Chapter 8
Present
"Hoy Astrid!"
Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan na humampas sa akin sa balikat.
"Isa pang ganiyan mo victoria sasama ka sa'kin" pangbabanta ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ang bahagyang pagsulyap niya kay nissy. Nagtatanong ang mga mata.
"Nag-away" bulong ng isa pero narinig ko pa din.
"Ahh..." Tinapik niya muli ang balikat ko, inis kong pinalis iyon.
"Okay lang 'yan. Kulang lang yan sa bayo..."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Maya't-maya ay napailing na lang. Hindi siya si victoria claire kung hindi siya ganiyan ka bulgar.
Narinig ko ang bahagyang paghalakhak ni nissy.
"Ilang araw na ba?"
"Apat" malamig kong sagot.
"Hindi mo ba tinawagan?"
Umiling ako.
"E siya ba? Tinawagan ka?"
Mas lalo lamang akong napasimangot.
"Hindi din" bumuntong hininga ako. "Sabi ko kasi sa kaniya na magkita na lang kami kung nakapagpahinga na siya at hindi na siya galit"
"Aww...kawawa ka naman pala" sabat ni tori. Her tone is mocking—teasing.
"Kung ako sa'yo. Ibe break ko 'yan" pangdudugtong pa niya.
Napaigik siya ng bahagya siyang hinampas ni nissy sa braso para sawayin.
"Bakit? Ganiyan ba ginagawa mo sa mga boyfriend mo?" Tanong ni nissy sa kaniya.
"Oo naman. Dahil ang ayoko sa lahat ay ang sobrang drama no!" she said disgustingly.
"Sige nga. Panong drama?"
"Like palagi nilang sinasabi na iiwan ko daw sila. Kasi ganon naman lahat. Halos lahat sila. Araw-araw iyon ang sinasabi. They would breakdown a lot. Pucha! Mga sad boy!"
Napatawa na din ako.
"O tapos? Anong nangyari?"
"Edi pinagbigyan ko na, iniwan ko na talaga."
"Ang salbahe mo!" Saway ni nissy pero natatawa din naman.
"Bakit ba? E prediction nila 'yon e. Edi tinupad ko!"
Umiling lang ako at hinayaan na silang dalawa na magbangayan doon.
Sakay ng jeep pauwi, from time to time ay tumitingin ako sa aking phone. And i would end up sighing deeply at the end. Walang text o tawag.
O edi wag...bahala siya sa buhay niya! ako pa ang sinusubukan niya huh!
At bigla 'kong naalala ang sinabi ko kay nissy. Mature pala dapat tayo. Mature dapat ash.. AND MATURE WOMEN DON'T NAG!
Pero...hindi lang naman kasi ang pag-aaway na iyon ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito ngayon eh...may nakalimutan din siya...something important...
Napabuntong-hininga na lang ako ng malakas.
Nang makababa sa gate ng subdivision ay tumataas-baba pa din ang aking dibdib. Trying to forget the thought as possible. Hindi nito sisirain ang araw ko. Marami pa akong tatapusing final performance tasks! At kung iisipin ko ang nakakainis niyang mukha ng buong gabi ay wala akong matatapos! Patay ako sa mommy ko 'pag bumaba ang grades ko!
BINABASA MO ANG
Her unheard weeps (Affliction Series #2)
RomanceTHIS BOOK IS ALREADY COMPLETE, THOUGH SOME PARTS ARE UNPUBLISHED FOR REVISION✒️ ... (Affliction series #3) Astrid haydn dizon, a girl who works so hard to earn her mother's heed. She was never the best-loved...nor treasured. But what if a day come...