Chapter 10

20 9 0
                                    

Justin's POV

I am on my way now to the men's restroom. I need to take a break in all of these lies. Mahirap, napakahirap ng sitwasyon ko ngayon, I thought that if I let go of her, it can make our situation better, but I'm wrong.

That if I distant myself to her and let her forget me can heal all the wounds from the past. All these years I've been lying, saying that I am okay, pretending that I forgot, and saying that I love another woman, but all of those denials in my heart and mind vanished when I saw her again, hindi galing sa malayo kundi sa mismong harapan ko na mismo. I tried to stop myself in calling her name the moment I saw her, but I lose. I said her name again after 4 long years, and when the moment our eyes met, I can see visible loneliness and sadness. We stared each other for a few seconds, gusto ko sana siyang lapitan but Inna called my attention, and the moment I looked back at her side, nawala siya ulit, nawala siya ulit ng hindi ko man lang namalayan.







Shani's POV

"Shani? Gurl ok ka lang ba?"

"A-ah Oo Roxy, ayos lang ako"

"Pansin ko kasi kanina ka pa ganyan simula noong bumalik tayo galing sa comfort room eh, parang naging matamlay ka bigla. May nagawa ba akong mali, or hindi mo nagustuhan? Tell me Shani, I won't get mad- oh sh*t! Nabahuan ka ba sa inilabas ko kanina sa inidoro? Naku~ Shani pasensiya ka na..."

"H-huh? Hindi yun Roxy, wala akong na amoy na mabaho kanina. Wala kang kasalanan."

"Sureness?'

Tumango ako sa kanya bilang pag sang-ayon.

"Sige na nga, di nakita kukulitin. Basta tell me if may maitutulong ako para gumaan yung pakiramdam mo, oki?"

"Salamat Roxy"

"You're welcome!"

______________________________________
After one week...

Papunta ako ngayon sa practice room namin, tinawagan kasi ako ni Fayeri kanina dahil sa meron daw kaming magiging performance next week, parte daw yun sa pag e introduce samin bilang new girlgroup. Malapit na din kase kami mag debut at maglabas ng album. Excited na excited ako ngayon, di mawala-wala yung ngiti ko habang naglalakad papuntang elevator ng biglang may bumonggo sa'kin. Kaya nawalan ako ng balanse, natumba at una ang pwet sa sahig.

"Naku! S-sorry miss hindi ko sinasadya. Teka, tulungan kita, sorry talaga" panay ang paumanhin sa'kin nung lalaking nakabangga-an ko, inilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan ako sa pagtayo, tinanggap ko naman ang tulong niya.

"Ayos lang, kasalanan ko din naman kase nawala saglit ang atensiyon ko."
Sagot ko nang makatayo na ako, doon ko palang nakita ang mukha niya. Matangkad siya, may maputing balat, may makapal na kilay at pilik-mata,  matangos na ilong at mapulang labi. May gitarang nakasampay sa may kaliwa niyang braso at nakasuot siya ng simpleng t-shirt na puti at maong na pants.

"Hindi miss, kasalanan ko talaga. Nagmamadali na kase ako eh, baka kasi sakmalin na ako ng buhay nung pinsan ko eh hahaha kaya ayan tuloy nabangga kita. Sorry ulit, teka wala bang masakit sa'yo? Dalhin kita sa ospital gusto mo?"

"H-hindi, hindi na kailangan. Ayos lang talaga ako, naiintindihan ko."

" Ah sige kung ganun salamat at sorry ulit.  Pano ba una nako huh, nagmamadali kase talaga ako eh."
Tumango nalang ako sa kanya habang siya naman ay agad na pumasok sa kabubukas lang na elevator. Doon ko lang narealize na kailangan ko din palang gumamit ng elevator ng magsara na ito. Naghintay nalang ulit ako sa susunod na pagbaba ng elevator.

Pagpasok ko sa practice room ay nalaman kong late na pala ako, kase lahat sila maliban sa akin ay narito na. Hindi ko tuloy ma iwasan na mahiya sa kanilang lahat. Ito pa naman ang una naming rehersal bilang grupo tapos ito late ako.

"Sorry po talaga sa inyong lahat, Fayeri sorry po...."  paulit-ulit ko na sabi habang nakayuko.

"You don't have to say sorry Shani... ayos lang"

"Yes Shani gurl, tama si Pressy. It's your first time naman eh kaya naiintindihan namin. Eh ito ngang si Mia at Mickey parating late."

"Well, di na kami aangal pa diyan Fayeri." -Mia

"Mas better if mag sa start nalang tayo...come on Shani, wag kanang malungkot, smile ok?" -Mickey

Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon sa kanila. Napaka swerte ko talaga dahil sa ang babait nila sa akin.

Nagsimula na kaming mag warm up ng mga boses namin. Nag hire kasi si Fayeri ng isang mahusay na vocal coach, at ang pangalan niya ay  Bernie. Isang half Filipino and half Australian.

Makalipas ng ilang minuto ay nagsimula na kaming papiliin kung anong kanta ba ang gusto naming kantahin next week, kailangan daw kase na may tig iisa kaming performance. It's either kakanta, sasayaw o magrarap kami. Tapos may performance din kami as a group kung saan ay kakanta kami.

"Basta ako girls, kakanta ako huh. Pinaki usapan ko pa naman yung pinsan ko na tumugtog ng gitara para sa'kin."- Mickey

"Pinsan? "- Roxy

"Oo pinsan, as in cousin ko!"

"Yun ba yong lalaking pogi kanina Mickey? Pinsan mo yun?"- Fayeri

"Unfortunately yes, at tsaka di yun pogi noh eww. Di ko nga alam bakit maraming nadadagit na mga babae at shokla yung pinsan kung yun ,eh mukha namang unggoy!" -Mickey

"Unggoy ka diyan! Gwapo yung pinsan mo, kung pwede nga eh aalokin ko siya na maging isa sa mga e hahandle ko, sure ako na sisikat yun"- Fayeri

"Nakita ko din siya kanina, bakit di kayo magkamukha Mickey? at tsaka di din kayo magkakulay, feeling ko di yun purong Pilipino." -Mia

"Di kasi kami totoong magpinsan eh, kumbaga cousin in law ko siya. Nag asawa kasi ulit si Tita Maribel ko na bunsong kapatid ni Papa, yun yung father ni PJ, at kung bakit siya maputi ay dahil american yung nanay niya na pumanaw na since 2 years old palang siya." -Mickey

"Ahh, kaya pala" -Mia

"Eh nasaan na ba yung pinsan mo?" -Fayeri

"Since ang tagal niya dumating kanina, inutusan ko munang bumili ng kape bwahahaha, nauto ko nanaman siya."

"Ang harsh mo sa pinsan mo Mickey" -Mia

"Hindi ah! Ganyan lang talaga kami mag asaran."

Tok-tok-tok...

"Oh prinsesa Mickey, ito na po ang mga kape na pinabili niyo" -PJ

"Ikaw?"

"Uy! Miss elevator!"

"Magkakilala kayo?" Sabay-sabay na wika nila maliban sa akin at nitong lalaking nakabanggaan ko sa elevator kanina.

#thewho?
Please Vote and comment:)

#thewho?Please Vote and comment:)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon