Napasinghap ako ng hawakan ni Archibald ang bewang ko at inangat ako pasakay sa malaking kabayo. Mahigpit ang kapit ko sa kamay niya dahil natatakot akong malaglag!
Tumili ako ng biglang sumampa si Archibald sa likod ko dahilan para gumalaw ang kabayo. I heard him chuckled on my back.
"A-Ayoko nang s-sumakay, K-Kuya Archibald..." Nanlalamig ako sa takot na baka malaglag ako!
"Trust me, Keisha. You will never fall." Kinilabutan ako sa pagtama ng mainit niyang hininga sa batok ko. "And stop calling me Kuya Archibald. It sounds old." Nilingon ko siya ng bahagya at ganon na lang ang pamumula ko dahil sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa.
I gulped. "O-Okay... What should I call you, then?"
"Whatever you want."
"Can I call you Kuya Arch?"
Ngumuso siya. "Drop the Kuya. Just call me Arch."
Namula ulit ako sa muling pagkaway ng dimple niya sa akin.
"Okay, Arch..."
Tumaas ang sulok ng labi niya.
"Better."
"Stop flirting with my brother's wife, Kuya Archie!" Sabay kaming tumingin sa pwesto ni Tria dahil sa lakas ng sigaw niya. "She's not available! She's taken!"
Ngumuso ako at tumingin na lang sa harapan. I'm still available and very single...
"Alright, alright." Tumawa si Arch. "Let's go. Malawak ang hacienda at aabutin tayo ng tanghali kung hindi pa tayo magsisimulang maglibot ngayon. Be careful, kids."
Humigpit ang kapit ko sa lubid na pinahawakan sa akin ni Arch ng magsimula ng maglakad ang kabayo. Mabuti na lang at nasabihan ako ni Tria na huwag mag-dress dahil mahangin sa lupain nila Hera. Baka hanginin lang ang dress ko. I'm wearing a puff sleeve top, jeans, and strapped sandals. Tinirintas ko rin ang buhok ko para hindi sumabog dahil sa malakas na hangin. Mabuti na lang at naisip ko 'yon dahil nakakahiya naman kung sasakay kami sa kabayo ni Arch tapos sumasabog sa mukha niya ang buhok ko.
Nasa hilera na kami ng puno ng saging nang magsalita si Arch.
"So... You're engaged with Alaric?"
Bahagya akong napalingon sa kaniya.
"N-Not yet. Wala pang formal na engagement. Sa eighteenth birthday ko pa ang announcement."
"And you agreed? Some people with same situation as you, tend to disagree and rebel against their parents."
"Hmm... Yes, I agreed because acting like a tough rebel girl will only put me in much worst situation. Ako din naman ang mahihirapan kung sakaling hindi ako pumayag."
Bumagal ang lakad ng kabayo na ipinagtaka ko. Sinilip ko si Arch sa likod pero seryoso lang ang ekspresyon niya. I can't see his dimple. That's how serious he is.
Really? Dimple pa rin, Keisha?
"You have the right to decide on your own, Keisha. If you don't want it, then don't."
Umiling ako. "I have no right to decide for that, Arch." Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "I'm here because of them. I'm alive because they chose to keep me. I'm what I am because of the lessons they taught me." Even if I'm tired of listening and pretending to be their perfect daughter.
Suminghap siya.
"It's not like that, Keisha. You're here because of yourself. You're alive because you survive the hardship of life, and you are what you are because that's how you choose to grow. Parents are not the center of our lives. They may teach us, give birth to us, and help us, but we still have the freedom as a person. Even a fruit fall from its mother tree..." Nagtaasan ang balahibo ko sa lambot ng tono niya.
BINABASA MO ANG
Naked Series #3: Unleash My Soul (COMPLETE)
RomansaMATURE CONTENT (R-18) I was raised in perfection. I was taught not to show my real emotion I was born to be controlled I'm like a lifeless doll and have no right to decide on my own. I kept my real self hidden, not until he came into the picture and...