19

2.1K 74 0
                                    

DUMAAN ang mga taon at heto na ang pinakahihintay ko.lumaki na ng lumaki si avi mag three year's old na siya ngayon.pinuponehan ko siya sa ulo habang siya ay umiinom ng gatas.

"mama kelan po ako papasok sa school?" Napatawa ako habang siguro ay naiinggit siya sa mga nakikita niyang pumapasok sa school.

"bakit gusto mo nabang pumasok anak?"tanong ko sa kaniya.

katuwang ko sa pagpapalaki ay ang nanay ni yanna siya ang nagaalaga kay avi habang ako ay nagtatrabaho sa isang mall isa akong sale's lady doon. Bale kaming dalawa ni yanna kasama ko siya. ayoko na sa bar dahil hindi kona nais mapunta pa don sa ganong lugar.

"Opo,naiingit po ako kila kokoy" sabi niya,tukoy niya sa mga kalaro niya dito.

"pero ang liit mo pa" natatawang sabi ko sa kaniya,yumakap siya sakin habang nakanguso.

"mama kaya nga po ako umiinom ng gatas para tumangkad agad ako" sabi niya,pinulbusan ko siya at kiniss sa labi niya kaya napahagikgik siya
.hindi ako nagkulang sa pagpapangaral at pagdidisiplina sa kaniya.pinalaki ko ng naayon gaya ng ibang nanay.

"mama,asan po ang papa ko,nakita ko po nung birthday ni kokoy dumating yung papa niya,galing america ang daming chocolate" napahigpit ang kapit ko sa bestida ko habang hindi alam ang isasagot sa anak ko.

"mama,si papa po ba nasa ibang bansa din?" Tanong niya,ibig kong maiyak sa harap niya pero pinigilan ko.

"o-oo asa ibang bansa ang papa mo" sagot ko nalang sa kaniya.

"edi,kapag dumating po siya may chocolate din po ako galing sa kaniya,pero ang tagal naman pong dumating ni papa,mama nag two year's old na po ako hindi siya dumating" bibong sabi niya,pinunasan ko ang luha ko habang hindi makatingin sa kaniya.

"mama,umiiyak ka po?" Tanong niya,napailing ako habang tumingin sa kaniya.

"napuwing lang anak" sagot ko sa kaniya.

"tita yanna!" Napatingin ako sa pinto.pinagpasalamat ko ng pumunta dito si yanna.

"hi baby girl"

"tita,sabi ni mama nasa ibang bansa si papa,kapag umuwi daw po siya may chocolate din ako gaya ng kay kokoy"napalunok ako habang nakatingin kay yanna na napamaang.tumingin siya sakin at tumingin sa anak ko.

"really?wow kapag may chocolate ka bibigyan moko ha"sagot nalang ni yanna,napahinga ako ng malalim.

"mama!maglalaro muna ako" sabi ng anak ko at humalik sa pisngi ko,napangiti ako at tumango si yanna ay naupo sa tabi ko.

"kelan mo balak sabihin kay avi na ang papa niya ay wala sa ibang bansa at wala siyang chocolate na dadating kaloka ka,ano to taguam ng anak,parang wattpad lang ang peg?" Sabi niya,hinampas ko siya habang tatawa tawa siya.

"marinig ka ni avi" suway ko sa kaniya.

"whatever!tara na late na tayo,baka mamaya mapagalitan nanaman tayo ng piling may ari ng mall na si madam pushy" sabi ni yanna kaya napailing ako.

"mag bibihis lang ako" sabi ko kaya napatango siya nagtungo ako sa kwarto namin ni avi at kinuha ang skirt ko at blouse dahil.ito ang uniform namin,nagretouch muna ako habang nagpahid ng konting lipgloss.

pagbaba ko ay nakita ko si yanna na napatayo ng makita ako.

"bat ang laki ng dede mo kumpara sakin" namula ako sa sinabi niya,hinampas ko siya kaya napaiwas siya.

"kainis ka,bibig mo" suway ko sa kaniya.

"inferness parang hindi ka mommy,parang teenager na fresh ka at hindi naaararo" sabi niya,hinampas ko siya dahil alam ko ang ibig niyang sabihin.

Son of the mafia boss✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon