- Chapter 3 -

1.3K 36 0
                                    

======================================

××× Chapter 3 - Nice Talking ×××

======================================

[Reiza]

Kadadating ko lang sa classroom at nakita kong si seatmate na tulog na naman. Di ata sya nakakatulog sa bahay nila eh kaya pati dito sa room natutulog sya. Pero okay lang naman sa mga teachers namin kasi kapag may exams lagi syang perfect o kaya almost perfect. Ang galing di ba? Natutulog na nga lang matataas pa yung grade. Ang astig!

Kaya nga simula ng payagan sya ng mga teachers na matulog during class hindi ko na sya ginigising kasi magagalit sya sa akin. Alam mo yung feeling na parang hinihigit o tinatakasan ka ng hangin kapag may mga nakatingin sayong mata na mas matalim pa sa kutsilyo nyo sa bahay? Ganun lagi ang nararamdaman ko tuwing titignan nya ako ng masama kahit wala naman akong ginagawang masama. 

Dumating na yung teacher namin at si Chase tulog pa din. Pinanindigan na nya talaga ang pagiging sleeping prince nya. Yan tuloy di ko sya makausap. Wala naman talagang nagpupumilit sa akin na kausapin sya at hindi din ako dakilang loner na walang kumakausap sa akin kaya gusto ko syang maging friend. Sadyang friendly lang talaga ako kaya gusto ko lahat ng classmates ko nakakausap ko. At itong si Chase kasi walang kumakausap talaga sa kanya except dun sa mga babaeng nagcoconfess sa kanya. 

Di ko din naman sya gusto kahit sinasabi nilang gwapo sya. Oo aaminin kong gwapo nga sya pero ewan ko ba. Kahit crush sa kanya wala akong nararamdamang ganun. Kasi di ko naman alam ang feeling ng may crush. (XD) Basta gusto ko lang syang kausapin. Feeling ko kasi ang lungkot lungkot nyang tao. Lagi syang nakatingin sa labas pero parang hindi naman yung view yung tinitignan nya. Parang lagi na lang malalim ang iniisip na hinding hindi mo maiintindihan kung hindi nya ipapaliwanag. Parang gusto kong ishare nya yun sa akin kasi ang hirap at ang bigat na nang kung ano mang pinagdadaanan nya or iniisip nya. 

After fifteen minutes umalis na din yung teacher namin at itong si Chase ay bumagon na at nag-inat. So gising sya all this time?

"Chase! Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko sa kanya. Pero knowing him, dinedma na naman nya ako. I know. Feeling close na ako sa kanya. Pero okay lang. Masaya naman ako sa ginagawa ko. "Uy di ka ba magsasalita?" Tanong ko ulit pero wala lang sa kanya. Parang wala syang nadinig na kahit ano. Parang invisible lang ako sa kanya. 

"Sige kahit di ka na magsalita. Pero kahit pansinin mo lang ako. Wag ka na magsungit tulad ng big brother ko. Nakakahurt kaya!" Sabi ko sa kanya ng pabiro. Pero wala pa ding epekto. Hay. Nakakainis naman. Ayaw nya akong pansinin-- ay teka!

"Chase wait lang!" Sabi ko sa kanya habang inaalis yung bag ko na nakakandong sa akin at tumayo para habulin sya. Hinabol ko sya hanggang sa cafeteria.

A Trip To Love: When She's Dying [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon