Chapter 6

802 23 1
                                    

Chapter 6

Vic’s POV

Nakarinig ako ng pagkatok at ayun siguro si Meneses na. WTF talaga! Tinignan ko yung wall clock. 3:30 na. Bumangon ako dahil syempre di babangon yan si Denden. Pagbukas ko ng pinto ayun nakangisi ang loko at amoy alak talaga.

“Vicccc!” sabe niya with a sing-song voice

“Ria lasing ka?”

“Nope! Nope! I’m not! Tipsy lang!” sabe niya sabay wave ng kamay niya “Gosh! You wouldn’t believe whose with me earlier.” Natatawa niyang sabe. Lasing talaga

“Oo na tara na.” inalalayan ko sa paglalakad

“I saw them Vic!” sabe niya buti nakarating na kami sa kama niya

“Okay okay na.” tumalikod ako at kinunan siya ng pamalit. Bushet lasing na to “Magpalit na.”

“Vic sina Mika nakasama ko!” napatigil ako sa pagsusuot ng damit niya

“ANO?!” tumawa lang siya. Ay buang! Lasing nga pala to. Tsk! “Hay nako Meneses matulog ka na! pag di ka nakapasok bukas yari ka.” Pinalitan ko yung damit at hinubad ko yung sapatos.

“Th..thanks.” nasabe niya at ayun diretso tulog. Bumalik ako sa kama ko.

“Vic si Ria ba yun?” naalimpungatan si Den

“Oo nakauwi na din tulog ka na din dyan.”

“Okay.”

At ako ay natulog na din. Hahaha! ililibre ako ng lasing na to bukas! BWAHAHAHA.

--

Kinabukasan pagkagising ko si Dennise nakabihis na. may cereal at itlog na prito na nakahain din. Yan lang alam niyang lutuin pati corned beef at tustang hotdog.

“Morning Vic. Kain na.” aya niya sa akin

“Anong oras pasok mo? Aga mo naman ngayon?” sabe ko ng maupo ako

“Eh kasi may report ako maya.”

“Ah okay goodluck.”

Nag almusal na muna kami ni Den at nung patapos na ay lumabas si Ria ayun namamaga ang eyebags at parang di na makakita.

“Huy! Haha! Grabe yang mata mo!” asar ni Den sa kanya.

“Bwsit.” Matipid niyang sagot at upo “May gamot kayo dyan? Sakit ng ulo ko badtrip.” Tumayo si Den at kinuha ng paracetamol

“Ayan lasing lasing ka pa ha! Magaling.” Sabe ko

“Kumain ka muna bago uminom nyan.”

Kumakain siya habang ako inuubos yung kape ko, si Denden nagbabasa ng notes niya.

“Kamusta pala yung lakad niyo kagabe?” tanong ni Den

“Ah.” Biglang tumingin sa amin si Ria at ngumisi “Masaya di kayo maniniwala sa mga nakasama ko.” Tumaas pareho ang kilay namin ni Dennise

“Sino?” kinuha niya ang phone niya at saka pinakita sa amin.

My Biggest Fan (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon