so bago ang lahat, I'd like to say thank you to Selene_killer fir supporting my story and for being there from the start and Mushmiraxx for supporting and promoting my story. I love you both, sa hindi mo namention thank you din po. Oh ayan sige read!
V A N L E I G H
"Vanleigh! Iha? nariyan ka ba sa loob?"
Naghugas ako ng kamay ng marinig ko ang boses ni ate Tes sa labas. Kapitbahay namin siya at close kami sa hindi ko alam na dahilan. Pinunasan ko ang kamay ko tsaka binuksan ang pintuan.
"oh ate Tes an-" I didn't get to finish what I'm about to say when she grabbed my hands "bakit namumula to ha?" she asked, worried. Matagal ko siyang tiningnan bago ako sumagot "w-wala yan 'te, na-nahulog ako kagabi sa hagdan"
"sinaktan ka nanaman ng lalakeng iyon?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ate Tes "h-hindi te, mabait si niko te" halata sa mukha ni ate Tes na mas lalo siyang nag-alala "huling beses na sinabi mo yan, nabugbog ka" ngumiti ako "ayos lang ako"
"hindi mo matatago ito saakin iha, pero alam kong matanda ka na, matuto kang lumaban para sa sarili mo" niyakap ako ni ate Tes at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.
"tahan na iha, kung bakit ba naman kase nagtitiis ka rito eh" hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging epekto ng yakap at salita ni ate Tes saakin. Siguro...siguro kase miss ko na si mama.
..*..
Inihain namin ni ate Tes yung mga pagkain na dala niya, tuwing may oras siya ay nagluluto talaga siya tsaka dinadala dito saamin.
"Oh eh nasaan ngayon si Niko?" tanong niya saakin "sa trabaho 'te" Engineer si Niko may malaking project sila ngayon kaya grabe ang stress, pagod at pagka-busy niya.
"eh ikaw kailan ka babalik sa trabaho mo?" tumingin ako sa kaniya, alam ko kung anong tinutukoy niya "hindi na" sabi ko tsaka siya pinagsandok ng makakain.
"bakit?" hindi ko alam kung bakit ito biglang naitanong ni ate Tes pero sumagot na lang ako "kapagod kase tsaka alam mo naman na may cafe ako ang hirap pagsabayin, kaya dun na lang ako mag-focus" naghila siya ng upuan para umupo doon "van, modeling is your life, it's your passion"
Napaisip ako. Matagal kong tinitigan ang babaeng nasa harapan ko. She's right, modeling is my life, it's my passion.
"mas gusto ko mag-focus sa cafe eh" iyon lamang ang ang naisagit ko matapos ang matagal na pagkatitig sa kaniya "iyon ba talaga o dahil ayaw lang ni Niko?" nilingon ko si ate Tes "nag-aalala lang naman iyon eh" huminga siya ng malalim tsaka hinawakan ang magkabilang kamay ko "van...alam mo naman na parang anak na kita hindi ba?" tumango ako "iha, malaki ang pagkakaiba ng pag-aalala sa pangongontrol.
Kinokontrol niya ba ako? Hindi naman...siguro. Alam ko na nag-aalala lang siya, alam ko inaalala niya lang ako. Naiintindihan ko iyon at igagalang ko rin ang desisyon niya.
..*..
Mag-aalasais ng hapon ng pumasok sa bahay yung bunsong anak ni atr Tes, si Jan-jan"ma sabi po ni dada go home na daw po, may dadating daw po na visitor" visitor? first time yun ah?
BINABASA MO ANG
The Killer (Rodrigo's Desire Series #1)
RomanceScared of getting hit by his boyfriend again, she hides in a bus stop. She sits there, hugging her knees, crying and scared. And then someone came, the killer DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, l...