======================================
××× Chapter 11 - Iris and Sky ×××
======================================
[Reiza]
Awkward... Yan ang sitwasyon namin ngayon after lumabas ni Ate Risa. Gusto ko sana syang kausapin like the usual pero nakakaconcious kasi nakatitig sya sa akin. Ano bang meron? May dumi ba ako sa mukha? Teka, sya nga ba ang may problema o ako? Dahil ba sa naclarify ko na ang true feelings ko sa kanya kaya ba hindi na ako makagalaw ng maayos katulad ng dati kapag nandyan sya? Gosh. Baka mahalata nya ako. Di pwede to.
Tinignan ko si Chase at ngumiti. Keep calm lang Reiza at act like the usual. "Hi Chase! Buti dumalaw ka na. Thank you ha?" Sabi ko habang nakangiti. Masaya kasi talaga ako at nandito sya. Kaso, dedma lang ulit katulad ng lagi nyang gawain. Favorite nya talaga akong dedmahin no?
Pero, nakatingin sya sa akin ngayon hindi katulad nung nakaraan na lagi syang nakatingin sa labas ng bintana. Okay pano nga ba sya titingin dun kung wala namang bintana di ba? Hay. Napaparanoid na ko. Ang gusto ko lang naman sabihin is nakatingin na sya sa akin ngayon habang kinakausap ko sya hindi tulad dati na binabalewala nya ako. Yung sa iba sya nakatingin habang ako salita ng salita at kinakausap sya.
"Si Ven at Ash ba yung nagsabi sayo about sa condition ko?" Tanong ko sa kanya. Di na ako naghintay pa ng sagot. Alam ko namang hindi sya sasagot eh. "Kelan mo pala nala--" Napahinto ako sa pagsasalita ng lumapit sya sa akin at umupo sa gilid ng kama. Hala. Anong nangyari?
Napatulala ako sa ginawa nya. Parang di ako makapaniwala na nilapitan ako ni Chase. Kasi nga di ba sa school lagi pa nya akong tinatakasan tapos ngayon sya na mismo ang lumapit eh okay naman sya sa sofa na nasa gilid.
"I asked your doctor about your situation the first time we went here. And I found out about it." Sabi ni Chase na nakatingin lang sa akin ng diretso. Pero yung hindi usual na blanko at cold expression nya kundi, nag-aalala sya. Di ko alam kung guni-guni ko lang ba yun pero yung mata nya parang naluluha na. Para din syang puyat na puyat.
Di ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Nakakatunaw din yung mga titig nya kaya napayuko na lang ako. "Ah... Talaga?" Yan lang ang nasabi ko.
"Yeah. And I don't know what's gotten into me when I found out that you rushed into the hospital. I just want to..." Napatingin ako sa kanya. He just want to what? "...see you." Halos lumundag ang puso ko ng sabihin nya yun. Gusto ko na ngang tumalon dito sa kama dahil sa sobrang tuwa. Syempre, great achievement yun di ba? Gusto nya akong makita samantalang dati sya yung hinahanap at hinahabol ko kung saan saan. Pero at the same time, para akong naparalyzed. I mean hindi ako makareact agad sa sinabi nya. Bumilis ang tibok ng puso ko pero naparalyzed ang katawan ko. Grabe. Ganito ba ang inlove?

BINABASA MO ANG
A Trip To Love: When She's Dying [COMPLETED]
Cerita PendekA Trip To Love: When She's Dying (Iris Reiza dela Vega Story) Friendship is what she wants -- That's what Reiza believed all along. Her, being the friendly one, pushed her way in into the heart of a cold, snob guy who just transferred in their schoo...