Chapter 9

1.1K 105 17
                                    

CHAPTER 9

"Ma!"

"Chanyeol ..."

"Fuck it, Ma!"

"Park Chanyeol ..."

"Stay the fuck away from me!"

"Park Chanyeol, you did this to me ..."

"No! Wala akong kinalaman sa'yo! Will you please leave me alone?! Ma! Where are you?!"

"Anak!"

"Ma! Nakikita ko si Baekhyun! Ayaw ko siyang makita!"

"Anak, nag-iilusyon ka lang. Patay na siya anak, wala na si Baekhyun."

"Shit, I know! Pero nakikita ko siya dito! Why is he here? Akala ko ba nailibing na siya? Fuck! Natatakot ako sa mukha niya, Ma!"

"Anak, what's happening to you? Wala na siya! Wake up, ano bang pinagsasabi mo? Stop imagining things, ang lakas na ng topak mo. Maybe we should consult a psychiatrist."

"Ma, hindi ako baliw!"

"Anak, para malaman ko kung anong gagawin sa'yo! Ilang araw ka ng ganito!"

"Ma, please, hindi ako baliw! Nakikita ko si Baekhyun pero hindi ako baliw! Nagpapakita siya sa akin! He kept on chanting my name, damn it, Ma!"

"Maybe I should put you on mental. Sorry, anak."

Umiiyak ako nang nagising. Maliwanag pero umuulan at dumadalugdog. Maingay sa celing na parang may paang nagdadabog sa itaas. Nakailang lunok ako nang maalalang ang Mama ko mismo ang naglagay sa akin dito sa mental. Things kept on developing slowly in me, mahinang nagregister sa utak ko ang lahat.

Naalala ko ang sabi ni Mr Byun sa akin kahapon. They said it's almost two years when their son committed suicide, sa akin parin ang bintang kahit alam nilang hindi ko sila pakikinggan. They want me to visit his grave, bigla nalang akong nagwala 'nun at tinurukan na naman ako ng tranquilizer ng mga lalaking nakaputi.

Mr and Mrs Byun left after that.

Nilingon ko ang babaeng nakaputing pumasok, may dalang tray, the usual thing she was always carrying full of medicines and injections. Minsan ay nagtanong ako kung bakit siya ang palaging bumibisita sa akin at wala ng iba, she said she was scheduled during these times kaya ganon. I even asked her why does she always carries her tray, she said she is obliged to do her job.

"Nakatulog ba kayo ng maayos, Mr Park?"

I shrugged and remembered my nightmare once again. Ito ba 'yung mental na sinasabi ng Mama ko sa panaginip ko? How long I am here?

"Hey, Miss ..."

Hinanda niya ang tubig at gamot ko, lumapit siya sa akin at pinainom ako kasunod ng tubig. "Yes, Mr Park?"

"Gaano na ako katagal dito? Magdadalawang linggo na ba?"

She giggled and shrugged, she patted my head playfully and pinched my nose. "Kahit makulit ka, natitiis kita, noh. You don't remember, eh?"

Sumimangot ako at sinubukang intindihin ang sinasabi niya.  "Gaano nga?"

"Mag iisang taon na, Mr Park."

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"Hindi mo maalala kasi may sakit ka. Sige na, matulog ka na."

Aalis na sana siya pero nahawakan ko pa siya kahit nakaposas ako. "Make me remember, nababaliw na ako. Please, alisin niyo narin 'tong posas na 'to."

She heaved a sigh and took up her tray, lumabas na siya at iniwan akong nakatunganga.

Mag iisang taon na ako? My dreams happened a week ago.

Ano ba talaga? Mas lalo akong naguguluhan.

The HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon