Halos hindi ko galawin ang pagkaing inihanda ni Charles para sa akin.
Tahimik lang akong nakaupo at nakatunganga lang sa taong nasa harapan ko ngayon. Mayamaya lang ay tumikhim si Charles at uminom ng tubig. Maingat nitong binitawan ang hawak na kutsara at tiningnan ako.
"Eat your food, Serene," anito at hindi inalis ang marahang titig nito sa akin.
"Hindi ako gutom," walang ganang sambit ko dito.
"Stop being stubborn, please. Kailangan mong kumain." Tila nauubusan na ito nang pasensya sa akin.
I sighed.
"Don't mind me, Santiago. Kaya ko ang sarili ko," wika ko sa kanya at tumayo na sa kinauupuan ko. Hindi ko pinansin ang pagtawag nito sa pangalan ko at naglakad patungo sa sala. Naupo ako sa bakanteng upuan at marahang ipinikit ang mga mata.
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Gusto kong puntahan ang mga kapatid ko ngunit wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang manatili sa bahay na ito. Hindi ako makaalis dahil sa mahigpit na pagbabantay nito sa akin. I tried to sneak out but I failed. Ang ending, mas hinigpitan niya ang pagbabantay. He even slept inside the room I was using! Damn, Santiago!
"Serene." Natigilan ako noong marinig ko na naman ang boses ni Charles. Nanatili akong nakapikit at hindi ito binigyan pansin. "Be ready. We're leaving this place as soon as possible."
Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo at nagmulat ng mga mata. Kunot-noo ko itong tiningnan at pinagtaasan ng isang kilay.
"Don't fool me," mariing sambit ko. Ilang ulit nitong sinabi sa akin kagabi na hindi kami aalis dito hangga't hindi pa ligtas ang lugar na babalikan namin. I'm not falling to his words!
"I'm not," anito at naupo sa tapat na upuan ko. "My men called me earlier. Someone tracked this place down. We need to move. This place is not safe anymore."
"Iuuwi mo na ba ako?"
"No."
Damn it!
"Kung aalis lang din naman tayo sa lugar na ito, dapat ay iuwi mo na ako sa pamilya ko! Charles, I don't like this! Dapat sa ganitong sitwasyon, dapat ay magkakasama kaming tatlo! This is our battle! Kailangang nasa tabi nila ako at sabay naming harapin ang kung sino mang kaaway ng pamilya namin!"
"Serene, nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo? Delikado ang lugar ng mga Acuesta ngayon. Even your brother knows that. At isa pa, kaya sa akin ka pinagkatiwala ni Renzo dahil hindi agad iisipin ng mga Pacheco na narito ka sa akin. Cause I'm a Santiago. We're enemies, remember?"
Natigilan ako sa narinig.
"Wait..." pigil ko dito at matamang tiningnan ito. "Did you just mentioned about the Pacheco? Pacheco Clan?"
Kita kong tumango si Charles at marahang bumuntong-hininga.
"Renzo confirmed it to me earlier, too. Sila ang may pakana sa pagsugod sa mansyon ninyo. Mga tauhan ng mga Pacheco rin ang nagtangkang kunin ka."
Napatampal ako sa noo at mariing humugot ng isang malalim na hininga.
I can't believe this! Sa lahat ng pamilyang makakabangga namin, bakit ang mga Pacheco pa? I know that family! Ang alam ko ay minsan nang nahawakan ng mga Pacheco ang underground organization nila at noong sumali na ang mga Zamora, nawala sa kanila ang kapangyarihang mamuno sa buong organisasyon. And now, I think their at this game again. The Zamoras already gave up the position being the head of the Underworld. At tanging ang Santiago Clan at kaming mga Acuesta ang nanatiling nasa top rank ng underground organization ngayon.
BINABASA MO ANG
Fairy Tale No More
ActionFairy Tale Series #2 | COMPLETED Cindy Jamaica, heir of the Valderama family, lost her everything, including her family and herself, to her evil step-mother and her two daughters. Started: September 02, 2019 Completed: April 17, 2021