Chapter 8

1.1K 115 16
                                    

CHAPTER 8

"Anong ginagawa mo dito?"

"Tita---"

"It was all your fault, Chanyeol! Hindi pa ba sapat sa'yo ang nangyari sa anak namin? He died because of you!"

"W-Wala po akong kasalanan, I never did anything to cause him this."

"Tama na, Chanyeol. Anak na namin ang nawala tapos may gana ka pang pumunta dito sa lamay niya? To what? To apologize?"

"T-Tito, I'm here to clear my name, I swear, nagpakamatay po siya. Suicide. Wala po akong alam."

"And the reason is, you broke up with him. Mahal na mahal ka ng anak ko. He loved you to depths at ganito lang ang ginawa mo sa kanya? Pagkatapos malaman ng lahat na kayo na, hiniwalayan mo siya. Kinahihiya mo ang anak namin!"

"Hindi ko alam na ganito ang kahihinatnan niya, Tito, please, hear me, wala akong k-kasalanan."

"Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Baekhyun sa'yo. You're arrogant and an ass, your mouth is full of lies na kahit ang pagmamahal mo sa kanya ay peke."

"T-Tita, please, I have nothing to do with this, wala akong kasalanan. It wasn't my fault that he killed himself. I liked him, yes, pero---"

"Kinahihiya mo siya. Great, Chanyeol, you just killed our Byun Baekhyun."

Nagising ako nang makarinig ako ng kalampag sa dingding, agad akong umupo at napahiga ulit dahil sa posas na nakatali sa kamay ko. I can't even take a sit with this stupid hand cuffs, ano bang ginagawa nila sa akin? Hindi naman na ako nagwawala kaya dapat pakawalan na nila ako.

Isang kalampag ang narinig ko sa itaas.

Pangalawa.

Pangatlo.

Madilim parin at ni hindi ko nakita ang buwan sa langit, walang bituin man lang. Walang kalampag ang sumunod pero nanatili ang tingin ko sa ceiling. My body was shivering while waiting for the fourth sound, nilingon ko ang buong silid at tanging isang upuan, isang mahabang sofa at side table ang naroroon.

The stuffed toy was on the side table, too, katabi ng digital clock kong umiilaw sa katagang alas tres na ng umaga. Nakalingon sa direksyon ko ang stuffed toy, kahit alam kong hindi ito gagalaw ay nanigas ako at kinilabutan. I don't want to see that anymore, it made me insane for a couple of hours yesterday dahil sa recorder niya.

I told them to put than in trash pero hindi nila ginawa.

Maya maya ay pumasok na naman ang babae na may dalang tray at may pinainom na gamot sa akin. I didn't try to ignore her, wala rin namang mangyayari dahil nasa iisang kwarto lang kami at sa ayaw at sa gusto ko, ipapainom niya sa akin ang mga gamot na ayaw ko.

"Why are you afraid with this?" She said while holding the stuffed toy with its creepy recorder inside its tummy.

"S-Sinong nagbigay niyan? May recorder siya ..."

Ngumiti siya at lumapit sa akin dala dala ang stuffed toy, napaatras naman ako kahit nakagapos ang paa ko. "Someone left this at the lobby, nakabox at nakapangalan sa'yo."

I stared blankly at her. "P-Pindutin mo ang tiyan niyan."

Ngumiwi siya at tinitigan ang stuffed toy. "Aww, this one's a cutiepie, Mr Park, anong sinasabi kapag pinipindot?" Hindi pa man ako nakasagot ay pinindot na niya ang tiyan nito.

I was stunned when I heard nothing.

She tried pressing it twice but nothing happened.

Trice, but nothing.

"Wala naman, ah." Ngumuso siya at niyakap ang stuffed toy. "Maybe your just imagining things, Mr Park." She stood up and headed at the door, but before leaving she looked at me in my eyes and smiled creepily. "May bisita ka mamaya."

"W-Who?"

As far as I know, ilang linggo na ako dito pero wala akong natatanggap na bisita. Who would it be?

"It'll be Mr and Mrs Byun. Go to sleep, okay?" And then she left.

The HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon