Chapter 6

36 16 0
                                    

Shani's POV

"Now ladies and gentlemen I present to you the new version of Shani, let's give her a round of applause.."  Sabay na pumalakpak sina Fayeri at Mia paglabas ko, pareho silang nakangiti habang pinupuri ako.

Nakasuot ako ngayon ng pink na dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko ang haba tapos may mga palamuting maliliit na mga perlas, pinag suot din ako ni Mia ng pearl necklace at sa paa naman ay puting sapatos.

"Nakakahiya naman yung pag pagpapakilala mo sa'kin kanina Mia."

"No, don't be shy Shani... you're so gorgeous."

"Yes, Mia is right Shani you look innocent but hot at the same time, Rawr..." sabi ni Fayeri habang may pa action na parang isang lion na mananakmal.

Natawa naman kami ni Mia sa ginawa niya. Pagkatapos na masukat ko lahat ng mga napiling damit ni Mia para sa akin ay umuwi na kami ni Fayeri, sabi niya huwag daw akong mag-alala sa mga gagastusin sa mga damit dahil ang kompanya nalang daw ang bahala doon tutal naman ay para sa artist naman nila ang mga binili.

Siyempre hindi ko kinalimutan na magpasalamat ng marami kay Mia at Fayeri sa dami ng naitulong nila sa akin. Ipinangako ko na gagalingan ko ang pagkanta at hindi ko sila bibiguin sa oras na mag perform na ang grupo namin.

Bago naman ako ihatid pauwi ni Fayeri ay sinabi niya na bukas ay maaga niya akong susunduin para makilala ko ang iba ko pang mga kasama sa girl group namin. Kinakabahan ako ng konti pero mas excited akong makilala sila, sana maging mga magkaibigan kami.
.
.
.
.
.
.
.
Inna's POV

"Mr. Ramos, I want your service right now. Maaasahan ba kita?" Kasalukuyan kong kausap ngayon sa telepono ang private investigator ko, gusto kong manmanan niya ang bawat kilos ng babaeng yun.

"Yes ma'am Inna, maaasahan niyo po ako. Ano po bang ipapatrabaho niyo ngayon?"

"Hindi ANO kundi SINO... you need to keep an eye to every move of the girl named Shani Dela Cruz, tell me all of her doings and make sure na hindi siya makakalapit kay Justin."

"Opo ma'am areglado po, ako bahala."

"Good"

"Eh, paano po ma'am kung magtangka siyang lumapit kay Sir Justin?"

"Simple, you must shoot her immediately if she tries to go near into my fiancè. I don't care if she dies. Don't worry I will double the price if that will happen."

"O-okay po ma'am Inna."

"Make sure nobody will know about this or else ikaw ang mabubura sa mundo Mr. Ramos."

"Don't worry ma'am, I will keep this mission a secret I won't tell this to anyone."

I ended the call and walked upstairs to check on what my fiancè is doing, but as I entered to his room I saw him peacefully sleeping. I decided to don't disturb him. I go back into my room and tried to sleep but I can't because I can still remember the day that I meet again that ugly girl, the girl that might ruin all of my hardworks and sacrifices that I've exerted just to get Justin.

All this years akala ko ay nasa malayong lugar na ang babaeng yun. Binayaran ko pa naman siya ng malaking halaga para lang makalayo na siya sa amin ni Justin, pero nasa malapit lang pala siya. Hindi dapat siya makita ni Justin, lalo na ngayon at may kakaunti na siyang naaalala sa past niya. Hindi ako papayag na mawala si Justin sa'kin, hindi siya nababagay sa babaeng pangit na yun.  Kami lang ni Justin ang bagay sa isa't isa, parehong mayaman at may magandang mukha. Ako na ngayon ang babae sa buhay niya dahil fiancè na niya ko and soon to be his wife. Ako ang mag mamay-ari sa titulong Mrs. Justin Ferdinand Marquez.

 Justin Ferdinand Marquez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon