Chapter 4

53 21 15
                                    

Shani's POV

"Ano ba talagang nangyare sa'yo girl? Bakit ka nahimatay kanina?" Nag-aalalang tanong sa akin ngayon ni Fayeri.

"Napagod lang siguro ako, wag kanang mag-alala sa'kin. Salamat nga pala sa pagtulong mo sa'kin Fayeri huh."

"Naku wala yun ano ka ba, maiba tayo. Ang galing mo palang kumanta noh? Nakita kita kanina sa contest, sayang at hindi ka nanalo, siguro may daya yun. Ang galing mo kaya, para sa akin ikaw winner don. Grabe sa hinhin mong kumilos at mahina mong boses kapag nagsasalita di mo aakalain na ang taas-taas pala ng boses mo kapag kumakanta!"

"Ah eh salamat"
Tipid kong sabi sa kanya, medyo nahihiya kasi ako di kasi ako sanay na pinupuri.

"Gusto mo bang maging sikat na singer? Alam mo may binubuo ako ngayong girlgroup, pwedeng pwede kang sumali Shani girl."

"H-huh? Ako? Naku wag na Fayeri, mahiyain ako."

"Ano ka ba, mahihiya ka ngayon pero masasanay ka rin naman, tutulungan kita. Trust me akong bahala sa'yo."

"Hindi talaga Fayeri pasensiya na."

"Ganito nalang, ibibigay ko sa'yo calling card ko tapos tawagan mo ko kapag nagbago na isip mo."  Kinuha niya sa bag niya yung card tapos ibinigay sa'kin kahit na anong tanggi ko mapilit parin si Fayeri kaya tinanggap ko nalang.

"Sige Fayeri, alis nako baka nakaka-abala nako sa'yo. Maraming salamat ulit."

"Naku hindi ka nakaka-abala, keribells lang noh. Tsaka tinulungan mo rin ako noon kaya deserve mo na tulungan din kita."

Matapos kong maka uwi ng bahay ay nagluto ako ng makakain, pagkatapos kong kumain ay na alala ko na naman siya. Kumusta na kaya siya? Apat na taon ko din siyang di nakita, siguro mag-asawa na sila ni Ma'am Inna. Naku ano ba tong iniisip ko, ano naman sa'kin ngayon kung mag-asawa na sila. Wala naman nakong parte sa buhay niya ngayon, hindi na niya ko na aalala.
.
.
.
.
.
.
.
(Justin's POV)

Magaling pa rin siyang kumanta tulad ng dati, gusto ko siyang lapitan kanina at kumustahin pero di ko pwedeng gawin. Umalis muna ako para maiwasan kong lapitan siya. Ayaw kong masaktan na naman siya ulit ng dahil sa'kin. Matagal ko na naman ng tinanggap na hindi kami pwede sa isa't isa. Ayaw ko nang guluhin ang buhay niya, sapat na sa'kin ang makita siyang muli kahit sa malayo. Masaya na ang puso ko.

Kanina nung  bumalik ako doon para sunduin si Inna ay nakasalubong ko siya sa daan. Di ko alam kung nakita niya ko sa loob ng sasakyan. Bakit ba siya nagpapa ulan don? baka magkasakit siya, nakita ko siyang hinimatay sa daan. God knows how hard for me to stop myself para tulungan siya. Nawala lang ang pag-aalala ko ng nakita kong may babeng lumapit sa kanya para tumulong. 

"Babe? Bakit kanina ka pa ata tulala? Masakit nanaman ba ang ulo mo?"
Tanong ni Inna sa'kin.

"No I'm ok, siguro pagod lang sa office."

"I know it is very difficult to handle a company na nag-iisa ka lang. If you want we can adjust the date of our marriage and make it earlier, maybe we can adjust it next month, para kapag mag-asawa na tayo ay tutulong na ako sa'yo sa company and I will quit showbiz."   Sabay yakap niya sa'kin.

"I think we don't need to rush things Inna, you must focus on your career first. We can get married next year, let's just get our goals in life first so that we can't have regrets in the future. Di ba napag-usapan na natin yun noon?"

"Yeah, I think your right but sometimes I can't help it. You know how much I love you right? Since then, I want to be your wife, I want to be called Mrs. Marquez."

"Yes I know, your my fiance now no need to worry. Come on let's sleep."

"Oh, okay."


Makalipas ng apat na taon, alam ko pa rin sa sarili ko na hindi nagbago ang tinitibok nitong puso ko. I may have a fiance right now, but my heart knows that she is not the woman that I wanted, she is not the one whom I love.



I'm still inlove with my Shani...

I'm still inlove with my Shani

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon