CHAPTER 12
"Are you okay, Mr Park?"
"H-Hah?"
"Ang laki na po ng eyebags niyo, nakatulog po ba kayo?"
"I didn't sleep, dinadalaw ako ni Baekhyun."
"Mr Park, I think you should not be scared of him, boyfriend mo 'yun, 'di ba? Baka may gusto lang siyang sabihin sa 'yo."
"Not be scared of what the fuck, Miss? Magpapakita sa 'yo at dadalawin ka sa mga panaginip mo? Sinong hindi matatakot niyan?! I've gone crazy because of him and for the last time I'l telling you, he's not my boyfriend!"
"Kumalma po kayo, I don't really think you can handle yourself alone in here. Buti nalang at dumalaw ako, hindi ako gabi gabing nandito, Mr Park, and no one could accommodate you right away."
"I can't stay here alone ... Pwede bang dumito ka nalang muna, Miss?"
"Mr Park, I'm not a nurse, I belong to the lobby, I just checked if you're okay but I guess you are not."
"Don't leave me please! 'Wag ka munang umalis! I need someone to talk! Mababaliw na ako dito!"
"You'd be crazier if you would stuck yourself over and over again."
"Ano? I'm not stucking myself in here, Baekhyun is haunting me! Wala akong magawa! I want this gone, I want him gone!"
Napadilat ako ng mata at natulala sa kisame, nagising ako sa kalabog sa itaas, parang may kumakatok mula sa kisame. Minsan na 'tong mangyari sa akin pero ngayon lang ako nagising sa mga ganito.
Bumaling ako sa digital clock na umiilaw ng alas tres ng umaga. It's always been three. I reached out the side table near me and grabbed a glass of water, isang platito ang nakatakip dito, agad ko itong ininom. Pagkabalik ko ng baso sa mesa ay napansin kong may tray at may mga gamot ito. Katulad ng mga gamot na dinadala ng babaeng nakaputi palagi. I didn't hesitate and took it all. Nakalagay naman 'to dito kaya siguradong akin nga.
Nakatitig lang ako sa kisame ng ilang minuto pero hindi parin dumadating 'yung babaeng nakaputi. Tigadeliver lang ba talaga siya ng mga gamot ko? Nothing more, nothing less? Why did she sound so weird last night?
Ilang minuto pa akong naghintay, nakatitig parin ako sa kisameng kumakalabog. It was just a simple knock above until a big bang ended it. Agad akong napaupo sa kama ko at tinignan ang buong paligid.
"Sino 'yan?!"
Hindi na kumalabog ang kisame, pero nanatili akong gising dahil sa paghihintay sa babaeng nakaputi. I somehow wanted to talk to her, ask her if she knows something about me. Ang panaginip ko kanina ay hindi na masyadong malala. Am I recovering?
Isang malakas na kalabog na naman sa kisame ang narinig ko.
"I need a peaceful night! Sino ba 'yan?!"
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan, hindi ako nakagalaw at tanging pagtingin lang ang magawa ko dito. Dahan dahan itong bumukas, I even heard some creak from the old metal, tumayo ang mga balahibo ko sa batok lalo na nang pumasok ang malamig na hangin.
"Stop tricking me. Sino 'yan?!"
Bukas na bukas na ito, nakita ko na ang pinto ng kaharap kong kwarto, katulad lang ng pinto ng kwarto ko pero may maliit ng bintana ang pinto niya---I saw a hand scratching over there, agad akong napasandal sa dingding at pilit na tinanggal ang kadenang nakagapos sa paa ko.
"Fuck!"
Nakailang sigaw at mura ako dahil sa kaluskos mula sa pinto na kaharap ng kwarto ko. Nanginginig na ako dahil hindi ako makalabas o makaalis man lang, I want to run away pero hindi ko magawa.
"Tulong! Tulong! Miss!"
Nakarinig ako ng yapak---tumatakbong yapak, maya maya ay may pumasok sa kwarto kong babaeng nakaputi at may itim na jacket ang suot---she's not the girl who always enters my room, but she looks so familiar to me.
"Mr Park? Bakit po kayo nagsisigaw?"
Umiiling ako habang tinuturo ang pinto ng kwartong katapat ko, wala na 'yung kamay na kumakaluskos.
"Nakarinig ako ng kaluskos kanina, pakawalan niyo na ako dito!" Sigaw ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko at doon ko naalalang siya ang babaeng nasa panaginip ko kanina---ang babaeng tiga lobby.
"Kumalma nga po kayo, uminom na ba kayo ng gamot?" Napatingin siya sa side table at tinignan ako ulit. "Ininom niyo na pero hindi parin kayo natutulog, you should be sleeping right now." Sabi niya.
Umiling ako. "Asan siya?"
"Sinong siya?"
"S-Siya, 'yung nakaputing babaeng bumibisita sa akin gabi gabi para bigyan ako ng gamot, a-asan siya?" Nanginginig kong sinabi habang yakap yakap ang mga tuhod ko.
Kumunot ang noo niya. "Sinong babae? M-May babae?" Paulit ulit akong tumango at naglalaro na ang mga mata ko sa paligid, hindi ako mapakali.
"O-Oo."
"Nag iilusyon na naman kayo, walang babae, Mr Park. 'Yang gamot mo ay nakalagay palagi sa mesa, walang naghahatid niyan."
Napatigil ako at halos manlumo dahil sa narinig ko. "M-Meron, babae siya, nakaputi at may manipis na balat. Asan na siya?!"
Bumuntong hininga ang babaeng tiga lobby at tumayo. "Hindi parin kayo gumagaling, parang lumalala pa nga kayo, eh. Walang ibang taong nandito sa mga oras na 'to, Mr Park, ako lang at ang guard sa baba."
She made her way to the door and bid her last words to me. "And if you are talking about a nurse, walang babaeng nurse dito."
BINABASA MO ANG
The Haunt
FanfictionAt 3 o'clock in the morning, Park Chanyeol found it odd to wake up with the nightmare he's been having for days; little did he knew, it was fragments from his past that keeps haunting him, and now begs to see him suffer. © IamMarr 2015