20

2.4K 79 0
                                    

Kinabukasan ay maaga nanaman kaming nagtungo sa mall na pinagtatrabahuan namin.napadpad lang siguro si calix doon,siguro ay nag date sila ng babae niya,bakit bako nagmumukang bitter!

"huy,napahigpit na ang hawak mo sa hanger" sita sakin ni yanna,napatingin ako sa hanger na mapuputol na,napahinga ako ng malalim at sinuot doon ang damit na hinulog ng costumer.

"affected sa nakita kahapon?"taong niya,umiling ako at tiningnan siya.

"hindi no,anong pake ko kung may bago siya.tska mas okay na din yon atleast hindi na niya hinahanap si avi,matatahimik na din kami" sabi ko sa kaniya mapanuri pa siyang tumingin sakin.

natigil lang kami ng tinawag kami ni maam rena.pansin kong nakahalera lahat ng sale's lady dito,maging ang mga lalaking kasamahan namin.

nakita ko din na walang gaanong costumer ngayon.

humelera na kami ni yanna baka may iaannounce pa.

"kahapon ay hindi na nakapag pakilala sa inyo ang may ari ng mall nato dahil may pinuntahan,pero bumisita siya hindi niyo lang siguro napansin." Sabi ni maam rena,napakunot naman ang noo ko.wala naman kaming napansin.

"ngayon ay paparating na siya,gusto kong batiin niyo siya" sabi ni maam rena kaya napatango kami.

"Ikaw yessa,yung anak mo baka kung san san nagpupunta,makita ni sir" sita sakin ni maam rena kaya napayuko ako.kasama ko muli si avi dahil nag mamaktol to at maglulupasay,nasanay na din siyang sumama dito.

"hindi po maam," sagot ko sa kaniya.

"Mabuti naman,mamaya masesante ka" sabi ni maam,kaya napayuko ako.

"mamaya maya lang darating na si sir" sabi ni maam,rena kaya napatango kami.

nangangawit na kami kakahintay sa may ari ng mall nato kanina pa kami nakatayo.

"andyan na si sir!" Sabi ng isanh kasamahan namin,napatayo kami ng tuwid habang nasa dulo kami ni yanna.

napahinga kami ng malalim habang nadinig na namin ang yabag nila hindi siya nag iisa dahil may naririnig din akong naka takong.

"maligayang pagbisita sir calix!" Para akong nabingi sa nadinig ko,si yanna ay nabigla din.pero hindi namin magawanh lumingon,nahigit ang hininga ko ng maglakad ito sa gitna kung saan ay nahahati kami sa lima.

"you're fired!" Nadinig kong malamig na boses niya.

"s-sir!" Nanginginig na sabi ni pushy!

bakit niya tinaggal to?nahihibang naba siya?

"i don't wanna see you anymore,get out!" Hiyaw niya,napapikit ako dahil nakakatakot siya wala na talaga akonh kawala.

nakita kong naglakad siya,kaya napayuko ako napakagat ako ng labi ko habang pigil hininga,napikit ako habang naramdaman kong papalapit na siya sa pwesto namin.

"calix,tumawag ang kapatid mo" para akong nanlulumo ng marinig ko ang mala anghel na boses na yon,kasama ni calix.ibig kong manapak dahil siguro ito yung bago niya.

"later,i call her" sagot lang ni calix.nakita ko ang sapatos niyang pumantay sakin.ramdam ko din ang tingin ni yanna sakin.

"face me" mariin at ubod ng lamig ang sinabi niya sakin.nanginginig akong mapatingin sa kaniya,nahigit ang hininga ko ng makita ko ang muka niyang mabangis,nakita ko din ang babaeng kasama niya maganda ito kaya napaiwas ako ng tingin.

ang akala nila maam rena ay tatanggalin nila ko nakita ko ang mata nilang naawa sakin.

"it's been a fucking year's" mariin na sabi niya habang titig na titig sakin ng malalim.

Son of the mafia boss✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon