate mo na sasamahan daw kita sa clinic. Pero mukhang hindi siguro kita masamahan"

"Po? Bakit po?"

"May importante akong lakad. Tsaka pagkatapos no'n, deretso trabaho na ako"

"P-pero my? Wala pong sasama sa akin?"

Tinitingnan ko lang siya habang busy na tila may hinahanap sa kaniyang bag. The whole conversation, hindi siya tumitingin sa akin.

The pang of disappointment crept in my chest, overpowering the pain in my inner cheek.

"Kaya mo na 'yan. Nakapag schedule ka naman na diba?" Minimal niyang sabi. "Eto, pang taxi. Tawagan mo na lang ako kapag nakauwi ka na" aniya at hindi na hinintay ang tugon ko bago siya umalis.

I stared at the closed door for a while bago bumuntong hininga. Another expectation tossed out of the window. But of course, what do i expect?

I took out my phone at tinawagan ang isa pang taong siguro'y busy din ngayon. Pero nagbabaka sakali pa din ako.

Her unheard weeps (Affliction Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon