K A B A N A T A 6

37 3 0
                                    

"you always get in trouble pag nagkikita tayo, magkaaway ba kayo ni kamatayan hmm?"





Hindi makapaniwalang tumingin si Van sa binata. Gusto niyang mag pasalamat ngunit para bang hindi niya maigalaw ang  kaniyang bibig. Para siyang naparalisado. Napaka gara ng suot ng binata. He's wearing a dark blue suit with a black turtle neck inside and a black pants paired with a black shoes.




"Hey you okay?" hindi na napansin ng dalaga na lumapit na pala sa kaniya si Eiji. Hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat at tila sinisigurado nito na ayos lang siya. "nagulat ka din siguro, come" Hinawakan siya nito sa palapulsuhan niya't pumunta sila sa kung saan.




Hindi alam ni Van kung bakit siya sumama o kung bakit hindi man lang siya nagpumiglas. Basta na lamang niyang hinayaan na hilahin siya ng binata. Nakatingin lamang siya sa likod nito habang hilahila siya.




Tumigil sila sa harap ng isang black Calibre "wait stay here" pumasok sa loob ng kotse si Eiji, pagkalabas nito ay may dala itong bottled water tsaka inabot sa kaniya. Tinanggal nito ang tela na nakatakip sa likod ng kotse nito, may mga unan at kumot na naroon.




Sinubukang umakyat ni Van sa likod ngunit masiyadong mataas iyon para sa kaniya "here let me help you" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang bewang na ikinagulat niya, mabilsi siyang lumayo at tumungo.




"oh I'm sorry did I scare you?" hindi nagsalita ang dalaga at nanatili lamang itong nakatungo. She easily get scared when strangers touch her, si Niko kase ang naaalala niya kapag may humahawak sa kaniya. Pabago bago lagi ugali ni Niko, kaya parang hindi niya ito makasanayan.




Tumingin siya sa binata na hawakan nito ang kamay niya "akyat na, aalalayan na lang kita" nung una ay hindi niya alam kung aakyat pa ba siya o hindi pero kanina pa siyang nangangawit kaya umakyat na lang din siya. Pagka-akyat niya ay sumunod naman sa kaniya ang binata.




Van sat at the right corner while Eiji sat at the left one, naramdaman din kase ni Eiji na tila ba hindi kumportable ang dalaga kaya lumayo siya dito. Kinuha ni Eiji ang kumot sa tabi niya at iniabot iyon kay Van "here, it's cold" Van took it then she cover it to herself.




Tumingin siya sa gawi ng binata "i-ikaw?" she ask, wala kase itong gamit na kumot, lumingon sa kaniya ang ang binata "nah I'm fine" ngumiti ito at tumingin sa kalangitan, matagal muna niyang tiningnan ang lalake bago siya tumingin din sa kalangitan.




Magkakalayo ang street lamps sa parking, malayo din yung isang street lamp sa pinaroroonan ng kotse ni Eiji kaya buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa kanila. It's so bright, like it's meant to be the brightest. Like it's meant to be there to give light. It made her smile. She didn't even notice that Eiji is looking at her already. Beautiful.  He smiled when he saw her smiling.




"it's beautiful" basag ni Van sa katahimikan, she's still looking at the sky, at the moon. Simula ng dalhin ni Eiji si Van dito kanina ay ngayon lang nagsalita ang dalaga.




"it is" he answered, looking at her. Ito ang unang beses niyang natitigan ang dalaga ng ganito, noong nasa ospital sila ay malapit nga sila pero hindi niya din naman ito masiyado natingnan dahil may katext ito hindi nga lang niya alam kung bakit pa ba siya nag-stay doon eh pwede na din naman siyang umalis. Umiling na lamang ang lalake sa alaalang iyon.




She's pretty, very pretty. Simple lang ang make up nito, hindi gaanong kakapalan.  She's shining because of the dress she's wearing o kahit naman siguro hindi ito magsuot ng ganoon ay kikinang pa din ito.




"t-thank you" she said as she looks at him "for saving me" dagdag pa ng dalaga, ngumiti siya rito "it's fine, you look like you're spacing out earlier" nang nakita niya ang babae kanina ay, nakatungo ito at tila ba wala sa sarili, nung una ay hindi na niya ito pinansin pero ng makita niyang may kotseng sasalubong sa kaniya ay mabilis niya itong hinigit.




"did something happen?" he asked, Van gave him a look, she smiled "nothing" tumango ang lalake't muling tumingin sa kalangitan. Sa pananalita't kilos ng dalaga alam niyang may problema, hindi naman siya tanga't manhif para hindi iyon maramdaman, ayaw na lamang niyang kulitin ito.




Tumingin sa kaniyang relo ang lalake at halos mag-iisang oras na sila rito. Hindi siya makapaniwalang ganoon kabilis ang oras na hindi na niya napansin na mag-iisang oras na silang nakaupo lamang at nakatingin sa kawalan.





Muli niyang tiningnan ang dalaga, yakap niya ang dalawang binti at ipinaton nito sa tuhod ang kaniyang ulo para gawin unan. Sa gawi niya ito nakatingin pero nakapikit ito.




Kumuha pa siya ng isang kumot at kukumutan sana ang dalaga ng gumalaw ito at saktong pagmulat ng mata nito ay nagkatingina sila.





Hindi alam ni Van kung anong nangyari pero parang bumagal ang buong paligid ng magkatinginan sila ng binata. Sobrang lapit ng mukha nila isa't isa isang maling galaw ay maaari niyang  mahalikan ang lalake.





Gustong umiwas ng tingin ni Eiji pero para siyang naparalisado sa tinginan nila ng dalaga. Nakaluhod parin siya sa harap nito at hawak parin niya ang kumot na sana'y ibibigay niya sa dalaga.




Biglang tumunog ang phone ni Van kaya agad silang napaiwas ng tingin sa isa't isa. Mabilis na kinuha ni Van ang phonr sa bag na dala niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.





At hindi siya makapaniwala ng maalala kung nasaan siya ngayon at kung sino ang kasama niya. Bakit nga ba nga ba ako sumama dito? Bakit ako sumama sa kaniya?  Sinagot niya ang tawag. Bakit nakalimutan kong bumalik? Bakit nakalimutan ko si...Nik?






"where the hell are you Vanleigh?"

The Killer (Rodrigo's Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon