9

111 6 0
                                    

Chapter 9

Promises






Pagkatapos naming magkaayos,  nagdesisyon akong manatili na muna roon. We just cuddled while watching TV.

Nasa pinakadulo siya ng mahabang sofa nakaupo, habang ako naman ay nakahiga sa kaniyang kandungan, binalot ko ang katawan ko ng kumot. My hand were on his thigh, serving as a pillow while he was stroking my hair with his fingers.

From time to time i would further lean in order to grab a handful of popcorn from his bowl. Wala sa amin ang nagsalita. We were both too focused on the horror movie that we were watching.

By the time that the movie ended, sakto ding tumunog ang aking phone. Tiningnan ko iyon at napangiwi nang makitang si mommy iyon.

"Hinahanap ka na?"

"Yeah, I have to go"

Bumangon na ako at nagsuot na ng sapatos. Narinig ko siyang tumikhim.

"Gusto mong sumama sa akin?"

Tinapos ko muna ang pagkakatarintas ng sapatos bago humarap sa kaniya ulit.

"Saan?"

"There will be a party. And i would be happier if you come with me" i looked into his eyes.  I'm not sure but i think i see edginess in them.

Bakit naman siya kakabahan?

"Sure. I will gladly come with you. Kailan ba? Is it a weekday? Dahil baka kasi may final demo ako ng araw na 'yo—"

"It's my mother's birthday" aniya na nagpatigil sa akin.

I blinked multiple times.

"Birthday ng...mommy mo?" I asked as if I didn't hear it the first time.

Tumango siya. "Oo."

"A-and you want me to come...with you?" pahina ng pahina ang boses ko.

Napababa ako ng tingin ng hawakan niya ang kamay ko. He was still sitting on the couch while i was standing in front of him.

Tumango siya. "It's what she said. And it's what I wish."

"Ano? A-anong she said?"

"Baby...it's time that you meet my family."

Wala sa sarili akong napalunok na kinatawa niya.

"Hindi mo naman kailangang kabahan. My family is not as bad as you think."

Hindi pa din ako nakapagsalita. Tama nga siya, kinakabahan ako. Kinakabahan na ako na hindi ko pa sila kaharap, paano na lang kaya kung nasa harap ko na sila? Oh God...

"Hindi kita pinipilit, okay? Kung sa tingin mo hindi ka pa handa...you can decline. Sabihin mo lang sa'kin."

"Pero 'yong mommy mo. Sabi mo siya 'yong nagsabi na pupunta ako diba?"

Tumango siya.

"Alam niya ang tungkol sa atin?"

"Oo naman."

"Paano?"

"katulad nga ng sinabi ko, i'm not keeping us a secret. I didn't even try."

Wala sa sarili akong napakagat ng labi. Bahagyang nakaramdam ng hiya dahil ang lahat ng ginagawa niya ay salungat sa ginagawa ko.

"I feel bad." Bulong ko.

Kumunot ang noo niya.

"Bakit naman?"

"Kasi unfair sa'yo." Napababa ako ng tingin. "kasi gusto mo akong ipakilala sa pamilya mo, habang ako, hindi kita magawang ipakilala sa akin."

Halos isang minuto din siyang natahimik. Pagkatapos no'n, gumalaw siya para hawakan ang magkabilang kamay ko. He further pulled me to him hanggang sa napaupo na ako sa kandungan niya.

Her unheard weeps (Affliction Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon