Chapter 20: Sacrifice

3K 168 11
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula noong nakauwi ako sa mga Acuesta.

Tatlong araw na rin ang lumipas simula noong kausapin ako ni Kuya Renzo tungkol sa plano nila sa Underworld at hanggang ngayon ay wala akong maibigay na sagot sa nais nila. They wanted to disband the organization. And for that to happened, they need a Valderama. They need me, Cindy Jamaica Valderama, to participate.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Serene?"

Napakurap ako at mabilis na binalingan si Ate Miracle na ngayon ay nasa pintuan ng silid ko. Nakatayo ito roon at matamang nakatingin sa akin.

"Maayos na, Ate Miracle. May kaunting kirot sa tagiliran ko, but I can manage," ani ko at umayos nang pagkaupo sa kama ko. "Si Kuya Renzo?" I asked her.

"Umalis ito. Ang sabi sa akin kanina ay magkikita raw sila ni Charles," sagot nito sa akin at lumapit sa kama ko. Maingat itong naupo rito habang matamang nakatingin pa rin sa akin. "Kuya Renzo told me about their plan. Serene, kung ayaw mo sa pinaplano nila, hindi ka nila pipilitin. It's your choice. Hindi rin naman ako payag dito pero nasa iyo ang desisyon, Serene. I know they can manage to proceed with their plan without you. Don't think too much about it. Don't pressure yourself."

"Alam kong hindi naman nila ako pipilitin na sumang-ayon sa nais nila, Ate." Mahinang sambit ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Pero... kung mawawala ang Underworld, matatahimik na po ba ang pamilya natin?"

Maingat na umiling si Ate Miracle sa akin na siyang ikinatigil ko.

"No, Serene. Mababawasan lang ang alalahanin ng mga pamilyang kasali sa organisasyon. Underworld is a big organization. Kung makukuha nila ang boto mo bilang heir ng Valderama Clan, ang branch lamang dito sa Pilipinas ang mawawala. Mag-eexist pa rin ang Underworld sa ibang parte ng mundo."

Napaawang ang labi ko sa narinig.

"Kung hindi lang sana bibitawan ni Adam Zamora ang posisyon, paniguradong hindi magkakagulo sa organisasyon ngayon. Adam really did a good job leading the Underworld. And now that he decided to leave his position, some members of the organization will surely do the dirty job to claim the vacancy."

"Just like the Pacheco."

Tumango si Ate Miracle at hinawakan ang kamay ko.

"The Pacheco can't lead the organization. Hindi sapat ang resources ng pamilya nila upang mahawakan ang Underworld. They need more than just their family name to rule the organization."

"And the Santiago?" I asked her. Alam kong sinabi na ito ni Charles sa akin noon pero gusto kong marinig ito mula sa pamilya ko. I need to think carefully before giving my answer to my brother. And I think it's better to hear things from my own family rather than some stranger I just met a couple times only.

"Stanley Santiago declined the position."

"And Kuya Renzo doesn't want the position, too." I stated.

"Cause Kuya Renzo wanted to leave the organization. Matagal nang nais umalis ng mga Acuesta sa organisasyon ngunit dahil sa mga batas na mayroon sa loob nito, hindi kami basta-bastang makaalis dito."

"Rules? What kind of rules, Ate Miracle?" I curiously asked my sister.

"Before leaving the organization, a clan or a family must have a sacrifice." Seryosong sambit nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Sacrifice?" Tanong kong muli dito.

"Life, Serene. We must sacrifice a life for us to leave peacefully."

Tahimik akong nakatayo sa harapan ng bintana ng silid ko habang inaalala ang naging pag-uusap namin ni Ate Miracle tungkol sa Underworld. Napailing ako at napabuntong-hininga na lamang. Sacrifice. They need to sacrifice someone's life para makawala sa kung anong kontratang mayroon sila sa organisasyon. How cruel. Sino ba ang gumawa ng rules nila?

Fairy Tale No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon