Chapter 3: Acuesta

5K 266 8
                                    

Tahimik at 'di pamilyar na silid ang bumungad sa mga namamaga kong mga mata.

Mahina akong napamura noong makaramdam ako nang matinding sakit sa tagiliran ko noong akmang uupo ako mula sa pagkakahiga. Fvck! Mabilis akong umayos muli nang pagkakahiga at mariing ipinikit muli ang mga mata. I stay still. Huminga ako nang malalim at dinama ang sakit ng katawan.

Anong nangyari sa akin?

Ilang minuto pa akong nanatiling nakapikit hanggang sa may narinig akong mga ingay. Gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit wala akong sapat na lakas para gawin iyon. Mayamaya pa'y narinig ko ang ang pagbukas ng pinto ng silid.

Someone's with me right now. That's for sure.

"Is she okay? It's been two days?"

I froze when I hear a voice. A woman. Sila ba ang nagdala sa akin sa lugar na ito? At ano raw? Two days? Dalawang araw na akong nakaratay dito?

"Let's pray for her to wake up first, Madame. " A man voice filled the whole room.

Madame?

"Call me immediately if she finally wakes up."

"Yes, Madame."

Ilang minuto lang ay tumahimik muli ang silid na kinaroroonan ko. Dahan-dahan kong iminulat

ang mga mata at pinanaw ang pinto ng silid.

"So, you're awake."

Mabilis akong napabaling sa gawing kanan ko noong marinig ko ang boses na iyon. Napangiwi ako noong mamataan ko ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa isang upuan at may hawak na baso ng tubig. Seryoso itong nakatingin sa akin at dahan-dahang naglakad palapit sa gawi ko.

"Water?" tanong nito sa akin. Kusang tumango ang ulo bilang tugon sa kanya. Kita kong inilapag nito ang hawak na baso sa mesa malapit sa kama ko at dahan-dahang inalalayan ako.

"Fvck," halos walang boses na sambit ko. Napapikit ako at hindi gumalaw. Ang sakit ng katawan

ko!

"Move slowly, young lady. Kailangan mong maupo para makainom ka."

Gusto kong maiyak ngunit mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay pa. I can endure this pain. I can!

Noong makaupo na ako nang maayos, inabot muli ng lalaki iyong baso ng tubig at inilapit sa labi ko. Tiningnan ko muna ito bago uminom.

"Easy," anito noong mabilis kong inubos ang tubig. Sa tanang-buhay ko, ngayon lang ako naging aggresibo sa pag inom ng tubig! Tila ba'y tuyong-tuyo ang lalamunan ko at ngayon lang ito nabasang muli! "You're done?" tanong ng lalaki noong maubos ko ang isa pang baso ng tubig na ibinigay niya. Tahimik akong tumango sa kanya at nag-iwas nang tingin.

"Gusto mo bang mahiga ulit?" he asked me again. Tumango ulit ako bilang sagot sa kanya. Kahit nabasa na ng tubig ang lalamunan ko, masakit pa rin ito. I don't think na makakapagsalita ako nang maayos.

Gaya kanina, tinulungan niya akong mahigang muli. At noong naging komportable na ako sa puwesto ko, umalis ito sa tabi ko at inilapag ang hawak na baso sa mesang nasa loob ng silid.

"Alam kong hindi mo pa kayang magsalita, but I want you to know that you're safe here," anito at nilingon ako. "Ang magkapatid na Acuesta ang nakakita sa'yo sa daan. Walang malay at inaapoy ng lagnat."

Nanlamig ako sa narinig. Wala akong matandaang may tumulong sa akin pagkatapos kong umalis sa mansiyon namin. All I remembered was I cried my heart out that night. Iyon lang.

"Dalawang araw kang walang malay kaya naman pinabantayan ka ng magkapatid sa akin."

"Tha... thank you," nanghihina kong sambit dito. Kita kong natigilan ito at nginitian ako.

"You're welcome," anito at nilapitan muli ako. "Magpahinga ka lang muna dito sa silid. I'll inform the Acuesta that you're awake now. Tiyak kong nag-aalala na ang mga ito sa kalagayan mo."

Mariin kong ipinikit ang mga mata noong tuluyan nang lumabas sa silid ang lalaking kausap ko kanina. Ni hindi ko man lang natanong kung anong pangalan nito. Basta na lamang akong nagpasalamat sa pag-aalaga nito sa akin.

"Tita, please. I beg you! Nasaan si daddy? I need to see my dad!"

"Go home for now, Cindy! Hindi ka kailangan ngayon ng daddy mo!" Mariing sambit ni Tita Estrella sa akin at hinawakan ako sa braso. Hinila niya ako palayo sa ICU kung nasaan ang aking ama!

"Tita! Please! I need to see my dad!" Nagpupumiglas ako ngunit masyadong malakas at madiin ang pagkakahawak sa akin ni Tita Estrella. No! I need to know if my dad is okay! Tatlong araw ko na itong hindi nakikita! I have all the right to know where my father is! And he needs me! Ako ang tunay na anak nito at hindi sila Alex and Cassie!

"Huwag matigas ang ulo, Cindy! Now, go home and wait for us! Ako ang bahala kay Salvador!" Mariing sambit nito sa akin at sapilitang pinasakay sa sasakyan namin. "Manong, take her home! Huwag na huwag niyo ring papalabasin ng mansiyon ng walang pahintulot ko!" utos nito at pinagsarahan na ako ng pinto.

"Daddy..."

"Hey, wake up."

"Dad! No! Daddy!"

Mabilis akong napamulat ng mga mata at napahawak sa ulo ko. Fvck!

"Call Kuya Renzo and Wilbert!" tarantang utos ng babaeng nasa tabi ko.

"Yes, Madame!"

"Stop," mahinang bulalas ko habang hawak-hawak ang kumikirot na ulo. Shit! Parang binibiyak ito ngayon! Ang sakit! Fvck! What the hell is happening to me? "Stop the pain, please..."

"Hang in there, Ira! Kuya is coming," ani ng babae at mabilis na inalo ako. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa tabi ko at niyakap ako. Inalagay nito ang ulo ko sa dibdib niya at marahang hinaplos ito. "It's okay, Ira. Ate is here."

Napaawang ang labi ko sa narinig. Ayaw kong mag-isip ng kung ano ngayon ngunit hindi ko maiwasang hindi magtaka sa narinig mula sa babaeng ito. What? Is she calling me Ira?

"Miracle! What happened?"

"Kuya!"

"Ihiga mo siya nang maayos, Miracle!"

Boses iyon ng lalaking nagbantay sa akin. Iyong kausap ko kanina! He's here!

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng sakit ng ulo ko. Biglang kumalma ang katawan ako. Nanatili akong nakapikit at hindi na kumibo pa.

"Umiiyak siya kanina," rinig kong sambit ng babae. Miracle. That's her name. "She kept on calling her dad."

"Anong plano niyo ngayon, Renzo?"

"She'll stay here until she recovers."

"Alam mong delikado ang sitwasyon natin ngayon. Baka madamay pa ang bata!"

Katahimikan.

Walang nagsalita sa tatlo. Dahan-dahan, iminulat ko ang mga mata ko at binalingan ang mga ito. Kita ko ang gulat sa mukha ni Miracle samantalang seryosong nakatingin sa akin ang dalawang lalaki.

"He-help me, please," nanghihinang pakiusap ko sa tatlo. "I do-don't know what to.. to do now." That's true. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Pagkatapos akong paalising muli ni Tita Estrella sa mansiyon ng mga Valderama, wala na akong mapupuntahan pang iba. I can't stay at my friend's house, too! Masyado na akong abala sa pamilya niya! "Please..."

This is my last chance. I need to at least try with them. Ramdam kong hindi nila ako pababayaan!

Mabilis na lumapit si Miracle sa akin at lumuhod sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya! Oh my!

"It's okay. We'll help you," anito at inabot ang kamay ko. "Kami ang bahala sa'yo. Titiyakin naming magiging ligtas ka."


A/N:

MERRY CHRISTMAS, LOVIES! I LOVE YOU ALL!!!

Fairy Tale No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon