17

2K 74 1
                                    

PAGKAGISING ko ay napatingin ako kay calix na nakayakap sakin ng mahigpit.napaiyak ako hindi dahil sa sakit,kung hindi dahil sa pagtrato niya sakin na ganito..inalis ko ang kamay niya ng dahan dahan para hindi siya magising.napatingin ako sa labas ng mag mamadaling araw palang,kung kailangan kong makaalis dito gagawin ko.hindi kona matanto ang ginagawa niya sakin

ang mas masakit pa ay hindi niya ko pinagpaliwanag muna,nagdala pa siya ng babae dito sa pamamahay niya,ano nga namang magagawa ko hindi ko naman siya asawa,at ang akala niya ay niloko ko siya napatingin ako sa muka niyang mahimbing na natutulog.umalis ako sa kama at hinayaan na hubot hubad ako.napangiwi ako dahil sa hapdi ng pagkababae ko.

napabuga ako ng hangin at dumiretso sa cr kumuha muna ako ng damit ko at short,dumiretso nako sa cr upang maglinis ng katawan.tahimik lang akong naghuhugas upang wag siyang magising,pakiramdam ko nasa loob ko pa din siya.

paglabas ko ng cr ay nakita kong gumalaw siya kaya kinabahan ako.napapikit ako ng hihintayin na magsalita siya napahinga ako ng maluwag ng makita kong dumapa siya at mabibigat ang hininga niya.hinanap ko ang short ko dahil andon ang bigay na pera ni zel pero hindi ko makita iyon..

kinuha ko ang pantalon ni calix at hinagilap ang pera niya.nakita kong may credit card doon at bagkus na pera.talaga namang mayaman siya kumuha lang ako ng dalawang libo,napatingin ako sa kaniya ng natutulog pa din.

"s-sorry calix,pero ayokong ilayo mo sakin ang anak ko.alam kong ikukulong moko dito.at didiktahan ang buhay ko" tahimik na saad ko sa kaniya.unti unti kong pinihit ang doorknob,bumukas iyon at napatingin ako kay calix sinulyapan ko muna siya tska ako umalis na.

paglabas ko sa pinto ay iginala ko ang mata ko baka may tauhan pa siya dito,pero tingin ko ay wala naman.

paglabas ko sa pinakapinto ay kumabog ang dibdib ko may dalawang natutulog na tauhan niya sa isang tablang upuan.

tumingkayad ako at pigil hiningang nilagpasan sila mabuti nalang at hindi sila nagising.napangiti ako habang ibig kong umiyak sa wakas ay makakatakas na din ako.

paglabas ko ng gate ay napatingin muli ako sa kanila.tumakbo ako habang napahawak sa tiyan ko.

"tiis lang baby" bulong ko hinihingal akong napahawak sa tuhod ko.nakalayo layo nako napahinga ako ng malalim ng makita ko na ang bahay nila zel.

nakahinga ako ng maluwag ng mag doorbell ako.

"sino sila?" Tanong ng isang tagabantay dito.

"ako si yessa,kaibigan ng amo mo.si zel?" sabi ko sa kaniya,agad niya kong pinapasok kaya nagpasalamat ako.

nahihiya ako dahil nakakaistorbo pako sa kanila.

pinapasok niya ko sa loob habang ang isang katulong ay nagising pa ata.alam kong hinahanap nako ni calix alam ko din na nanggagaliiti na siya sa galit.

"Oh my god yessa!" Napatingin ako kay zel na nagulat na napatingin sakin.naistorbo ko pa ata ang tulog niya.

"z-zel" saad ko pinaupo niya ko at tiningnan ako.

"bakit?" Tanong niya,tinabanan ko ang kamay niya.nagulat pa siya sa ginawa ko.

"zel tama ka,tama ka na ilalayo sakin ang anak ko.ngayon lang ako nakatakas kay calix kinukulong niya ko at bantay sarado ako.didiktahan din niya ang buhay ko.g-gusto ko ng maalis sa poder ni calix,zel tulungan moko" sabi ko sa kaniya.nakita kong sumaya ang muka niya pero wala lang iyon.

"mabuti naman at lalayas ka din" dinig kong bulong niya,pero hindi ko maunawaan .

"Sige tutulungan kita,ako ng bahala kay calix yessa" sabi niya parang may ibang meaning iyon.

Son of the mafia boss✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon