Chapter 16

2.9K 62 14
                                    

Nagising ako na nasa bisig pa rin ako ni Dimitri pero may kumot nang nakapatong sa balikat ko. Gumalaw ako ng konti kaya humigpit ang yakap niya sa bewang at balikat ko para hindi ako malaglag sa sun lounge. Madilim na ang paligid at malamig ang simoy ng hangin pero hindi ako nilalamig dahil bukod sa kumot, nakalingkis ang binti at braso ni Dimitri sa katawan ko.

"Dimitri..." Paos na boses na tinawag ko siya. "What time is it?"

"Almost seven."

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa dibdib niya at tiningala ko siya. Nakapikit siya at dumilat lang nung bumangon ako. Mapunghay ang mata niya na para bang kakagising niya lang kagaya ko.

Sinubukan kong umupo pero hinila niya lang ulit ako pahiga sa katawan niya.

"We need to get up. Anong oras na, Dimitri."

"Five more minutes..."

I sighed and rest my head on his chest again. Huminga siya ng malalim at pinatakan ng halik ang ulo ko na nagdala ng kiliti sa tiyan ko.

Is this still normal? Ganito ba talaga ang namamagitan kapag magkaibigan ang isang lalaki at babae?

"Dimitri?"

"Hm?"

"The massage you did to me, where can I find that? Walang ganon sa massage spa na napuntahan ko."

He chuckled. "That's exclusively for me."

I pouted. "What if I want that massage again and you're not around?"

"I can only do that to you, you get me?"

"Why?"

He grunted. "Stop asking. Ako lang ang pwedeng gumawa sayo ng bagay na 'yon, Kiya."

Tumahimik ako. I have no experience about friendship other than Alice. Si Dimitri ang pangalawang naging kaibigan ko dahil nga nagkasundo kaming putulin ang engagement naming dalawa. I have no doubt last year pero ngayon, nagsisimula na akong magtanong kung ayos lang ba itong niyayakap niya ako. This is supposedly between those people in a relationship, right? O nangyayari din ito sa close friends? I'm hugging ang kissing Alice too, so I guess this is normal... Right?

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng tawagin kami ng isang katulong para maghapunan. Bumangon na kami ni Dimitri at dumeretso ako sa kuwarto para maligo. Pagbaba ko para maghapunan ay kumpleto kami sa hapag kasama si Tita Alana.

"How was the swim, girls?" Tanong ni Tita.

"I love here, Tita! Parang Boracay beach dito!" Alice grinned. "Sayang nasa ibang bansa si Tria."

Tria is with Tito Demetrius abroad, together with Hera and their cousins. Doon daw niya gustong mag bakasyon ng isang buwan tapos babalik siya dito next week.

"I'm glad that you're enjoying here, Alice."

Tita Alana knew about the relationship of Alice and Arch. Legal na sila sa pamilya ng Delavin pero wala pa ring alam ang nanay ni Alice tungkol kay Arch. I'm reminding Alice to tell the truth to her mother but she's always shoving it off. Kapag bumalik na daw ang Mama niya saka niya sasabihin, which is a year from now.

Natigil ako sa pakikinig sa kwentuhan ni Tita at Alice nang maglagay ng dagdag na pagkain si Dimitri sa plato ko. Kumunot ang noo ko at sinulyapan siya na patay malisyang kumakain. Siniko ko siya ng mahina at doon lang niya ako nilingon.

"What's this?" Nginuso ko ang plato ko.

"Food, obviously."

"That's not what I meant! Bakit naglagay ka pa ng pagkain samantalang tapos na ako kumain?"

Naked Series #3: Unleash My Soul (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon