Chapter 5

47 18 0
                                    

Shani's POV

Matapos kong bumili ng mga isda na ibebenta ko sa palengke ngayong araw ay napagdesisyunan ko na mag half day lang dito sa palengke. Pinag-isipan ko na to kagabi, pumapayag na ako sa alok ni Fayeri sa'kin. Panahon na siguro para ipadinig ko sa maraming tao ang boses ko, ayoko nang magtago lang sa dilim at hayaang maliitin ng ibang tao. Gusto ko nang abutin ang noon ko pang pangarap, ang maging isang mang-aawit.
.
.
.
.
.
.
.
(@Fayeri's Office)

"Naku~ Shani di mo alam kung gaano ako kasaya na sa wakas ay pumayag ka na din na sumali sa girlgroup na bubuoin ko."

"Wala po yun Fayeri, napag-isipan ko na itong mabuti kagabi...salamat at inalok mo sa akin ang isang napakalaking bagay na ito sa akin."

"Ano ka ba, dapat ako ang mag thank you sa'yo dahil magiging malaki ang ambag mo sa grupo, sa ganda at taas ng boses mo sure ako na sisikat kayo, oh my gosh ahhh..." Tili ni Fayeri na parang inaasinan.

"Nakakahiya naman pero paano po kami sisikat kung ganito yung itsura ko, baka ako pa yung maging dahilan kung bakit hindi kami magustuhan ng mga tao." Sabay yuko ko.

"It's a big NO NO Shani, maganda ka at mas may ikagaganda ka pa, kaya halika na at sisimulan na natin ang transformation mo para hindi ka na bitter at nega."

"P-po? San tayo pupunta Fayeri?"

"Eh san pa ba? Eh di sa parlor at tsaka pupuntahan din natin yung fashion designer na magiging ka grupo mo din para ayusan ka, let's go~skrrrrttt"
.
.
.
.
.
.
.
(@ the parlor)

"Magandang umaga Fayeri, ano at napadalaw ka?" Tanong nung bakla na parang may-ari ata ng parlor na ito.

"Naku~ Ruperto, kasama ko yung- aray ano ba!"
Hindi na natapos ni Fayeri ang sasabihin niya dahil kinurot siya nitong nag ngangalang Ruperto.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na Rapunzel ang name ko, erased na si Ruperto noh." Maktol ni Ruperto kay Fayeri

"Eh sa yun ang gusto kong itawag sa'yo eh para mainis ka parati Hahahaha."

"Ah ganon, sige tsupi kana dito sa parlor ko, bawal ka nang bumalik dito ever!"

"Sus, ikaw naman Princess RAPUNZEL di mabiro, ang ganda mo today hihi"

"Ayan ganyan, good" sabat naman ni Ruper- ay RAPUNZEL pala.

"By the way, ito nga pala si Shani. She's one of my new recruit singer, alam mo naman na bumubuo ako ngayon ng girlgroup kaya gusto kong ayusan mo siya, ikaw na pumili ng nababagay na hairstyle sa kanya total diyan ka naman magaling."

"Oh ok, madali lang yan. Ahm hello sa'yo Shani, sorry kanina at nag rambulan pa kami nitong si Fayeri sa harapan mo huh, inngit kasi yan sa beauty ko." Nakipag kamay ito sa akin kaya tinanggap ko naman agad.

"Hoy hoy hoy... anong inggit? Over my sizzling hot curvaceous sexy body." Singit naman ni Fayeri.

Napa ismid nalang si Rapunzel sa kanya sabay hila sa akin sa may upuan na nakaharap sa malaking salamin para ayusan na ang buhok ko.

Matapos ng dalawang oras ay nagulat nalamang ako sa ganda ng pagkaka kulot ng buhok ka, sabi ni Rapunzel ay permanenteng may natural na kulot ang buhok ko sa loob ng isang taon. Napa nganga nalang ako, halos di ko akalain na yung dating dry at pangit kong buhok ay gaganda ng ganito.

"Naku~ you're so beautiful Shani, bagay na bagay sa'yo yang hairstyle na yan para kang diyosa I love it." Puri sa akin ni Fayeri na parang nagniningning ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Nakakahiya naman Fayeri, ikaw itong mukhang diyosa hindi ako pero salamat sa papuri mo."

"Ano ka ba, you're welcome. So pano ba, punta naman tayo sa botique ni Mia para ma ayusan ka niya ng bonggang-bongga, magaling yun basta fashion ang usapan."

"S-sige Fayeri, ikaw ang bahala."

Bumaling naman ako kay Rapunzel at nagpasalamat ulit sa kanya bago kami umalis para puntahan yung fashion designer.

Umabot ng kalahating oras ang biyahe namin, pagkadating namin ay napansin ko ka agad ang malaking karatula na MIA FASHION BOTIQUE na may picture ng babaeng may sobrang gandang ngiti.

"Halika na Shani, naghihintay na sa loob si Mia."

Tumango ako at sumunod na kay Fayeri sa loob. Namangha ako sa ganda ng lugar pagpasok namin, puro mga magagandang desensyo ng mga damit ang naroroon.

"Mia? Mia? Hello gurl nandito na kami yuhoo..."

Tawag ng tawag si Fayeri kay Mia pero hindi pa din ito nagpapakita sa amin.

"Naku! Umalis na naman ba yung babaeng yun? Parati nalang talaga, parating Missing in action. Lagot talaga yun sa'kin. Matawagan nga..."

Kinuha ni Fayeri ang cellphone niya sa bag at nag dial, matapos ng maka ilang ulit na ring ay sinagot na yung tawag niya.

"Hoy babae, nasaan ka na naman huh? Nandito na kami sa shop mo. Bakit ka umalis eh alam mo naman na pupunta kami ngayon, nakaka asar ka talaga bruha ka..." Nang gigigil na sabi ni Fayeri habang naka kunot na ang noo niya sa inis.

"Ok sige, hindi mo naman sinabi na emergency pala yang pinuntahan mo maghihintay nalang muna kami dito. Sige bye, ingat ka."

Ayun nga, naghintay kami ni Fayeri ng mga dalawang oras bago dumating yung fashion designer.

"Sorry talaga Fayeri emergency kasi yun eh, you know naman how I value my family right?" Bungad sa amin nung Fashion designer na nag ngangalang Mia.

"Ok alam ko naman yun, you're forgiven."

"Thank you Fayeri you're the best manager talaga." Sabay yakap niya kay Fayeri.

"Oo na, pakawalan mo nako, by the way this is Shani siya yung bago kong recruit na singer, magiging ka group mo na siya Mia. So I want you to pick the right clothes for her, make her more beautiful..."

"Okay no problem, madali lang yan cause Shani is pretty na din naman eh, konting ayos lang and you're ready to rampa na. Ay! hindi pa pala ako nakakapag pakilala, my name is Manuela Ida Arrabel but you can call me Mia, 22 years old, I'm single but hot as hell, nice to meet you."

Sabay lahad niya sa akin ng kamay niya.
Tinanggap ko naman ito agad.

"Ah, hi Mia ikinagagalak kitang makilala ako nga pala si Shaina Inez Dela Cruz, Shani for short."

"Well let's go, time is gold kaya start na tayo excited na kong ayusan ka I have many ideas on my mind kung paano kita dadamitan."

Nagpahila nalang ako kay Mia at hinayaan kong isuot niya sa'kin yung iba't ibang damit na puro lahat bago sa paningin ko, lahat magaganda at tiyak ako na mamahalin.

Babagay kaya sa akin tong mga damit nato?

Babagay kaya sa akin tong mga damit nato?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon