- Chapter 5 -

1.1K 30 0
                                    

======================================

××× Chapter 5 - I Like Him?! ×××

======================================

[Reiza]

Finally! After two long weeks na pagpapahinga ko ay makakapasok na ulit ako sa school. Namimiss ko na yung mga friends ko. Nakakabagot kaya sa bahay. Maghapon lang akong nakatunganga at buhay tamad. Good thing naging okay na ako agad.

"Good morning Chase!" Bati ko sa sleeping prince. As usual nakadukdok na naman sya sa desk nya. Is he sleeping again? Ang aga aga eh. Di pa nga nagstart yung klase.

Uh-oh. Nagising sya. I'm dead. Kinakabahan na ako na baka bigyan na naman nya ako ng dagger looks nya pero tumingin lang sya sa akin ng nakakunot ang noo. Hoo! Safe! Hehe. Madaan na lang sa pagpapacute. Sana effective! "Namiss mo ba ko?" Pabiro kong tanong sa kanya gamit ang childish tone habang nakangiti ng malapad.

"Tss." At ayun tumingin ulit sya sa labas ng bintana. Dedma na naman ako. Huhu. Pero at least di sya galit! :D

"Chase, alam mo ba grabe sa ospital. Gustong gusto ko ng tumakas kaso kahit magninja moves ako di ko magawa. Lagi kasing nakabantay si mommy pati si daddy. Dagdag mo pa yung mahigpit magbantay na kuya kong masungit. Kaya bawat galaw ko alam nila. Kainis di ba?" Kwento ko sa kanya with feelings pa yan pero wala. Dumaan lang ang anghel sa pagitan namin. Hay. Kelan nya kaya ako papansinin? 

"Rei! Namiss ka namin! Kamusta?" Hyper na tanong ni Ash sa akin pagkalapit nya sa desk ko.

"I miss you din girls! Okay naman ako." 

"Anong sabi ng doctor? Ano daw nangyari?" Tanong naman ni Venice. Mahahalata talaga na nag-aalala sila.

"Pagod lang tsaka lagnat. Pero nothing to worry naman. Pinagpahinga lang ako ng ilang days after mawala yung sakit ko."

"Hay nako! Buti na man. Alam mo bang natakot na kami ni Ash nung hindi ka pumasok the next day."

"Sorry girls. Di ko din alam ung nangyari eh. Basta paggising ko nasa ospital na ko."

"Rei sa susunod sasabay ka na ulit sa amin kapag hindi ka masusundo ng brother mo o ng daddy mo ah. Aatakihin kami sa puso sa pag-aalala sayo eh." Sabi ni Ash.

A Trip To Love: When She's Dying [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon