I.
“Ara.. Victonara? Matagal ko na tong gustong sabihin sayo.” Unti unti niyang linapit ang mukha niya sa akin. Bumibilis na yung tibok ng puso ko.
“Yeye? i..ikaw?”
“Oo Ara ako nga.”
Hinawakan niya yung pisngi ko saka unti unti na namang linapit yung mukha niya sa akin. “Yeye..”
“Ara? Victonara?”
“Yeye.”
“Anak ng!” kinuha ni Ria yung unan saka akmang hinampas sa mukha ni Victonara na naka nguso pa na animo’y may hinahalikan. “Mahalay talaga tong taong to! Hanggang sa panaginip pinagnanasaan si Mika!” napailing si Ria saka pinaghahampas si Ara “GISING! GISING ARA!”
“HA?” napamulat si Ara saka nagulat na nasa harap niya si Ria “RIA ANO BA!” reklamo ni Ara sabay kuskos sa mata niyang ina antok pa “BWISIT! Ganda ng panaginip ko eh! Shit!”
Naupo naman si Ria sa tabi ng kama niya at tumawa “Ang panget mo! Nakakadiri ka! Pa nguso nguso ka pa!” tumitig ng masama si Ara
“Ang kapal mo! Bwiset bakit ba? Ganda ng panaginip ko eh! Kainis ka! Si Mika na yun eh!” reklamo padin ni Ara
“Maligo ka na nga nagpapasama si Denden may bibilhin daw siya sa mall.”
“Kainis! Maya na! Antok pa ako eh!”
Tumawa si Ria saka tumabi sa pagkakahiga ni Ara. “Kwento mo daw panaginip mo.” Ngumiti si Ara saka tumingin kay Ria
“HEHEHE!”
Marivic Ria Meneses 17 years old. 1st year student ng St.Augustin University. Matangkad, pogi at madiskarte pero medyo torpe. Single at NBSB pa. Pinsan at bestfriend din ni Ara.
Fangirl type: SEMI FANGIRL.
Simple lang si Ria. Walang mga magagarbong posters or merchandise masyado ng team niya pero full support naman sa mga games. Hindi rin madalas makisali sa mga “fanwars” at gusto lang ay lageng happy ang team/idol niya. Hint: Medyo cute daw si #15 hehehe.
Tawang tawa si Ria pagkatapos marinig ang kwento ni Ara. Napailing siya habang naiisip kung gaano na ba tinamaan ang pinsan niya sa idol neto.
“Tingin ko sign na yun Ri! Baka makilala na ako ni Yeye!” halos mag spark spark ang mata ni Ara sa naisip niyang yun
“ASA KA PA!”
“KJ! BWISIT! Umalis ka nga dito!” sinipa ni Ara si Ria saka bumusangot
Victonara Ara Galang 18 years old. 1st year student rin ng St. Augustin’s. Mas maliit kay Ria 2’’, pogi rin at napaka charming sa mga girls. SINGLE PA pero nagkaroon na ng mga ka relationships noon kaya lang ay nasa idol niya na ang attention niya ngayon.
Fangirl Type: STANDARD FANGIRL
Halos lahat ng merchandise na pwde niya mabili ay binibili niya. Mula sa t-shirts, hoodies, jerseys, magazines name it at meron si Ara niyan. Yung memory ng phone niya ay halos mapuno na ng photos ni Mika, videos, edits at iba pa. BASTA MAY MIKA REYES!
BINABASA MO ANG
My Biggest Fan (on-hold)
FanfictionKaraAlyden-ccentric ft. Jeria Ayun ho. Crackfic lang so yeah. Will update if di busy. :) enjoy. READ AT YOUR OWN RISK. #HatersGonnaHateHateHate