Chapter 37: Help

2.5K 154 13
                                    

Growing up, all I wanted was a happy family.

Noong namatay si mommy, I saw how my father suffered. I witnessed it all. At noong nagpakasal ulit ito, nakita ko ang tuwa sa mga mata nito. My father loved his second wife, Estrella Crisostomo Romero. Ayaw ko mang aminin, alam kong masaya ito sa bagong pagmamahal na natagpuan niya. Estrella and her daughters, Alexandra and Cassandra, moved in and my dream to have a happy family started to fall out.

Estrella and her daughters, especially Alex, were never happy with my existence. Mabait lang ito kapag kasama namin si daddy at kapag abala ito sa negosyo nang pamilya, halos palayasin nila ako sa sariling pamamahay.

At lahat ng iyon ay tiniis ko. Lahat ng masasakit na salitang binitawan nila sa akin, lahat ng insulto, kinimkim ko ang mga iyon. Ni hindi ko sila magawang isumbong kay daddy. Why? Because I don't want to hurt him again. Ayaw kong maging dahilan na naman nang kalungkutan ng sariling ama. He loved Estrella and I don't want to see him suffer again.

"She's awake."

Napakunot ang noo ko noong makarinig ako ng boses sa paligid. Hindi muna ako nagmulat nang mga mata at pinakiramdaman muna ang sarili. Medyo nahihilo pa ako ngayon kaya naman ay minabuti kong pumikit na lang muna.

Mayamaya lang ay nakarinig muli ako ng panibagong boses at noong bumagsak ang katawan ko sa malamig at matigas na sahig, napadaing ako. I tried to move but I failed. Palihim kong iginalaw ang kamay ko at noong mapagtantong nakatali ang mga ito, pati na rin ang magkabilang mga paa ko, iminulat ko na ang mga mata ko.

"I told you. She's awake." Napabaling ako sa nagsalita at natigilan noong makitang si Ira Serene ito. Hinawakan nito ang braso ko at mabilis na hinala ako. Hindi ako umimik hanggang sa maitayo muli nito ang upuan kung saan ako nakagapos ngayon. Matamang ko lang tiningnan ito at noong sampalin niya ako, mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. "If you're hurting, scream, Valderama." Anito at hinawakan ang baba ko. Hinarap niya ako sa kanya at nginisihan. "Nakakairita ang pagmumukha mo."

"Serene, stop it."

Napaayos nang tayo si Ira Serene at marahas na binitawan ang baba ko. Hinarap nito ang bagong dating at namewang sa tapat nito.

"Can't we just kill her?" Tanong ni Ira Serene na siyang  ikinatigil ko. Wala sa sarili akong napatingin sa kausap nito at napalunok na lamang noong makitang si Kingston ito. My father's younger brother.

"We can't kill her, Serene. Wala pa sa atin ang red book, darling." Ani Kingston at nilapitan si Ira Serene. Hindi ko inalis ang paningin sa dalawa at tahimik na pinagmasdan lang ang mga ito. Maingat na hinaplos ni Kingston ang mukha ni Ira Serene at inilapit ang mukha nito sa babae. "Patience, darling. Patience. We're almost there." Dagdag nito at hinalikan sa labi si Ira Serene.

"I want my revenge now, Kingston," ani Ira Serene at inilapit ang katawan sa lalaki. "Pababagsakin ko silang lahat."

Ngumisi si Kingston at muling hinalikan si Ira Serene. Hindi ko pa rin inalis ang paningin sa dalawa at noong matapos na sila sa ginawa nila, binalingan ako ni Kingston.

"Hello there, dearest niece." Anito at naglakad papalapit sa akin. Hinawakan nito ang pinsgi ko at mahinang tinampal ito. "If I didn't memorize every facial features of Serene, pagkakamalan kitang ikaw siya. Magkamukha talaga kayong dalawa."

Hindi pa rin ako nagsalita at mabilis na inilayo ang mukha sa lalaki. Masama ko lang itong tiningnan at noong mabilis niya hinawakan ang ulo ko at muling inilapit sa mukha niya, mabilis akong napamura sa harapan niya.

"You cursed," he laughed. "That's much better than being cold and silent." Sambit nito at binitawan na ako. Binalingan nitong muli si Ira Serene at naglakad papalapit muli sa babae.

Fairy Tale No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon