Chapter 1

71 24 17
                                    

(After 4 years)

Shani's POV

"Oh, mga sukiii~, isda kayo dyan! Bagong kuha pa ito sa lambat ngayong umaga, sariwang-sariwa, halina kayo at bumili mura lang." Masigla kong tawag sa mga mamimili dito sa palengke.

Matapos ko kasing umalis sa mansion nila Ma'am Inna ay binigyan niya ako ng isang milyon upang makapag simula ako ulit. Namasukan ulit ako bilang isang kasambahay sa loob ng dalawang taon ngunit nang malaman kong doctor pala ni Justin ang amo ko ay napilitan akong umalis at mag resign sa pagiging kasambahay ko doon, hindi naman sa nag iinarte ako pero ayaw ko na kasing bigyan pa ng kahit kaunting alaala ang aking sarili na tungkol sa lalaking minahal ko.

Ginamit ko ang perang ibinigay ni Ma'am Inna sa akin sa pagbili ng maliit na lupa at mga materyales sa aking maliit na bahay, ito rin ang ipinang simula ko sa aking negosyo at ang natitirang pera ay idinonate ko sa isang bahay ampunan dito sa aming lugar. Kaya ito ako ngayon at dalawang taon ng nagtitinda ng isda dito sa palengke.

"Inday Shani, magkano itong tilapia?" 
(naging palayaw ko dito sa palengke). Tanong ni Aleng Vilma sa akin habang may hawak na isda sa kanan niyang kamay.

"Ay murang-mura lang yan Aleng Vi, 100 ang kilo niyan." Sagot ko habang nakangiti sa kanya, bukod sa simula palang ng magtinda ako dito ay suki ko na siya, mabait din kasi si Aleng Vi. Kung minsan nga ay halos pakyawin niya ang mga paninda ko kapag may handaan sa kanila, hindi kasi sila kumakain ng karne dahil halos lahat ng myembro ng pamilya nila ay mag highblood kaya isda at gulay lang ang paborito nilang bilhen dito sa palengke.

"O sige bibili ako ng sampung tilapia paki kilo mo nalang " agad ko namang inasikaso ang mga bibilhin niyang isda at inilagay sa supot.

"Ito po yung mga tilapia Aleng Vi at tsaka sukli niyo po." Inabot naman niya agad ang supot na may lamang isda ngunit hindi niya tinanggap ang sukli, aniya pambili ko nalang daw ng bagong damit napansin niya siguro na butas-butas na at luma na ang mga damit na sinosuot ko araw-araw. Sinubukan kong tumanggi pero pinilit talaga niya na tanggapin ko nalang yung sukli.

"Ay nako po, maraming salamat po Aleng Vi. Hayaan niyo sa susunod na bumili kayo may discount po."

"Nako, hindi na kailangan iha, o siya aalis na ako, mag-iingat ka dito at pagbutihan mo pa ng pagtitinda."

"Opo, salamat po ulit."

Natapos ang araw ko at maswerteng naubos lahat ng paninda kong isda, gabi na rin nang maka uwi ako, natagalan kasi ako sa daan, naglakad lang din naman kasi ako dahil nagtitipid ako ng pera ngayon, kaya ayaw ko munang mamasahe sayang din kasi eh, matumal pa naman minsan ang tinda sa palengke.

Pagka uwi ko ay agad kong isinara ang nga bintana at pintuan para hindi makapasok ang mga lamok, ayaw ko din kasing bumili ng kulambo o katol dahil nasasayangan din ako sa pambili. Oo na aaminin ko na ako na ang kuripot, pero nay dahilan naman siguro ako na magkuripot dahil mahirap lang ako.

Pagkatapos kong sirhan ang mga bintana at pintuan ay nagwalis ako sandali ng sahig, pagkatapos ay nag saing na ako ng bigas at nagluto ng daing na tuyo tapos naghiwa ng isang kamatis galing sa maliit na garden ko sa likod ng bahay ko.

Mabilis kong naubos ang pagkain ko at naghugas ng mga pinggan, sinipat ko ang orasan ko sa dingding at nakita ko na maghahating gabi na pala kaya agad akong naglatag ng banig at unan sa sahig, sinigurado ko din na naka lock na ang pintuan bago natulog.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising mga alas kwatro palang nang umaga para pumunta na sa may gilid ng dagat at bumili ng mga isda na ibebenta ko sa palengke, binuksan ko muna ang alkansya ko at binilang ang pera ko na naroon, hindi hihigit sa labing- dalawang libo ang pera ko, kumuha ako ng dalawang libo para sa pangbili ko ng mga isda kong paninda.

T-shirt na kupas, lumang saya na hanggang tuhod at tsinelas lang ang suot ko ngayon.
Nagkanda takbo ako kaya natisod at nadaoa ako sa buhanginan, tiningnan tuloy ako ng ma tao roon, dinig ko din ang mga usapan nila sa likod ko, tatlong mga magagandang dalaga dito sa aming lugar na allergic sa panget na kagaya ko, sina Angel, Nishe, at Cathy, anak ng kapitan namin si Angel, si Nishe naman ay anak ng may-ari ng paupahan ng iba't ibang klase ng bangka dito sa amin, habang si Cathy naman ay anak ng isang mayamang negosyante na may-ari ng isang resort.

"Tingnan niyo gurls, kung may mga sinuwerti sa buhay tulad natin may mga minalas naman, panget na nga, mahirap pa at lampa pa." Sabay tawa ni Nishe.

"Yes Nishe, you're right haha, tingnan mo nga yung damit parang basahan." Sagot naman ni Cathy.

Dinig ko din ang bulungan ng mga mangingisda na binibilhan ko ng isda ko na paninda. "Nako kawawa naman si Inday Shani"

"Oo nga, kaya lang hindi natin sya matutulungan kasi nandyan yung_" naputol sila sa pagsasalita nang magsalita si Angel.

"Ano!? Na aawa kayo sa kanya? Sige tulungan niyo, alam niyo naman siguro kung ano ang pwede naming gawin sa inyo?" sigaw ni Nishe sa kanila.

Dahan-dahang tumayo ako at hindi nalang sila pinansin, sanay naman na ako sa mga sinasabi nila sa akin. Simula palang noon ay tanggap ko na ang aking kapalaran na maging isang malas na pangit at mahirap. Kaya nga ang isang tulad ko ay hindi nababagay na mahalin pabalik ng taong mahal ko dahil hindi namn talaga ako kagusto- gusto.

Naglakad-lakad ako dito sa tabing kalsada ng may babaeng nahimatay di kalayuan kung saan ako nakatayo, agad ko naman itong pinuntahan at nagulat ako sa aking nakita.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon