15

1.9K 68 1
                                    

NAPADILAT ako habang iginala ko ang mata ko sa kwartong hindi pamilyar sakin.napahawak ako sa ulo ko habang napakunot ang noo.nakita kong nakasuot ako ng tshirt at short.naalala ko ang nangyari napahawak ako sa tiyan ko napahinga ako ng malalim ng maramdaman kong andito pa din si baby.

"mabuti at gising kana" napatingin ako sa mom ni calix at daddy niyang andito.wala si calix alam kong galit pa din siya.

Bumukas ang pinto ng iniluwa non si doc.

"how's you're feeling?" Tanong ni doctora.
"maayos napo ako doc" sabi ko sa kaniya.napatango naman siya.

"kaya ka nahimatay ay sa sobrang stress,payo ko lang sayo wag kang mag isip isip ng iba yessa.this is the last warning,oras na hindi mo pagingatan ang kinikilos mo,sad to say pero maaring mawala si baby sayo" sabi niya kaya napatango ako.

"hindi lang ikaw ang naaapektuhan sa mga emosyon na lumalabas sayo,mag ingat ka sana yessa,nasa huli ang pag sisisi" bilin ni doc kaya napatango ako.

"thank you po doc" sabi ko kaya napangiti siya napatingin siya sa mommy ni calix at ngumiti.

"i have to go" paalam niya,napayuko ako habang napapisil ng kamay ko.

"naintindihan mo naman siguro ang sinabi ni doc." Bilin ng mommy ni calix.napatango ako habang inalis muna sa isip ko ang nangyaring iyon..

"p-pwede na po bang umuwi?" Mahina at nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"bibilan muna kita ng pagkain.ayokong may mangyari sa apo ko" ramdam kong galit din sakin ang mommy ni calix.inutusan niya ang isa sa mga tauhan nila na ibili ako ng pagkain.

hindi nila tinanong ang gusto kong kainin,omay na din yon nakakahiya din kasi lalo na at tatapunan ako ng masamang tingin.

napatingin ako sa pinto ng lumabas ang mommy at daddy ni calix.pero nadinig kong binilin nila ko sa bodyguard nila.

"Baby sorry,kung naaapektuhan kana sa problema namin ng papa mo.h-hindi ko naman alam ang nasa video eh" umiiyan na sabi ko habang hinimas ang tiyan ko.

"s-sana hindi tayo iwan ng papa mo." Sabi ko sa kaniya,pinunasan ko ang luha ko ng bumukas ang pinto.nakita kong si zel iyon nabuhayan ako ng katawan alam kong kasama ko siya non.kaya alam kong matutulungan niya ko..

"zel!" Gulat kong sabi sa kaniya ngumiti siya at niyakap ako.

"yessa what happened?" Nag aalalang sabi niya nakita ko sa mata niya ang tuwa para banag natutuwa pa siyang nagkakasira na kami ni calix.pero napailing ako mali ang akusa ko sa kaniya.

"n-nagalit sakin si calix.h-hindi ko naman alam ang nasa video zel.hindi ako nagtaksil kay calix" sabi ko sa kaniya.napangiwi nama siyang nakatingin sakin.

"kahit sino magagalit sa ganyang ginawa mo yessa,don't get me wrong pero kilala ko si calix.oras na malaman niya ang totoo ay lagot kana yessa.madali lang bitawan ni calix ang mga bagay na wala lang sa kaniya.baka worst na iwan ka ni calix at maghanap ng iba." Nangamba ako sa sinabi niya

"M-magagawa niya yon,kahit magkakaanak na kami?" Nahihirapang sambit ko sa kaniya,napatingin naman siya sa tiyan ko at napatango.

"wag mong ipamatay sa kaniya na magkakaanak na kayo.i know gagawa siya ng paraan para mailayo sayo ang anak niyo.hindi ka niya paaalisin sa poder niya hanggat hindi ka nanganganak.pag nailabas mona ang baby niyo,ay itsapwera ka nalang sa kaniya" kinabahan ako sa sinabi niyang iyon.magagawa ni calix iyon sa akin?sa ina ng sarili niyang anak.

"z-zel.k-kinakabahan ako ayokong malayo sakin ang anak ko" saad ko sa kaniya nakita kong ngumiti siya o ngisi ba?pero hindi kona pinansin yon..

"tutulungan kita" sabi niya sabay hawak sa kamay ko kaya nabuhayan ako ng dugo.

Son of the mafia boss✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon