"Anak,tigil na sa pag iyak andito na si papa" pag aalo ko sa anak kong si crysler yvone taon na ang lumipas ng maikasal kami ni yessa,nag kaanak muli kami ng napakacute at napakagwapong supling na lalaki.
pinapalitan ko ito ng pampers dahil na pupu,napatawa nalang ako dahil hindi ako sanay magpalit.tinimplahan ko siya ng gatas habang sinubo sa bibig niya yon.napangiti ako ng tumigil na siya sa pag iyak.
"papa!tulungan mo po ako sa assignment ko" napatingin ako kay avi,na pumasok umupo siya sa hita ko kaya inalalayan ko siya.nag aaral na siya ngayon ng grade 1 medyo lumaki na din siya..
"okay,papalitan ko muna ng damit ang kapatid mo,asan naba si mama?".tanong ko sa kaniya,tiyak na magkasama nanaman sila yessa at crisia.kung san san nag gagagala.
pinunta ko muna si avi sa tabi ko at maingat na kinilik si yvone sa bisig ko.
Pinatulog ko muna ito at hinele ko.
"papa,patingin si baby" napatingin ako kay avi ng pilit na sinisilip si yvone.napatawa ako habang pumantay sa kaniya.
"hi baby,ako si ate avi mo.mahal.na mahal ka ni ate" napangiti ako habang napaka swerte ko mga anak ko lumaki silang mabait at sweet.
"Aahhh.." nagulat ako ng humuni si yvone
"papa,humuni siya" tuwang sabi ni avi kaya napatawa ako.
"oo,mahal ka din daw niya" sagot ko sa kaniya,napangiti siya at humalik sa pisngi ng kapatid niya.
"tara don sa baba,baka dumating na mama niyo" aya ko kay avi,tumango siya at kinuha ang assignment niya sabay kaming lumabas at naupo sa sofa.napaasik ako ng naiinip kakahintay kay yessa.
kinuha ko ang selpon ko at lumakad para ilagay muna si yvone sa stroller niya.
"answer babe" naiinip kong sabi ng matagal sagutin ni yessa ang tawag ko,nag sisi ako kung bakit pinayagan ko pang sumama kay crisia,gamitan niya lang ako ng pag lalambing niya hindi ko siya,mahindian.
"Papa,pano to?" Napatingin ako kay avi,oo nga pala nagpapaturo nga pala siya sakin.humanda sakin mamaya si yessa,pinatay ko ang tawag at lumapit kay avi,tinuruan ko nalang siya sa assignment niya.
madali lang naman iyon kaya madali lang din nayari.
napatingin ako sa oras ng mag iisang oras na wala pa din si yessa,nagtiim bagang ako habang hindi mapakali baka san nagsususuot yon.
"yaya,kayo munang bahala sa dalawa" bilin ko sa yaya ng dalawang anak ko.
"sige iho" napatango ako habang kinuha ang susi at wallet ko.pag labas ko ay bumungad sakin ang dalawang tauhan ko.
"dito muna kayo,may pupuntahan lang ako" bilin ko sa kanila,tumango sila habang dumiretso sa kotse ko.kinuha ko ang selpon ko naalala ko ang bigay kong kwintas kay yessa,tinrack ko yon.nakita ko sa selpon ko ang kulay red arrow.
sinundan ko yon habang seryoso lang akong nagmamaneho sa susunod hindi kona papayagan si yessa na sumama kay crisia,nagiging gala.
mga kalahating minuto ako nakarating sa mall kung san sila naroroon.seryoso akong nag lalakad papasok.iginala ko ang mata ko sa loob,nag init ang ulo ko ng makita si yessa na kausap si jonathan!inilang hakbang ko sila at pahaklit na kinuha ang braso ni yessa,kita ko ang gulat sa mata niya.
"c-calix" saad niya.tumingin ako kay jonathan na nawala ang ngiti niya ng makita ako.
"let's go" mariin na sabi ko at kinaladkad siya patungon kotse.
"calix.." tawag niya sakin.
"what!" Seryosong sabi ko sa kaniya,pinapakalma ko ang sarili ko baka ano pang magawa ko sa kaniya..