======================================
××× Chapter 6 - Colder Treatment and Little Notes ×××
======================================
[Reiza]
"Your project will be submitted in three weeks. Make sure to work with your partners, okay? Or you'll end up doing that during your holidays. Is that clear?" Paliwanag ni Ma'am Rivera sa amin.
"Yes Ma'am"
"Good. You can have your lunch now."
Umalis na si Ma'am at nagsimula na ding maglabasan yung mga classmates namin. Yung iba pa nag-uunahan akala mo naman may humahabol sa kanila.
"Rei! Di ka namin partner :( " sabi agad ni Ven pagkalapit nya sa desk ko.
"Okay lang no. By two's lang kasi. At least partner mo si Ash di ba?" sabi ko naman ng nakangiti para naman di na sya malungkot.
"Ano ka ba Ven! Ayaw mo nun partner sila ng sleeping prince charming nya?" Bulong ni Ash sa amin.
Hay nako. Ito na naman sila. "Guys, yan na naman kayo ah. Sinabi nang wag bigyan ng malisya ang pakikipagkaibigan ko kay Chase eh."
"Chase talaga ha? Friend! Special na sya para kay Rei!" Sabi nya pa kay Ven ulit ng pabulong. Mga baliw talaga.
"Oo nga. Iba na yung tawag eh. Nako! Iba na talaga yan." Segunda naman ni Ven.
"Tama na nga yan guys. Baka marinig kayo nun. Magalit pa sa atin." Sabi ko naman.
"Duh! Rei wala na po si sleeping prince mo. Kanina pa nakalabas ng room." Sabi ni Ven. Gosh! Ang bilis nya talagang mawala.
"Kaya gora na girl! Kung gusto mong makita mo pa sya bago ka abutan ng next class. Alam mo naman yun. Kung saan saan nagsusuot. Dun pa nga sa mga lugar na walang mga tao." Dagdag pa ni Ash at pinagtulakan na ako palabas. Hay. Mga kaibigan ko talaga, kakaiba.
Anyway, lumabas na ako at pumunta na sa back garden na always tambayan nya. Pagdating ko dun, hindi nga ako nagkamali. Andun sya at nakahiga sa damuhan. Tulog na naman sya. Paano ko sya makakausap nyan? :(

BINABASA MO ANG
A Trip To Love: When She's Dying [COMPLETED]
Kısa HikayeA Trip To Love: When She's Dying (Iris Reiza dela Vega Story) Friendship is what she wants -- That's what Reiza believed all along. Her, being the friendly one, pushed her way in into the heart of a cold, snob guy who just transferred in their schoo...