K A B A N A T A 2

51 5 0
                                    

"miss van...ito po yung sales natin this month, wala naman po masiyadong bago, tumaas lang po yung ibang sales"


Tumango lang ako sa kaniya "ahhh sige, you can go now, susunod ako saiyo" tumango tsaka tumalikod paalis. Pagka-labas niya, maya maya ay pumasok ulit siya.


"miss, dumaan yung katrabaho ni sir Niko, pinabibigay po ito" inilagay niya sa lamesa ang isang box, bago ko iyon buksan ay may napansin akong note kaya binasa ko iyon.




'I'm sorry for what happened the other night baby, you're not listening kase eh anyway this is a peace offering. I love you'




Dalawang araw na ang nakalipas simula ng gabing iyon, hindi niya rin ako masiyadong pinapansin. Binuksan ko yung box, donuts. Caramel with nuts, pero allergic ako sa nuts. Ah nakalimutan niya siguro. Isinara ko iyon tsaka iniabot kay Jane.




"Jane, sainyo na lang yan paghatihatian niyo dalawang box naman yan eh" Kahit gusto ko iyong kainin ay hindi maaari dahil allergic ako sa nuts "ha? bakit po?" tanong niyo saakin "may nuts kase eh" sabi ko sa kaniya "hindi po ba alam no sir Niko na allergic kayo sa nuts?"



"nakalimutan niya lang siguro, makakalimutin yun eh"







..*..




"Ate Van!" lumingon ako sa likod ko, doon ko nakita si Kendrick, yung panganay na anak ni ate Tes. Kada-hapon pumupunta siya dito sa Cafe, para magkape tsaka minsan pag naaabutan niya na andito ako, nag-uusap din kami.






"ken..." lumapit siya saakin habang nakangiti "hi 'te, tara samahan mo ko magkape" he grabbed my right arm but I immediately pushed his hands away from mine. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, hindi ko naman yun normal na ginagawa eh.



"what are you doing here?" I asked "magkakape nga" he pushed the door but he didn't go inside and still smiling at me "aren't you going inside?" natauhan ako kaya pumasok ako sa loob.


"ate Reese usual order ko po" sabi niya sa isa sa mga employee ko "ken, pagkatapos nito umuwi ka na" nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi "bakit?" sumeryoso din ang boses niya "hapon na eh, tsaka baka maabutan ka dito ni-"


"baka maabutan ako ni Niko at malalagot ako kapag nakita niya ako dito na kasama ka, alam ko na yan pero hindi ko pa rin gagawin" sobrang seryoso niya, walang bakas ng biro o saya sa kaniyang mukha, pero maya maya pa'y ngumiti na ulit siya.


Alam kong gusto ako ni Ken matagal na actually, umamin siya noon saakin akala niya raw kase'y kapatid ko lang noon si Niko. Pero alam ko rin na nirerespeto niya ang relasyon namin, yun nga lang hindi ko naman pwedeng sabihin na tigilan niya yung pagmamahal niya saakin.




"susunduin ako ni Nik" inilabas niya yung notebook niya "wala naman tayong ginagawang masama eh, exaggerated lang yang boyfriend mo" hindi dapat, pero natawa na lang ako bigla sa sinabi niya.




"alam mo ikaw ang sama mo no?" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko "hala bakit, masama na ba magsabi ng totoo ngayon?" mas lalo akong natawa sa sinasabi niya.





"ito na order mo Ken" inilapag ni ate Reese yung order ni Ken, bagels and iced coffee "ikaw ma'am?"
umiling lang ako. Busog pa naman kase ako dahil kakakain ko lang naman ng meryenda.




"nakita kita sa article nung isang araw" he said "huh?" article? kelan? bat wala akong alam? "100 beautiful models in the world, 3rd ka" iniharap niya saakin ang phone niya. Totoo nga ang sinasabi niya, kabilang nga ako doon.




The Killer (Rodrigo's Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon