"Serene."
Napaayos ako nang pagkakaupo noong tawagin ako ni Kuya Renzo. Hindi ko ito kinibo at tiningnan lang ang mga paang nakatapak sa puting buhangin. I heard him sighed.
"How's your wound? Hindi na ba ito kumikirot?" Tanong muli nito na sa akin na siyang tipid na ikinailing ko lang sa kanya. "Serene, talk to me, please."
"Stop calling me, Serene, Kuya. I'm not her. My name is Cindy, Cindy Valderama."
"You're still our Ira Serene, Cindy. Hindi na magbabago iyon."
Wala sa sarili akong napabaling dito at matamang tiningnan ito. I sighed. Nandito na ngayon si Kuya Renzo sa harapan ko. Gusto ko itong kausapin. Gusto kong magtanong sa kanya ngunit tila umurong ang dila ko. I can't even think a fvcking question for him!
"Stanley told me that you already knew about my previous assignment. Cindy... I'm really sorry."
"Noong tinulungan mo ako, noong makita mo ako sa labas ng mansiyon ng mga Valderama, ano ang tunay na rason mo, Kuya Renzo?" Sa wakas ay nagawa ko nang magtanong dito. "Knowing the truth behind my father's death, knowing who killed him, Kuya Renzo, have you ever thought what will happened to me once I found out everything? Eight years, Kuya. Bakit wala kang sinabi man lang sa akin? Bakit mo tinago iyon?"
"Gusto mong kalimutan ang lahat tungkol sa mga Valderama, Cindy. You wanted a new life."
"And you gave that new life to me," singit ko dito habang hindi pa rin inaalis ang paningin dito.
Hindi kumibo si Kuya Renzo at napabuntong-hininga na lamang. Maingat itong naglakad papalapit sa akin at naupo sa tabi ko. Nag-iwas ako nang tingin dito at tinanaw na lamang ang asul na tubig dagat sa harapan.
"Binigay namin sa'yo ni Miracle ang buhay na hindi namin kailan man maibibigay pa sa tunay na Ira Serene, Cindy. You remind us of her. Noong tinulungan kita noong gabing iyon, hindi ko alam na anak ka ni Salvador Valderama. Tinulungan kita dahil alam kong kailangan mo nang tulong ko. And when I found out that you were a Valderama, mas dumoble ang kagustuhan kong tulungan ka."
Napapikit ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Napaawang ang labi ko at hindi na naman napigilan ang mga luha.
"You really killed my father," I said, almost breaking down.
"I was the team leader," anito at narinig ko ang paghugot muli nito nang malalim na hininga. "Ayaw kong maghugas kamay dito pero wala ako roon noong pinatay nila ang ama mo. It was a mistake. Someone from the committee fooled and tricked us. The real target was Stanley Santiago, the heir of the Santiago Clan, and not your father. Stanley Santiago was next in line after Adam Zamora. An insider messed up our mission and we end up messing with your family."
"An insider?" Takang tanong ko dito. "Bakit niya naman gagawin iyon?"
"Noong una, hindi ko rin alam, Cindy. Matagal ko nang itinigil ang pag-iimbestiga sa bagay na ito ngunit dahil sa pagbabalik mo bilang isang Valderama, we tried to find out who manipulated our mission eight years ago."
"And you find something?"
"Kingston Martinez, one of the elite member of the committee." Sambit ng kapatid ko na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Kingston Martinez?" Hindi ko nabasa ang pangalan nito sa red book! "A-anong kinalaman nito sa nangyari roon. Kuya Renzo?"
"He's also a Valderama, Cindy." Sambit nito na siyang ikinaawang ng labi ko. "He's the younger brother of your father."
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. "Walang... walang kapatid ang daddy ko. Nag-iisang anak lang ito."
"Kapatid ito ng daddy mo sa ama. Half-brother, Cindy."
BINABASA MO ANG
Fairy Tale No More
ActionFairy Tale Series #2 | COMPLETED Cindy Jamaica, heir of the Valderama family, lost her everything, including her family and herself, to her evil step-mother and her two daughters. Started: September 02, 2019 Completed: April 17, 2021