Chapter 8

866 19 0
                                    

Chapter 8

Den’s POV

Last day of class ngayon and bigayan na din ng records. Ang lungkot lang kasi tanggal na ako sa DL at may notice pa yung Dean sa akin patay talaga ako neto. Hinintay ko na lang sina Ara at Ria sa cafeteria para sabay sabay na kami umuwi.

“Den!” paglingon ko si Ria parating na “Kanina ka pa?” tanong niya nung tumabi siya sa akin

“Bago bago lang din okay na grades mo?”

“Yup same padin sa dati.” Tapos natawa siya “Eh yung iyo?”

“Ganun na talaga may letter pa nga na binigay sa akin oh.” Tapos pakita ko nung envelope “Good luck sa pag uwi natin neto bukas.”

“Goodluck talaga.”

Nagka kwentuhan pa kami ni Ria hanggang sa dumating na si Ara ayun pareho kami ng kapalaran nun eh. Pero siya ata nasabe na niya sa parents niya. Huhu.

“Di ko atalaga alam kung paano ako neto bukas.” Sabe pa ni Vic nung pauwi na kami sa dorm “Siguradong gisado na naman ako.”

“Okay lang yan sunog ka na din naman.” Natawa ako sa sinabe ni Ria

“Sapak gusto mong kapre ka?!”

“Joke lang to naman.”

“I-update niyo na lang ako bukas sa magiging kaganapan niyo.” Sabe ko

“Mabuti pa nga.”

“Hayyyyy.”

--

The Next Day

Pinagsusundo ng kani-kanilang mga magulang ang tatlo well maliban kay Ria na umuwi lang mag-isa. Si Den at Vic ay medyo kabado pa lalo pa si Dennise na hindi pa nasasabe sa magulang niya ang tungkol sa grades niya.

Den’s POV

Medyo tahimik lang yung naging byahe pauwi sa amin di din kasi ako nagsasalita masyado dahil pinag-iisipan ko kung ano ba ang tamang sasabihin ko mamaya. Si Daddy naman di rin masyado nag o-open ng topic kaya parang normal na sumakay lang ako sa kotse.

“Den kamusta pala sila Ara?” nagsalita si Dad after 2398741408138134 years. “Tsaka si Ria? Okay lang din ba kayo doon?”

“Okay naman po Dad.”

“Ahh mabuti.”

At di na ulet nagsalita hanggang sa nakarating na kame sa bahay. Pagpasok ko sa bahay naka abang agad si Mommy na naka cross-arms PATAY hindi magandang senyales to. Humalik ako sa pisngi niya. “Hi Ma.”

“Dennise Michelle.” Seryoso niyang sabe “Dito tayo mag usap.” At tinalikuran ako at dumiretso kami sa office room ni Daddy.

Nakaupo si Dad katabi si Mommy at ako nasa harap nila. Ramdam na ramdam ko na yung malalamig na butil ng pawis na tumutulo sa noo ko. Pati yung tibok ng puso ko parang naka megaphone sa lakas eh.

“Ipaliwanag mo to Dennise.” Saka linapag ni Mama sa harap ko yung envelope SHIT! Pinadalhan din pala agad sila? AGH! “Bakit nagkaganyan ang mga grado mo?”

My Biggest Fan (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon