"Adam."
Natigilan si Adam Zamora sa paghakbang palabas ng silid noong tawagin ko ang pangalan nito. Binalingan niya ako at tahimik na hinintay ang dapat na sasabihin ko sa kanya.
"When the accident happened eight years ago, paano... paano kung hindi ka nakaligtas noon? Anong mangyayari sa Underworld kung sakaling napatay ka talaga nila?"
Hindi agad sumagot si Adam sa naging tanong ko sa kanya. Mataman lang itong nakatingin sa akin habang ako naman ay matiyagang nag-aantay sa magiging sagot nito.
"If I didn't survived that day, all my allies will surely suffer." Anito na siyang tipid na ikinatango ko. "You experienced first hand how terrible the people who are against my leadership, Cindy Valderama. After my accident, they came after your father, one of the closest member to the Zamora Clan."
Napakagat ako nang pang-ibabang labi at napabuntong-hininga na lamang. My dad, hanggang ngayon ay hindi ko pa talaga lubos matanggap ang naging koneksiyon nito sa organisasyon nila Adam Zamora. Masyadong delikado ang mundong ginalawan nito noong nabubuhay pa siya at wala akong naging ideya dito. "I saw the video, Adam." Turan ko na siyang ikinatigil nito. "I saw how they shot you and how those bastards brutally murdered my father."
"You're a strong woman, Cindy. You survived before and I'm sure you can survive this one, too." Sambit nito at matamang ikinatango kong muli. Nagpaalam na muli itong aalis na ngunit bago pa man ito tuluyang makalabas sa silid, tinawag kong muli ang pangalan nito.
"Anong alam mo tungkol sa mga Acuesta?" Maingat na tanong ko dito na siyang ikinakunot ng noo nito. "For years, my brother considered you as his enemy. Nasaksihan ko ang galit nito sa mga Zamora. Ramdam ko ang galit nito sa'yo at sa pamilya niyo. Pero ngayon, magkasundo na kayong dalawa. Biglang nawala ang galit nito sa'yo at ngayon, hindi ko na makita ang galit sa mga mata nito."
"Lorenzo Acuesta is a changed man now, Cindy. His past will never define him. Kung ano man ang naging alitan namin noon, isinantabi na namin ito. We can't just let our past destroy our future." Makahulugang wika nito sa akin na siyang ikinatigil ko. "Kung gusto mong malaman ang lahat-lahat tungkol sa mga Acuesta, talk to your brother, or just ask Miracle. They can tell you everything, Cindy. Hindi ako dapat ang tinatanong mo sa bagay na ito. It's not my story to tell." Pahabol nito at tuluyan nang lumabas sa silid.
Napabuntong-hininga na lamang ako at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Dinampot ko ang cellphone na pinahiram ni Adam sa akin kanina at dahan-dahang naglakad patungo sa may bintana ng silid. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at binuksan ang cellphone na hawak-hawak ko ngayon.
Maingat akong nagtipa ng mensahe at mabilis na isinend iyon kay Kuya Renzo. I just texted him I'm fine. Iyon lang ang sinabi ko at wala nang iba pa. Hindi ko na sinabi dito na nandito ako sa mga Zamora. He will find out eventually. Now that Adam Zamora activated the red book, all the members of Underworld will surely find this place, including my brother and the rest of our allies.
"The one who attacked Adam Zamora and my father will surely come after us, too." Wika ko at pinatay ang cellphone na ginamit para itext ang kapatid ko. Napabuntong-hininga na lamang muli ako at matamang tiningnan ang tanawin sa labas ng rest house ng mga Zamora.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala habang nakatingin sa labas. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at noong makarinig ako ng isang putok ng baril, naging alerto ako.
Napaatras ako palayo sa bintana at mabilis na hinawi pasara ang kurtina nito.
Bumalik ako sa kama at maingat na naupo sa gilid nito. Inilapag ko ang hawak-hawak na cellphone sa tabi ko at binuksan ang drawer ng mesa na nakapuwesto sa tabi ng kamang kinauupuan ko ngayon. Dalawang baril ang bumungad sa akin at mabilis na dinampot ang isa. Adam Zamora told me about the guns. Ang sabi nito kanina ay halos lahat ng kuwarto sa bahay na ito ay may ganito at puwede ko raw itong gamitin kung kinakailangan.
BINABASA MO ANG
Fairy Tale No More
AcciónFairy Tale Series #2 | COMPLETED Cindy Jamaica, heir of the Valderama family, lost her everything, including her family and herself, to her evil step-mother and her two daughters. Started: September 02, 2019 Completed: April 17, 2021