Chapter 7

33 15 0
                                    

Shani' POV

Lumipas ang isang linggo na puro paghahanda sa aking sarili ang ginawa namin ni Fayeri. Pagkatapos kasi naming pumunta sa parlor at fashion shop ni Mia ay pumunta kami sa mall, binilhan ako ni Fayeri ng cellphone, ayaw ko sanang tanggapin kaso sabi niya kailangan iyon para agad niya akong makausap kapag nagsimula na kaming mag practice. Sa mga sumunod na araw naman ay nagpa facial rin ako, bumili ng mga skincare products at syempre ng mga make-up, tinuruan din ako ni Fayeri kung paano mag apply ng make-up pero yung mga basic lang. Mas maganda daw kasi na alam ko kung paano mag ayos sa sarili, at napag-isipan ko din na panahon na para alagaan ko naman ang sarili ko. Ito na ang simula ng pagtupad ko sa pangarap ko noon, ang maging isang mang aawit.

Tinininin~ Tinininin~
(Tunong ng cellphone)

"Hello po?"
"Shaniii, nasa palengke ka ba ngayon?"
Si Fayeri pala tong tumawag.
"Ah Oo, bakit?"
"Ngayong araw na kasi napag desisyunan na magkita-kita na kayo ng mga ka grupo mo, so ano pwede ka ba ngayon pumunta dito sa opisina ko?"
"Ah ganun po ba, sige po Fayeri malapot na din naman maubos tong paninda ko, marami din kasing nabili si aling Vilma kanina eh."
"Mabuti naman, sige Shani aasahan kita dito mamaya, after lunch ka nalang pumunta dito"
"Sige po Fayeri."
"Bye Shani gurl!"
"Bye Fayeri"

(End call)

Matapos ng tawag ay agad kong isinilid sa bayong ko yung mga tirang isda, uulamin ko nalang to mamayang gabi. Tapos kinain ko na yung baon kong pananghalian para makapunta na ako sa opisina ni Fayeri, nakakayiha kasi na malate ako.

(@Fayeri's Office)

Tok...tok...tok...

"Come in..."

"Magandang tanghali Fayeri"

"Uy ang aga mo Shani, halika maupo ka"

"Ayaw ko din kasing malate Fayeri nakakahiya at tsaka gusto ko na din makilala yung iba pang mga kasamahan ko, bukod kasi kay Mia wala na akong alam."

"Hay naku Shani gurl, wag kang mahiya... by the way alam kong excited na din yung mga ka grupo mo na makilala ka, you know mga friendly din kasi yung nga iyon eh, may mga saltik nga lang kung minsan bwahahahaha"

"A-ah hahahaha, ganon po ba..."

Bogsh!...

Natigil ang pag-uusap namin ni Fayeri ng may kumalabog bigla sa likod namin.

"ANONG MAY SALTIK FAYERI? SA GANDA KONG TOH? NEVER!..."

Isang babaeng morena na maganda ang nasa harapan na namin ngayon. Nakasuot siya nga dress na kulay dilaw habang naka tirintas ang kulay brown niyang buhok.

"Uy himala ang aga mo ngayon Mickey mouse ah, ano nakain mo?"

"Nabusog kasi ako kakatitig kay Doc eh..." sabay hawi ng buhok niya sa may tenga na para bang kinikilig.

"Hoy jusko Mickey! Kumalma ka lang gurl..." sagot naman ni Fayeri sabay madramang pag hawak sa kanyang dibdib.

"Teka iniiba mo ang topic Fayeri eh, mamaya na muna natin pag usapan yung yummy kong doktor, bakit mo sinabing may saltik kami?"

"Ah- hahahaha, n-nabigla lang a-ako kanina oo tama hahaha nabigla lang ako kaya ko yun nasabi, kumalma kalang hihi"

"Che! Palusot 101 pa more Fayeri. Oh san naba sina Mia at yung iba pang girls?"

"Malamang mga late nanaman, mga dakilang taga sunod yun ng Filipino time pati ikaw, nabigla nga ako eh dahil ma aga ka ngayon."

"Well... iba kasi kapag inspired ka eheh"

"Eh sampung taon na niyang crush si doc hanggang ngayon basted pa din" bulong ni Fayeri sa gilid, pero di ko alam kung bulong pa ba yun eh rinig parin naman.

"Fayeri nananapak ako ng manager..."
Banta ni Mickey, sabay nag peace sign naman si Fayeri.

"Maiba tayo, Mickey meet Shani, Shani meet Mickey."

"Huwattt??? Magiging ka grupo ka namin? Wow! Hello ang pretty mo naman, ang ganda pa ng buhok mo, ano shampoo mo, share mo naman, sharing is caring veh."

"A-ah salamat, iba iba kasi shampoo ko eh, kahit ano basta mura."

"Ah ganun ba, siguro dapat iba't ibang shampoo din gamitin ko."

"Teka maupo ka muna Mickey habang hinihintay natin yung iba." Singit na Fayeri.

"Oki!" Magiliw na sagot ni Mickey, bago umupo.

After 20 minutes....

"Hello beautiful ladies! Mia the prettiest is here na, wait nasan yung iba, himala ata at hindi ako yung pinaka late whahahaha.."

"Ewan ko din at bakit natagalan yung iba, naku~ makukurot ko talaga sila sa singit."

"Kalma ka lang Fayeri, Kalma..."

"Hay naku... inhale... exhale..."

Umopo naman sa tabi ko si Mia at binati ako at kinumusta niya din kung ayos lang ba yung mga damit na binigay niya sa'kin, sabi ko ang ganda lahat sabay pasalamat na din kasi binigyan niya ko ng mga magagandang damit na ngayon ko lang naranasan na soutin.

Makalipas ng ilang minuto ay bumukas ulit ang pinto at pumasok ang dalawang babaeng magka iba ang aura, yung isa naka salamin, parang matalinong mataray na napaka pormal at yung isa naman ay may mapaglarong ngiti sa kanyang mapulang labi, na may magaan na aura at nakasuot ng sexy na damit kahit na medyo malaman ang kanyang katawan ay sexy parin tingnan, pero para sa akin pareho silang nagtataglay ng magagandang mukha.

Sino kaya sila?

Sino kaya sila?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon